Stay: Concert Part 3 (ViceRylle)

38 2 0
                                    

Third POV:

"Hanggang Kailan.."

"And now, this is our last song for this night before i'm leaving you all.."

*Starts playing Buko*

"Naalala ko pa, nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi, masilayan lamang ang iyong mga ngiti."

Habang binibigkas ang mga liriko ng kantang kanyang inaawit, tila bumabalik ang nakaraan sa kanila ni Karylle.

Simula sa kung pano nagsimula ang Love Team nila.. 8 sa ligawan.. At higit sa lahat nang sagutin siya ng babaeng pinakamamahal niya.

He never noticed that his tears suddenly falling on his cheeks.. Dahilan para mapatigil at mapahagulgol siya.

On the other side, naiiyak na pinapanuod ni Karylle ang pagkanta ni Vice. Maski siya di mawari kung bakit biglang nagflashback ang lahat.

Nang mapagtantong tumigil si Vice sa pagkanta sumilip siya at nakitang humahagulgol na ito.

Pilitin mang umiyak, ito'y kaniyang nilabanan.

Kahit di pa niya cue para lumabas ay ginawa niya na para sambutin ang pagtigil ni Vice.

"Araw-araw kitang, liligawan, haharanahin ka lagi kitang liligawan haharanahin ka lagi..

Kung inaakala mo, na ang pag-ibig ko'y magbabago itaga mo sa bato.. Pumuti man ang mga buhok ko.."

Nang marinig kung sino ang kumanta.. Lalo lumakas ang paghagulgol ni Vice. Di niya pa muna nagawang lapitan si Karylle dahil nun niya lang napansin na nagfa-flash pala sa LED ang mga moments nila noon..

Simula sa pagbuo ng Love Team nila.. Sa di lang isa kundi apat na beses na paglapat ng mga labi nila oncam.. Hanggang sa aminin sa madla kung ano ang tunay na estado nila.

Si Karylle na mismo ang unang lumapit sa kaniya, dahil alam niyang nabigla ang nobyo niya.

"Surprise! I'm here!" sabi niya offmic.

Then Vice pull her closer and gave her a tight and longingly power hug.

Kung si Vice hindi matigil sa pag-iyak, ang mga ViceRylle babies naman 'di matigil sa kakahiyaw, talon na nauuwi sa hampas sa katabi, tadyak sa upuan at walang maintindihang mga linggwahe dala ng kilig.

Maya-maya lang ay kumalas na si Vice sa pagkakayapus ka Karylle at nagsimulang magpunas ng luha.

"Akala ko ba may shoot ka? Ba't nandito ka?" pabirong sabi ni Vice.

"Ayaw mo ba? Edi sige babalik na 'kong Singapore." pagsakay ni Karylle at akmang aalis.

Bigla naman siyang hinila ni Vice sa kamay that leads him to hug her from behind.

Sa simpleng the moves na yun ni Vice ay muli nanamang napuno ang hiyawan at sigawan sa loob ng Araneta.

"Alam niyo ba? Si Karylle iniwan talaga ako. Dapat wala siya dito kasi may shoot siya na natiyempo pang concert ko kaloka! Pero kahit nagtampo ako ng beri light, keri na nandito ka naman eh" sabi ni Vice sabay kalas sa pagkakayapus niya kay Karylle.

Tuloy parin ang instrumental na pagtugtog ng Buko kaya lalong nakadagdag sa ganda ng ambiance ng momentum ng dalawa.

"Actually, wala talaga sa plano 'tong pag-uwi ko ng Pinas at makarating dito. Biglaan siya, that's why kinausap ko agad yung mga Bosses para i-surprise ka Vice, kasi alam ko ngang nagtatampo ka. But before anything else.."

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon