KEEP IT SAFE ! ! !

78 2 0
                                    

Panu kung kami talaga ni Liam ang magkatuluyan?

Ganito rin kaya kalaki bahay namin? (haha. nangangarap nanaman.)

Wala namang masama sa mangarap diba? Libre naman? Ano ba pakialam nilla kung isa si Liam sa pangarap ko? (haha. dinepensahan ba naman ang pangarap. ^_^ )

Anyways, nasa room ko na nga ako at ang sarap sa pakiramdam kapag ganito ang room mo, Malaki, mabango, maganda ang view. At favorite color ko pa yung kulay ng room. Pink sya na ang cute naman talaga pagtinitigan mo. Para ka talagang princess. Ang bed, ang laki, kasya ata ang lima dito eh ay hindi, feeling ko kasya dito ang sampo basta ba payat. hahaha.

Puno na pink ang room. meron ngang sariling computer at tv eh. para narin syang bahay. May mini-ref, meron din namang cr. Hala ewan, ang laki talaga ng room na to. Feeling ko tuloy para akong nakatira talaga sa palace. haha. (ambisyosa?? haha..)

Sabay sabay na kaming naghapunan. Katabi ko si mama habang kaharap ko naman si Liam.

Naiilang parin ako sa kanya. Kahit na nakakaya ko namang tingnan sya sa mga mata, naiilang padin ako. Yung feeling na kinakabahat ka? Yung feeling na ang lakas ng kabog sa dibdib mo?? Yun feeling na any time pwede ka ng mahimatay sa sobrang kaba?? haha. Ganun ang feeling na nararamdaman ko. Pero bilid naman talaga ako sa sarili ko eh. Nakakaya ko pa rin kasi. haha.

Sige na nga. Tama na nga tong pagkikwento ko sa nararamdaman ko. Para na akong tanga eh. haha.

Pagkatapos naming kumain at ng kwentuhan, umakyat na kami sa aming mga kwarto at dun na pinatuloy yung kung ano man ang dapat gawin bako matulog. haha.

Syempre ako, pag akyat na pag akyat ko, nag ready na ako agad sa pagtulog ko. (excited matulog?? haha. ) Pagkatapos kong ginawa lahat ng dapat kong gawin, humiga na ako sa kama ko.

Ang sarap naman talaga sa pakiramdam. Ang lambot ng kama. Ang sarap talaga. Inon ko yung tv para manuod ng Masterchef UK. Syempre, tamang tama lang yung paglipat ko, kakaumpisa lang. Tapos may biglang kumatok.

"Sino yan?" (walang sumagot?? adik much ng mga tao dito. Baka si Jeremy!) "Pasok lang!"

"Magtatanong lang sana ako kung may internet ka ba?" (Oh!? O.O si Liam?? OH MY!) agad agad akong tumayo.

"HA? Ah. di ko kasi chineck." (Wohw! pinawisan ako dun ah! Ano ba naman kasi tong si Liam sumusulpot lang bigla.)\

"Ah ganun ba? Pwede bang icheck ko nalang?"

"Ah. Oo. Sige. Chenk mo lang." ngumiti ako. Hala ewan kong bakit ako ngumiti. Pero buti na rin yun no kesa sa hindi ako ngumiti, eh di iisipin ni Liam na supalda ako? Ayaw ko kaya yun. Gusto ko, isipin nyang mabait ako. (mabait naman talaga ako ah! haha)

"Nanunuod karin pala ng ganyan?" Oh Gosh! Ngumiti na naman sya. Ano ba Liam? Wag kang ngumiti! Halayin kita dyan eh! haha. (yayks! haha.)

"Ah! Oo. Gusto ko kasi to eh!"

"Same pala tayo."

Okay. Weird. Silence.

Ang tahimik. WOhw! Ano ba to?

"Nachek ko na. Sige. On ko nalang to ha? Baka gusto mong gumamit." ngiti nanaman? Ano ba to??

"HA!? Ah OO sige." lumabas lang bigla? Di man lang ako tiningnan? Grabe! Hanep ka din ah!

Inoff ko na rin yung tv. Natapos na rin kasi yung pinapanuod ko. Inoff ko na rin yung computer, di ko naman kasi gagamitin. Tapos natuog na ako.

LIAM'S P.O.V.

Nakakainis. Bat ba ako pumasok sa room nya? Eh alam ko na naman na may internet eh! Hindi ko na maintindihan sarili ko. Kaya ko pa ba tong pigilin ang nararamdaman ko para kay Khaila? Bat ba kasi dito pa sila tumira? Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Ano ba to?

Kanina, bigla nalang akong lumabas sa kwarto nya. Nakakainis. Wala man lang akong maisip na mapag usapan namin. Ang weird lang talaga ng pakiramdam na yun.

Mapipigilan ko pa ba? Panu ko ba to pipigilan kung dito na sila nakatira at magkatabi pa talaga ang kwarto namin? Nahihirapan ako.

"Li?"

"Pasok po mi!"

"Okay lang ba sayo na dito sila tumira?"

"Mi? Alam mo naman na okay lang diba? Papayag po ba ako kung hindi? Mommy naman eh!"

"Baka lang kasi nahihirapan ka anak! Si Khaila na yan?!"

"Mi, kaya ko naman po. Kahit ganito nararamdaman ko. Okay lang naman po ako. Kinakaya ko naman po mi!" (oo, alam ng parents ko na gusto ko si Khaila! ikaw kaya ang maging nag iisang anak? hehe) Ngumiti lang si mommy.

"Sige. Good night anak!"

"Good night mi! Good night na rin kay daddy."

---more to come from this story.---

---End of this chapter---

Secret Love Ng Taong TakotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon