IKAW NA, IKAW NA TALAGA ! ! !

59 2 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit, pero ang ganda ng gising ko. WOW!

Si Khaila ang napanaginipan ko. Ang saya namin sa panaginip ko. Gusto ko na ngang di na matapos ang saya na yun. Pero nagising na ako eh!

(para na akong bading sa ginagawa ko. haha.)

Ano kayang mangyayari ngayong araw?

May magbabago ba sa amin ni Khaila?

Kakausapin nya na kaya ako? I mean sa school?

Bahala na si Batman! hahaha. Good Luck sa araw na to!

Alam kong masaya ang magiging araw ko ngayon! (sana nga.)

Pagkagising na pagkagising ko, pumunta ako agad sa cr para gawin ang morning rituals ko. (haha).

Pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin, bumaba na ako sa kitchen to take my breakfast.

Of course, as usual andun na sina mommy at daddy, pati na rin sina tita at tito, at si Jeremy, pero bakit wala pa si Khaila? Ganun ba talaga sya katagal araw araw? Hay naku!

"Good morning po!" binati ko sila.

Maya maya sumalo na si Khaila sa amin. Breakfast get together?? haha. Ang ingay nina daddy, Tawanan ng tawanan. Nakakatuwang tingnan. Halatang namiss yung mga bonding times nila. hehe.

"Li? Sabay na kayo ni Khaila."

"PO?" (wohw~ sabay pa kaming nagsalita ha!?! gulat??)

"Sabay na kayo since same lang naman kayo ng pupuntahan." si mommy naman eh! nakakainis. Iniiwasan na nga, nilalapit pa. Hay naku!

"Ah! sige po!" (hala ngiti lang Liam. Para di halata!~ haha.)

Sabay nga kami ni Khaila papuntang school. Ang tahimik. Para kaming takot magsalita.

KHAILA'S P.O.V.

Kinakabahan ako ewan ko kung bakit. Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko. Pero kahit ganun, bumaba parin ako para saluhan sila sa breakfast. Para naman di sabihin na epal ako diba? hehe.

OH?? Silang lahat nasa kitchen na kumakain. Tumabi ako kay Jeremy at sinimulan ang pagkain.

"Li? Sabay na kayo ni Khaila."

"PO?" (sabay pa talaga kaming dalawang sumigaw ha?! ano ba naman tong mommy ni Liam. Nakakaloka!)

"Sabay na kayo since same lang naman kayo ng pupuntahan." (Oh My! Ano ba to!? Parang pinaglalapit pa kami ng nanay nitong si Liam ah! nafifeel ko ang pamumula ng pisngi ko. Nakakahiya!)

Pero kahit alam ko naman na ayaw ni Liam na kasabay ako, pumayag parin naman sya. Siguro dahil narin sa pagbibigay respeto sa gusto ng nanay nya.

Nakakabingi ang katahimikan! Di nya ako kinakausap habang papunta kami sa school. Tuloy nahihiya na ako. Feeling ko galit sya.

"Okay ka lang ba Khaila?" nagulat naman ako dun! bigla lang syang nagsalita. Nabasa nya ba isip ko? haha.

"HA? Ah! Oo naman! Bakit mo naman na tanong?" nakakainis talaga ang feeling na to. Kinakabahan nanaman ako. Ano ba to?!.

"Wala lang. Para kasing may iniisip kang napaka lalim. Para akong nalulunod pagtinitingnan kita!" (HA?? ANO RAW??? Loko! NALULUNOD? ibig sabihin TINITINGNAN nya ako?? Di ko man lang napansin?? OH GOSH! Mas lumakas kabog ng dibdib ko.)

"Ganun?"

"Alam mo, nakakatuwa ka! Bigla bigla ka nalang nagugulat." (tinawanan ako??? Ano naman masama kung magugulatin ako?? Kasalanan ba yun??) "Oh! Di ka nanaman nagsasalita! Magsalita ka kaya."

"Eh wala naman akong sasabihin eh!"

"Di mo man lang ba ako sasabihan ng kahit na anong gusto mong sabihin?"

GUSTO KITA! hindi! MAHAL KITA! yun ba ang gusto mong marinig?? Nakakaloka ka Liam!

"Ano ka ba? Okay lang naman yun! Ikaw naman!"

Ngumiti lang sya. Ang cute nya naman talaga. Para na akong naloloka sa kanya!

Nasa school na kami. Kinakabahan na ako. Ano ba tong nararamdaman ko. Hindi ko na maintindihan kung ano man ang nararamdaman kong ito.

----kinakabahan din ako. char! ^_^ tatapusin ko na muna ang chapter na to dito. Sumasakit nanaman ulo ko.---

Secret Love Ng Taong TakotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon