Chapter 6: Mess

3 3 0
                                    


Chapter 6: Mess

"Wuaaahh!"
Hikab ko habang nakataas ang kamay .Kagigising ko Lang kasi Napatingin ako sa orasan dito sa kwarto na tinutulugan ko. 

"ANO!? Alasdose na ng gabi? "
Gulat Kong Tanong sa sarili ko,

*bruupppp

Napahawak ako sa tiyan ko ng tumunog Ito. Hayst ang tagal ko na palang tulog!  Ikaw ba naman ang matulog sa sobrang lambot na kama yun nga Lang ako lang ang nandito may kanya kanya kasing kwarto ang mga Tao dito at Ito na Lang kwartong to ang bakante. Nakahiwalay pa sa kwarto ni Tiyang.

Nagpasiya akong lumabas para pumunta sa kusina at maghanap ng pagkain. Ang dilim, patay na ang mga ilaw at may iilan na Lang ang bukas.

Dahan Dahan akong naglakad palabas ng may marinig akong ingay na katabi ng kwarto ko. Tandang tanda ko pa ang sinabi ni Tiyang na huwag daw akong papasok sa loob ng kwartong iyon.Pero di ko alam kung bakit,?

Bigla akong kinabahan, baka magnanakaw iyon.Kumuha agad ako ng walis tambo at Dahan dahang pumasok sa kwartong pinangagalingan ng ingay. Hindi Ito nakalock kaya nagdiretso ako sa loob.

Masyadong madilim at tanging buwan Lang ang nagbibigay ng liwanag sa kwartong Ito, naalala ko tuloy yung pinag uusapan Kanina Nina Mang Pablo, tungkol Don sa Halimaw na pinapalaki ni Tiyang,

  "Woo.Kaya mo yan Essy!"
Bulong ko sa sarili ko at hinigpitan pa lalo ang kapit sa walis tambo. Nagbilang ako ng sampo bago tuluyang pumasok sa loob.

Napabitaw ako sa tambong hawak ko ng makita ang isang lalaking nakaitim na umaakyat sa may veranda ng kwarto.At dahil madilim Hindi ko makita ang kabuuang mukha nito. 

"Waaaaaaaaaahhhhhh!!!!! Magnanakawwwwwwww!!!!"
Natataranta Kong Sigaw , Nagulat naman ang magnanakaw at agad na tumakbo sa kinatatayuan ko,natakot ako kaya kinuha ko agad ang walis tambo at pinaghahampas Ito!

"Tiyang!!! Magnanakaww!!!!!!!!!!"
Sigaw ko ng napakalakas ,naramdaman ko naman ang pagbubukas ng ilaw sa buong bahay.

"Aray!!ahh!!"
Sigaw ng magnanakaw ,at kahit namimilipit na siya sa sakit Hindi ko parin siya tinitigilan.

"Dapat Lang yan sayo!!!  Magnanakaw ka!!!!! "
Sabi ko kasabay parin nito ang paghampas

"I'm not a thief!!! "
Sigaw nito habang sinasalo ang mga hampas ko.

"Umeenglish ka pa ha! "Mas lalo ko pang nilaksan ang paghampas sa kanya, ng biglang magbukas ang ilaw ng kwarto .

"Essy !!!"
nag aalalang tawag saakin ni Tiyang at kasunod na niya ang mga katulong na halatang naabala sa pagtulog. Agad lumapit ang mga katulong doon sa magnanakaw.

"Alexander! "
Nagulat ako ng tawagin ni Tiyang na Alexander yung magnanakaw.

Wag niyong sabihing siya yung Alexander na pinag uusapan niyo Kanina?

"Tiyang? "
Dahan Dahan akong lumingon doon sa lalaki at nakita ang galit niyang mukha,

Natulala ako ng makita ng malinaw ang buong detalye ng mukha niya. Natakot ako kaya agad na pumunta sa likod ni Tiyang.

"Alexander!  San ka nanaman ba nagpupunta !Naku pagnalaman Lang to ng Daddy mo! Malilintikan kana naman don!"
Sermon ni Tiyang pero nanatiling tahimik Ito at nakatingin Lang saakin.

Certified Man Hater Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon