GVB 17 : Recalling the past </3

2.1K 82 7
                                    

Haluuuu! Ngayon ko lang nabasa mga comments nyo sa last chapter and thank you sa mga bumati sakin ng happy birthday, mahal ko rin kayo haha. So eto na nga, magaupdate na ako kasi mataas nakuha kong scores sa exam (palakpakan na may halong sigawan whooo!) at syempre dahil nagreply sakin si Jai sa twitter kahapon (palkpakan ulit na may halong sigawan whoooo!) Sana magustuhan nyo tong update ko ;)

CHAPTER 17 : RECALLING THE PAST </3

Alexa's POV

"Huy anong nangyare?" biglang kalabit sakin ni Shar

"H-ha? Ano yun?" tanong ko, nakakagulat kasi eh, ang tahimik naming dalawang tapos biglang mangangalabit

"Nagde- daydreaming ka ba?" tanong nya, psh ang labo ni Shar realtalk! Haha

"Hmp? Grabe ka na naman, bakit mo naman nasabi yan?" tanong ko

"Hello? Ang tahitahimik dito sa loob ng kotse tapos traffic tapos ikaw nakangisi jan sa isang tabi? Huy kinikilabutan ako ha, baka mamaya nasasapian ka na pala, mapatay mo pa ako" reklamo nya

"Pft....hahahahahahaahahah!!!" ayan, napatawa nalang ako sa sinabi nya

"Huy umayos ka nga! Isa pa, sasabunutan kita" panakot nya

"Eh kasi naman napaka OA mo, para ngumisi lang nasasapian na agad? Mapapatay na kita agad agad? Hahahaha" pang aasar ko

"Eh bakit ka nga kasi ngumingisi eh wala naman dapat ngitian, traffi kaya oh diba dapat mabagot ka?" -Shar

"Ewan ko ba.....si Nash kasi eh....crush ko na at---- uy oh my ghad! Uy erase erase erase!!! Hindi hindi hindi palaaaa, mali mali mali. Uy Shar mali yun ha wag kang maniwal uy!!!" sa sobrang gulat ko, inalog alog ko na si Shar, syeeems! Kung ano anong nasasabi ko, ano ba yan

"uuuuuy, crush nya na si mr. mayabang" sabay tusok nya sa tagiliran ko

"Uy hindi ngaaaa, Sharlene naman eeehh" para na akong batang di mapakali dito, di ko pa makumbinsi si Shar

"Hahaha, eh bakit guilty ka? Oo na, wala akong pagsasabihan ikaw naman" kindat nya, hallaaaaa, naniniwala si Shar omooooooo!

"Psh... o sige na nga"  napacross arms nalang ako at nag pout

"Hindi naman kasi as in crush... wla lang, humahanga lang ako kay Nash, ewan ko pero dati sobra sya makapang asar pero ngayon ang sweet sweet na, kanina nga kaya natagal ako sa paglabas kasi inaya nya ako sa canteen, nanlibre sya ng icecream tapos...ano...wala, ang sweet ng ngiti nya... Pero Shar di ko talaga sya crush promise, cross my heart, peksman!" pout ko

"Asus denial ka pa eh, alam mo Alex, ganyan talaga nagsisimula yung as in crush na crush na crush. So kung may stages man yan, nasa stage 1 ka na, ayiiiee" tusok nanaman nya sa tagiliran ko

"Stage one palang naman diba, pwede pa yang maglaho, diba?" trying to convince myself na hindi madedevelop tong strange feeling na to

"Ewan ko sayo, baliw haha" sabi lang nya

"Sharlene naman eh..  kinakabahan kaya ako. Malay mo mangyare samin yung gaya sa inyo ni Joaquin, nagsimula sa crush hanggang naging love hanggang nagkaroon ng heartbreak" nagaalalang sabi ko

Sharlene's POV

"Sharlene naman eh..  kinakabahan kaya ako. Malay mo mangyare samin yung gaya sa inyo ni Joaquin, nagsimula sa crush hanggang naging love hanggang nagkaroon ng heartbreak" sabi ni Alexa... it changed my mood, bakit kailangang maipaalala nanaman sakin yung katangahan kong past? Diba nga "past is past"

* F L A S H B A C K *

First year ako nang makilala ko si Joaquin Reyes, that time, second section palang kami nila Alexa dahil late enrollee kami. Nakilala ko sya dahil sikat sya school namin, siya ang star player ng basketball team ng Luv U. Minsan nanood kami nila Ella ng laro nila vs Hudson at sya ang nagpanalo sa Luv U, simula nun, super mega turn on ako sa kanya, sabi ko nga, yun na ang stage one ng crush. Oo, crush ko na sya, lagi ko syang sinisilip silip, ilang beses narin akong natapilok kakasunod sa kanya at ilang beses narin akong nauntog kakasdungaw sa kanya. Nagkaroon ng club officers election noon, timing na magka-club kami, i grabbed the opportunity para mapansin nya rin ako. Sya ang naging president at ako ang vice, lagi kaming magkasama pag nagiisip ng agenda if ever na may meeting kami, doon nadevelop ang feelings namin sa isa't isa...ay mali, ng feelings ko lang pala. Two weeks nya akong niligawan, yes two weeks lang dahil obsess na obsess ako sa kanya that time, monthsary na namin nung sinurprise ko sya sa gym dahil buong araw silang may training ng basketball noon di nya ako nabati, sa pagpasok ko ng gym, timing na break nila, hinahanap ko sya pero di ko makita kaya lumabas nalang ako, sa poste malapit sa gym, nakita ko yung bag nya, lumapit ako then i was surprised, para akong nasampal ng libo libong beses sa sakit, i saw he kissing Celine, ang cheerleader ng Luv U squad and there i asked him kung mahal or minahal nya ba ako, at ang sagot nya, "maybe" ! Fuck him! Pinaglaruan lang nya ako dahil alam nya na obsess na obsess ako sakanya nakalimutan ko....di lang pala sa basketball at gwapo ang dahilan kung bakit sya sikat sa campus, kundi dahil narin sa pagka- casanova nya and that hurt me more, napakatanga ko, sinagot ko sya dahil crush ko sya, di ko man lang naisip na g*go sya, na laruan lang nya ang mga babae, na wala syang puso, na selfish sya!

* END OF FLASHBACK *

Bigla ko nalang napansin na tumutulo na pala ang luha

"Sh---Shar? Sorry, napaalala ko ata sayo si Joaquin? Sorry" Alexa hugged me. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, i hugged her back and cried

"Hmmmmnnnn (crying hum) Alexa.... bakit? bakit ganun? Hanggang ngayon, may nararamdaman parin ako sa kanya... Alex it's been 3 years pero yung sakit, yung sugat sa puso ko, fresh na fresh parin. Kailan ba to maghihilom?" hagulgol ko pa

"Kuya patabi muna yung kotse jan sa may tindahan, pabili ng tubig" sabi ni Alexa sa driver habang hinahahod ang likod ko, binuksan nya ang pintuan ng kotse para daw di kami mainitan

"Shar diba sabi mo nakalimutan mo na sya? Bakit? Anong ginawa mo? Bakit yung Sharlene na umiiyak noon, nakikita ko nanaman ngayon?" malungkot na tanong ni Alexa

"It's all my fault, ang tanga tanga ko kasi eh, pinaniwala ko yung sarili ko na mahal ako ni Joaquin, na true love nya ako, na di nya ako tinuring na laruan di gaya ng turing nya sa ibang babae... Alex... im sorry pero may hindi ako nakwento sa inyo ni Ella" napayuko ako bigla

"Next week after that incident, kinausap ko ulit si Joaquin, i asked him again kung minahal nya ba ako, hindi nya sinagot . I begged him na sana matutunan nya akong mahalin, lumuhod ako at nagmakaawa, iyak ako ng iyak tinanong ko ulit sya, kung kaya nya ba akong pag aralang mahalin, sabi nya pwede....pero aalis na daw sya, pupunta ng new york. Sinabi ko sa kanya na maghihintay ako, nangako ako sa kanya na hindi titingin sa iba kundi sya lang, tinulungan nya akong tumayo at niyakap nya ako, that was so unexpected bumulong sya at sinabing, babalik lang sya kung mararamdaman nya na mahalaga ako sa kanya. Umasa ako sa mga sinabi nyang yun, the next day wala na sya. Wala narin kaming communication, second year hanggang nag third year tayo umaasa ako na baka kinabukasan darating na sya pero wala eh, gabi gabi akong umiiyak, im hopeless Alexa... sorry, pinaasa ko yung sarili ko eh sa bagay na hindi naman pala talaga mangyayare" hagulgol ko pa, ngayon ko lang nailabas ng ganito ang bigat ng nararamdaman ko

"Shar....may kinalaman ba si Joaquin kung bakit ka nagbago? Kung bakit nawala yung pagiging girly mo? Is't about your promise na di ka titingin sa ibang lalaki?" naiiyak nyang tanong

"Yes" nahihiya kong sagot

"Sharlene why? Bakit kailangang idamay mo yung sarili mo? Alam mo hindi pinagaaksayahan ng luha ang lalaking tulad ni Joaquin, kung hindi mo binago yung sarili mo for him, malamang you're happy with the perfect guy right now, sana hindi ka parin nasasaktan at umaasa, sana naka move on ka na" yakap nya muli sakin. Oo, nagkamali nga ako, i wasted my 3 years to enjoy life, sa tatlong taon na yun, ginugol ko sa pagiyak kay Joaquin, ang tanga diba? Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi

-------------------------------------

Hi guys! Hanggang jan na muna, mamamatay na phone ko eh tinatamad akong mag charge hahaha, pero sana natuwa kayo sa update! :*

- A

Girls Vs Boys (NLex-JaiLene-FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon