GVB 4 : I hate you na Mr. Cute!

3.8K 97 6
                                    

UD na daw ako eh, mukhang di na makahintay si ShairaTanaka sa FrancElla kaya eto na :)













Chapter 4 : I hate you na Mr. Cute!











Ella's POV










Di ko makaya ang tensyon sa room between Nash and Alexa kaya dito muna ako sa library. Yes, kahit na first day palang dapat makapag-advance reading ako, running for valedictorian eh.







Tumitingin tingin palang ako ng mababasa nang di inaasahang andito rin pala si Mr. Cute na naghahanap din ng books. Di ko pa sya naririnig magsalita kahit na nagkakagulo na yung mga kaibigan namin eh para bang may sarili syang mundo. Hayyy....







"Ahm....h-hi. Classmates tayo right? I-im Ella" then I smiled and offered my hand for a shake hand kaya lang tiningnan nya lang yung kamay ko. Snob si Mr. Cute?!






"Im Francis. Francis Magundayao" sabi nya lang at patuloy na naghahanap ng mababasa











"Nagkita na tayo sa mall diba. Naaalala mo pa?" ngiti ko ulit








"No" tipid nyang sagot






Psh...bakit ba ang tipid nitong magsalita? Nakakainis na ha! Mukha akong tanga dito na daldal nang daldal habang napakalapad ng ngiti tapos sya ang tipid sumagot at poker face pa. Argh!










Tama nga sila Shar, di uso ang gentleman dito. Nakakainis! Makaalis na nga.













"Wait" O_o  pinigilan nya akong umalis? Wow huh!














"What?" -me













"Nice meeting you Ella" and he smiled





NICE?!!!!! NICE nya mukha nya!!!! Sa tingin nya nagustuhan ko yung asal nya?!!! Ish!!! Cute nga, snobero naman!!!













Tiningnan ko lang sya at umalis na . Simula ngayon, di ko na sya crush!! Nakakainis talaga syaaaa!!! >____<







*BUGSH!*





"ARAY!" react ko agad sa nakabunggo sakin. Nakayuko kasi akong naglalakad habang nanggigigil kaya di ko namalayan na may mabubunggo na pala ako










"Huy Ella, anong problema mo?" sabi nung nabunggo ko.....oops, sina Sharlene pala








"Si Mr. Cute nakakainis!" sabi ko habang umuusok ang ilong











"Oh?! Bakit naman?" sabi naman ni Alexa habang naglalakad na kami papuntang cafeteria, break na kasi













"Dakilang snobero. Nakakainis!! Isipin mo, hindi pa pala ako natatandaan nung sa mall?! Argh!!" pagmamaktol ko pa. Nakakainis talaga sya! Waaaaaah!! >___<'












"Pft---hahahahahahaha. O ano? Crush mo pa?" pangaasar pa ni Shar













"Shar gusto mong makalbo?!!" sermon ko















"H-hallah. Uy! Biro lang, eto naman" sabi nya sabay peace sign














"O ngayon girls. Alam na natin ang kulay ng tatlong bugok na yon, iwasan nyong makipagmabutihang loob ha. Nakakainis naman talaga sila" payo ni Alexa












"Naman Alex! Humanda talaga sakin yang Mr. Cute na yan!" nangigigil ko pang sabi











"Don't worry girls...babawi tayo" Alexa smirked
















"Dapat lang!" -Shar























Francis' POV













Napakaingay sa room at ayaw na ayaw ko ng maingay kaya nagpaalam ako kila Nash na tatambay muna sa library, atleast dun tahimik at walang magulo.








Naghahanap na ako ng books nang biglang may kumausap sakin, may kasama pala ako sa library and it's Ella, one of the transferees. Naiinis na ako, napakahyper, daldal at kulit pala nya kaya sinungitan ko. Pati ba naman dito sa library hindi ako matatahimik?! Kaya buti nalang umalis na sya. Atleast tumahimik ang atmosphere.














Maya-maya ay may dumating na babae sa library. It's Mich, Michelle Vito, yung nililigawan ko. Ewan ko ba kung bakit di pa nya ako sagutin, isa kaya ako sa mga hearthrob ng school at isa sya sa mga popular girls dito, perfect combination diba?

















"Hi Mich" bati ko sakanya













"Hi Francis. Di ko naman alam na mahilig ka palang magbasa ng books dito sa library." sabi nya. Nahiya tuloy ako, baka isipin nya bookworm ako at hindi ako kasing cool tulad ng tingin sakin ng iba

















"Sige Francis, una na ko. May aasikasuhin pa kasi ako for badminton" sabi nya at umalis na











Hayyy Michelle *-*























………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………




Vote po and comment don't forget!! :)

-A

Girls Vs Boys (NLex-JaiLene-FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon