AYUS NA! OKAY NA KAMI ! ! !

58 1 0
                                    

LIAM'S P.O.V.

Nakatulog na pala ako sa kwarto ni Khaila. Di nya man lang ako ginising para lumipat sa kwarto ko.

Pagbangon ko, tumingin ako agad sa paligid.

Nakita ko si Khaila na natutulog. Nakatulog nanaman sya sa kakanet.

Nilapitan ko sya.

"Khaila? Khaila? Khaila?"

"Oh? Inaantok pa ako."

"Khaila umaga na."

"Alam ko. Kakatulog ko lang kasi eh! Mamaya na ako gigising okay?"

"Okay!"

Binuhat ko sya sa pagkakaupo nya at inilapag ko sya sa kama nya. 

Bumalik ako sa kwarto ko at naligo.

Nagluto ako ng agahan para samin ni Khaila. Siguro naman masasarapan ulit sya sa luto ko at mapapatawad nya na ako sa nagawa ko kagabi.

Pagkatapos kong nagluto inarange ko na yung table tapos umakyat ako papunta sa kwarto ni Khaila.

"Khaila?" OH? Gising na sya. Wala na kasi sya sa kama nya at linis linis na ng kwarto  nya.

"Oh bakit?"

"Gising ka na pala."

"Ay malamang diba?"

"Alam mo pilosopa ka talaga."

"Sayo lang naman eh!"

"Wag ka namang pilosopa ano! Ako na nga tong seryoso sa paghingi ko ng sorry sayo ikaw pa tong namimilosopa."

"So nagagalit ka rin pala! Buti naman alam mo kung panu magalit. At least nararamdaman mo yung nararamdaman ko."

"Kung alam mo lang" muntikan na. buti nalang napahinto ako.

"Kung alam ko lang ang alin?'

"Wala. Kumain na nga lang tayo ng agahan. Nagluto na ako."

"Bat mo ginagawa to?"

"Ang alin?"

"Ito? Itong pag aalaga sa akin?"

"HA?"

LOKO!

Natameme ako sa sinabi nya.

Napalabas tuloy ako sa kwarto nya ng di nag sasalita.

KHAILA'S P.O.V.

Bat ganun?? Di nya man lang sinagot tanong ko. Lumabas lang bigla.

Ano kaya nangyari sa kanya? Ngayon ko lang syang nakitang nagulat ng ganun.

Pero binalewala ko na lang. Sumunod nalang ako sa kanya papuntang kitchen para magbreakfast.

At sa inaasahan ko, nabusog nanaman ako sa pagkain. Ang sarap nya pala talagang magluto.

Pagkatapos naming kumain si Liam nanaman ang naghugas ng pinagkainan namin. Ang weird lang talaga. Ni di kami nag usap habang kumakain. Ang WEIRD!!!! di sya kumikibo.

Pumunta akong pool area ng bahay nina Liam para dun ko nalang isipin ang lahat ng gusto kong isipin.

"Khaila bat andya ka?"

"Naku! Bawal ba dito? Hala! Pasensya na!"

"Hindi okay lang naman!"

"Ah. Akala ko kasi bawal."

Ngumiti lang si Liam. 

Okay na ba kami??

"Khaila, sorry nga pala kagabi ha? Di ko naman talaga gustong asarin ka. pasensya na."

"Okay lang. Tapos na din naman yun kaya okay lang. Ako dapat ang magsorry eh!"

"Sorry saan?"

"Kanina at kagabi."

"Sus! Ano ba! Dapat bang ihingi ng sorry yun? Di naman eh! Tama lang sa akin yun."

"Kahit na! Sorry pa din!"

So? Okay na kami??

YES!!!

Okay na kami. Akala ko kaya kong kagalit sya kahit saglit lang, di pala.

---kitakits sa next chapter.---

Secret Love Ng Taong TakotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon