Chapter 4: Manila"Wow! Tiyang ang lalaki po ng building dito! A ah ay kainamang laki !"
Natutuwa kong sabi kay Tiyang . Napangiti naman siya."Sabi ko na sa iyo eh! Matutuwa ka dine ay Ikaw na ga naman ang mamuhay sa modernong lugar, nako! Mas magugulat ka Pag nakita muna ang titirhan mo. "
Natuwa ako sa sinabi niya."Talaga po Tiyang? Hindi na po ako makapag intay na makarating doon! "
Napatawa naman si Tiyang."Welcome Manila Hoooooooo!"
Sigaw ko habang nakadungaw sa bintana."Hoy Ikaw talagang bata ka! Umupo ka nga dito! Baka Kung mapano ka pa diyan!"
Hila saakin ni Tiyang para umupo .
Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya."Tiyang talaga masyadong OA!"
Biro ko sa kanya."Ala! Matulog kana nga Lang diyan at medyo malayo layo pa tayo. "
"Hehehehe,sige po !"
Pagsang ayon ko.Hindi pa din mawala ang mga ngiti ko, ganito pala kasaya ang makapunta sa ibang lugar,at tungkol naman Kay tatay, malungkot akong nagpaalam sa kanya Pero masaya siya para saakin .Malayo man daw ako sa kanya hinding Hindi niya ako makakalimutan.
Nakakalungkot isipin pero mas makabubuti naman ito saamin,pagnakapagtapos ako masusuklian ko na sina Tatay sa pagpapalaki sa akin. Giginhawa na ang buhay niya. Magiging masaya na kami.
Panginoon kayo na po ang bahala sa akin pati na rin sa tatay ko.
Ilang minuto pa at nakaramdam na ako ng antok. Hindi rin naman nagtagal at nakarating din kami sa destinasyon namin.
"Esang,Hoy! Gising na aba! Tayo na laang ang tao dine! "
Naramdaman ko ang pagyugyog sa akin ng mabigat na kamay. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero mabigat, talagang inaantok pa ako.Si tiyang naman kasi! Gusto ko pang matulog !
"Esang! Esang! Anu gang hirap mong gisinging bata ka! "Sermon ni Tiyang
"Hehehe,yum yum. Ang sarap ng chocolate. "Sabi ko ng biglang naging tsokolate Si tiyang .
"Hindi ka talaga gigising na bata ka ha! Hintayin mo ako diyan! "Sabi ng tsokolate, hinabol ko Ito para kainin pero mabilis siyang tumakbo .
"Hoy! Bumalik ka dito! "
Sigaw ko. Hindi naman nagtagal at bumalik agad sya ng biglang,"Waaaaaa!!!!!Anlamiggggggg!!!"
Nabalik ako sa reyalidad ng maramdaman ang pagtapon ng malamig na tubig sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
Certified Man Hater
Novela JuvenilA story of a Hopeless romantic Girl na madaling nafall sa isang lalaki,naging luhaan at palaging nasasaktan Kaya naman kinamuhian niya ng husto ang mga kalalakihan slash naging man hater. Paano kung isang araw dumating na si the one, palalampasin pa...