GVB 21 : Make Moves (Part 3)

3.1K 70 1
                                    

JaiLene naman ^^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

GVB 21 : Make Moves (Part 3)

Jairus' POV

6:00 na nang matapos ang practice ng 4th year bball team. Intrams na kasi namin next week pero kahit naman matapos na ang intrams ay tuloy tuloy parin ang practice ko kasi ako rin ang captain ng varsity ng school at may laban ang university namin sa LuvU kaya nga lang nabobore ako sa practice namin kasi naman itong si Nash hindi nakipractice at wala daw kasama so Chloe (kapatid niya) sa bntahay nila dahil may nag out of town daw ang parents nila for some business matter at si Francis, ayaw niyang maglaro sa intrams dahil nawawalan siya ng gana kay Dominique.

Ako? Eto, tinatamad pang umuwi, wala naman kasi akong gagawin sa bahay, maboboring lang nanaman ako lalo na't umuulan pa.. Wala naman akong ibang kaibigan kasi lumaki akong si Francis at Nash lang ang kaibigan ko, lumaki kaming popular, tinitingala, tinitilian, kinatatakutan at SNOB. At dahil nga ayaw ko pang umuwi, naisipan kong pasukin ang principal's office at maghalungkat ng mga files, kahit naman mahuli ako okay lang, tita ni Nash ang principal. Hinanap ko ang files ni Sharlene para malaman ang address nila, aayain ko nalang siya somewhere, siya palang kasi ang pang apat kong kaibigan (yeah, nabibilang lang sa kamay ang mga sinasamahan kong tao) Naalala kong kinuha ko pala yung number niya nung isang araw, natawa nga ako nang makita yung nilagay niyang pangalan niya sa phone ko, 'Chinita' mahangin rin pala siya, pero pinalitan ko yung pangalan niya, hindi lang naman kasi siya chinita kaya ang pangalan niya na sa phone ko ay 'Dyosa'

Sinave ko sa notes ko yung complete address niya at dinial ko na ang number niya para tanungin kung nasaan siya, paniniguro narin na nasa bahay nila siya bago ko siya sunduin kaso sabi niya nasa bahay daw siya nila Alexa kaya hinanap ko ung files ni Alexa at tiningnan ang address nila (Same village lang pala sila) at pumunta na.

“Oh. You're here. Paano mo nalaman ang address namin? Are you stalking me or what?" sarcastic na sabi ni Alexa. Hindi niya narin ako tinataasan ng kilay, bumabait na siya sa aming tatlo and that's great, nakakasawa ring makipagbangayan sa mga babae, baka mamaya isipin pang bakla kami. Ewan ko lang kay Francis na hanggang ngayon ay may problema kay Ella

“Ang pogi ko namang stalker" natatawa kong sabi at ganun narin siya. Nabaling ang tingin ko kay Sharlene na medyo mapula ang mata, I knew it, umiyak talaga siya

“Let's go?" aya ko sakanya at tumango naman siya

“Mauna na kami Alex, thank you nga pala" pagpapaalam niya kay Alexa at lumabas na kami

***********

“Salamat sa treat" ngiti sakin ni Sharlene pag inom niya. Nilibre ko siya sa coffee shop malapit sa village nila.

“Bakit mo nga pala naisipang lumabas kasama ko kahit ang lakas ng ulan?" tanong pa niya

“Umuulan e kaya dinala kita dito sa coffee shop" sagot

“Ah. Hindi kasi ako mahilig sa coffee"

“Kaya pala hot choco inorder mo." i smiled

“Pero bakit ako pa inaya mo?" tanong pa niya. Napakamot tuloy ako, bakit nga ba?

“I......I just want to" yan nalang ang naisagot ko

“Ikaw. Bakit ka umiyak?" tanong ko naman na ikinagulat niya kasa sumandal siya

“Does it matter?" tanong niya kaya tumango ako

Girls Vs Boys (NLex-JaiLene-FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon