Chapter 1:Essy

27 3 1
                                    

Chapter 1:Essy

Essy's  Pov:

Ang hirap talagang mainlove! Hayst!  Sabi nila pag nainlove ka ikaw na daw ang pinakamasayang Tao sa mundo.
Palagi daw valentines ,palagi daw masaya.

"Ala eh? Oo nga at naranasan ko na iyan, ay sa huli naman ay luhaan!"

Yes nagkaboyfriend na ako,Halos 1 year kami e at siya yung pinakamatagal . High school kami non walang alam sa kagaguhan niya. Halos isang taon din pala akong nagpakatanga doon e!

*flashback

Nasa Gym ako ng time na yun kasama ang mga kaibigan ko para sa gaganaping Foundation ng school namin isa akong scholar kaya naman naatasan kaming tumulong at mag organize,  ng biglang magpakita si Ivan na may dala dalang bulaklak at iniabot ito sa akin saka siya lumuhod na ikinagulat ko pati narin ng mga estudyante dito.

"Essy , alam kong hindi ito kapanipaniwala perooo gusto kita hindi, Mahal na pala, simula palang ng makita kita.  Hindi ko na alam ang gagawin ko palagi kang nasa isip ko, Hindi ako makatulog sa gabi litong lito ako, Hindi kumpleto ang araw ko pag Hindi kita nakikita, Kaya Sana pagbigyan mo akong maging  TAYO please? "

Nagsitilian ang mga estudyante at kanya kanyang hiyawan.  Si Ivan crush ko siya matagal na ,kilala siya sa school namin dahil siya ang varsity ng team nila. Hindi ko inakala na napapansin rin pala niya ako, matagal ko ng hiniling ang araw na ito.
Kaya kahit walang ligaw ligaw Hindi na ako nagdalawang isip na sagutin siya.

"Yes Ivan. Hindi mo alam Kung gaano ako kasaya, mahal din kita matagal na: )"

Bigla niya akong niyakap at mas lalo pang nag iritan at naghiyawan ang mga taong nakapalibot sa amin.

Tuwing labasan, lunch, break time at pasukan siya ang kasama ko napakacaring niya,  na mas lalong ikinasaya ko.Tuwing monthsary namin Hindi mawawalan ng pakulo lagi siyang full of surprises.   Sabi ko sa sarili ko hinding Hindi ko na siya papakawalan pa. Tanggap niya rin ako pati ang pamilya ko.

Nagdaan ang mga araw at buwan, isang araw bigla na lang siyang nagbago ,yung dating maalaga at sweet biglang nag iba naging mainitin ang ulo at palagi nalang kaming nag aaway .

One time pumunta ako sa locker room nila Kung saan andun din ang mga ka team niya para ibigay sa kanya yung towel na naiwan nya saakin . Papasok na sana ako ng marinig ko ang usapan nila.

"Dude,  kelan mo ba ititigil Yang laro mo??"
Saad ni Kenneth na kaibigan at kateam niya.

Nagtaka ako sa pinag uusapan nila kaya huminto muna ako.

"Oo nga, panalo kana sa pustahan natin, kawawa na si Essy masyado ng naniniwala na mahal mo siya "
This time si Limer naman ang nagsalita kasabay nito ang pagpatak ng luha ko.
Dali Dali akong umalis para Hindi na marinig ang usapan nila,  unti unting tinutusok ang puso ko, ansakit Lang ng mga narinig ko.

Certified Man Hater Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon