“SINO 'yon, Kayle?” tanong ni Toby sa dalagang nasa pinto ng kanyang bachelor pad.
“Nothing, love, nagkamali lang ng unit,” sagot nito habang isinasara ang pinto. Kumunot ang noo ni Kayle nang malingunan si Toby na binubutones ang polo.
“Aalis ka?” Si Kayle na humakbang palapit sa kanya.
“Kailangan kong bumalik sa opisina. I have an important meeting today. Umalis lang ako kanina dahil sa 'yo.” Yumakap ito sa baywang niya.
“Babalik ka naman mamaya 'di ba? Let’s dine in together tonight.” Lambing ng dalaga.
“I can’t, Kayle. Tingin ko late nang matatapos ang meeting namin.”
“Okay fine! Pero dito ka matulog.”
“Hindi puwede. Walang kasama si Mitzi sa bahay. You can stay here habang nandito ka sa Pilipinas.” Kinalas niya ang braso ni Kayle mula sa pagkakayakap at bumalik sa loob ng kuwarto. Kinuha ang cell phone na nasa night table at tinext si Mitzi. Sinabi niyang si Mang Edmond, ang family driver nila Mitzi, ang susundo dito dahil may meeting siya kasama si Andrew. Agad namang nagreply si Mitzi at sinabing umuwi na ito dahil maagang natapos ang klase. Napangiti si Toby. Nagbabago na talaga ang brat na 'yon. Hindi na kailangan bantayan.
Muli siyang nagtext “Behave, brat. Just wait for me.” Nakangiting ipinasok ni Toby ang cell phone sa bulsa ng kanyang slack saka itinupi ng manggas ng polo hanggang siko at nang matapos ay sinuyod niya ng tingin ang maganda at maaliwalas na silid ng kanyang bachelor pad. The room was coated with pristine white with touch of dark shades, and minimalist in details. Lahat ng kasangkapan ay puti at itim na pawang panglalaki.
Pagdating niya ng Pilipinas ay dito siya dinala ng sumundo sa kanya sa airport. Sao Corporation provided this for him at may kasama pang brandnew car— a black Audi A3. Hindi niya gustong tanggapin dahil alam niyang si Andrew talaga ang nagbigay niyon but Andrew insisted it. Pabirong sinabi ni Andrew na kailangan raw siya nitong suhulan dahil baka bigla siyang mag-resign at lumipat sa ibang kompanya, which is very impossible to happen. Ang big bike naman niya ay kanyang binili pagdating niya ng Pilipinas. Ang lumang bahay sa Tondo ay pinahanda niya pagkatapos pumayag ni Andrew sa suhesyon niyang doon itira si Mitzi.
***
PATAKBONG bumaba si Mitzi ng hagdan nang marinig ang pagbukas ng pinto. Siguradong si Toby na iyon. Ngayon ang usapan nilang mag-de-date sa ihawan. Kanina ay ang bigat-bigat ng pakiramdam niya nang magpunta siya sa condo ni Toby, lalo na nang mag-text ito sa kanya at sabihin nitong si Mang Edmond ang susundo sa kanya dahil may meeting ito. Alam naman niyang kasama lang nito ang girlfriend. Pero naisip niyang bakit ba nagdaramdam siya. Wala siyang karapatan. Siya na nga itong nakakaperhuwesyo kay Toby siya pa ba ang magdaramdam. At nang marinig nga niya ang pagbukas ng pinto ay na-excite siya bigla na hindi niya maunawan kung bakit. Dahil makakakain siya ng isaw? Tama. Doon siya na-e-excite.
“Hi!” Nawala ang excitement na naramdaman ni Mitzi nang makitang si Cath ang pumasok mula sa pinto na may bitbit na supot.
“Hi,” walang gana niyang bati sa dalaga na tuloy-tuloy na tinungo ang hapagkainan at inilapag ang nasa supot.
“Halika, kain tayo.” Si Cath na tinungo ang lababo at kumuha ng dalawang pinggan, dalawang pares ng kutsara’t tinidor, mangkong at platito at inayos ang mga iyon sa mesa at inilabas mula sa plastic ang nasa Styrofoam na pagkain.
“Sabi ni Toby sabayan daw kita sa pagkain kasi hindi raw siya makakauwi nang maaga.” Bigla ay nakaramdam siya ng lungkot sa narinig. Siguro ay nasa pad pa rin ito kasama ng girlfriend. Sino ba naman siya para unahin nito kaysa sa girlfriend? Pero akala niya talaga single ito. Kaya pala hindi siya nito tuluyang inangkin kahit nagkaroon na ito ng pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Heredera Series 2 (Mitzi) To Be Published Under PHR
RomanceMitzi Sao is a stubborn and willful heiress. She does whatever she wants without even thinking of the consequences that may happen. A bonafide bar hopper, shopaholic debonair and irresponsible student. Bilang parusa...