Chapter 2:Call
Essy's Pov:
"Doc ?Ano pong lagay ng pamangkin ko?"
Iminulat ko ng konti ang mga mata ko at inanininag ang mga nag uusap, napatingin ako sa itaas at sa paligid kulay puti lahat .
Tumingin ulit ako sa nag uusap at nakita ko na sila ng maayos."The patient is now stable . I recommend a full bed rest .Masyadong nabugbog ang katawan niya ,naresetahan ko na din siya ng gamot.Two days from now pwede na siyang mailabas. So excuse me may mga pasyente pa akong kailangan puntahan. "
Paliwanag ng doctor"Salamat ho Doc"
Naramdaman ko ang pagsara ng pintuan."Tiyang?"
Tawag ko kay Tiyang lumingon naman Agad siya."Esang, Anak? Buti naman gising kana ,Diyos ko pinag alala mo ako ng husto. "
Nag aalala niyang tono.Pilit akong umupo Pero Hindi ko magawa dahil sa sakit ng katawan ko.
"Aaahhh!"
Daing ko Agad naman akong inalalayan ni Tiyang ."Ala eh wag mo munang pilitin ang iyong sarili, kailangan mo munang magpahinga. "Pagsesermon niya sa akin.
"Tiyang kelan pa po ba kayo dito? "
Nanghihina Kong tanong."Aba'y noong isang hapon pa! Alam mo gang 2 araw kanang tulog mantika diyan. "
Nagulat ako sa sinabi niya."Ano ho?, Anu po bang nangyare sa akin? "
"Aba'y Hindi mo ga na tatandaan? Ayun binugbog ka nanaman ng ama mong hudiyo! Nako Kung alam ko laang na matagal ka na niyang ginaganito di sanay noon pa'y nasa kulungan na siya! "
Mas lalo akong nagulat sa sinabi ni Tiyang."Huwag niyo pong sabihin na ipinakulong niyo si Tatay? "
Naluluha Kong tanong. Hindi naman Agad siya nakaimik."Anak naman, pinagmamalupitan kana nga, nag aalala ka parin sa Tatay mo? "
"Tiyang naman? Oo nga po at sinasaktan niya ako pero Tiyang siya parin ang Tatay ko baliktarin man ang mundo Hindi na yon magbabago "
Paliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Certified Man Hater
Teen FictionA story of a Hopeless romantic Girl na madaling nafall sa isang lalaki,naging luhaan at palaging nasasaktan Kaya naman kinamuhian niya ng husto ang mga kalalakihan slash naging man hater. Paano kung isang araw dumating na si the one, palalampasin pa...