Karylle's Spoken Poetry (Part 2)

18 1 0
                                    

- - -
Ang sakit, ang sakit, sobrang sakit
Sobrang sakit hindi ko mawari ang sakit
Hindi niyo naiintindihan kung gaano kasakit
Pero pagkatapos ng tilian ng mga tao
Pagkatapos ng sigawang hindi pang tao
Pagkatapos natin pakiligin ang anak mo at ako
Bago tayo mag kanya-kanya
Para akong tanga at nasa alapaap
Dahil parang totoong ikaw at ako
At yun ang masarap, nakakabaliw, nakakatanga.

"Huy si K kinikilig!"

Tanda ko pa yang sinabi mo matapos mo 'kong halikan.. Sa labi. Alam kong para lang 'to sa mga anak natin pero bakit iba ang pinipintig ng puso ko? Alam kong para lang 'to sa mga fans natin, alam mo bang iba ang ibig sabihin sa'kin? Pero kahit alam kong mali at 'di pwede!? Sobrang saya. Sobrang sarap. Nakakatanga pero masarap. Mapapaisip ka na lang na SANA TOTOO.

Makita ko palang ang mukha mo para na akong nasa ulap
Pag naririnig ko ang boses mo para akong nasa alapaap
Para akong tangang nababaliw
Kasi ang sarap, sobrang sarap
Ang sarap pero ang hirap
Ang sarap pero di ba ang saklap?
Pero masarap
Masarap kasi sa loob ng mundo natin, kahit nakakulong ako sa pag-asang 'SANA' ay tayo
Nagkikilitian, nagtatawanan, naghaharutan, hanggang sa magkapikunan
At pagkatapos magbabati nanaman

"What's up Madlang People!"

Nang marinig ko yang sigaw mo.. Nabuhayan ako. Nawalan ako ng pag-asa na darating ka pa kasi alam kong puyat ka.. Kasama siya. Pero nawala lahat ng lungkot ko ng makita at marinig kita. Kung alam mo lang, kasi miski ako nahihirapan ng ilihim pa. Kahit na ganun masaya pa rin ako, kahit pa di ako ang dahilan ng mga ngiti sa labi mo.

Pero bakit sinasampal na 'ko ng katotohanang hindi pwedeng maging tayo
Hindi pwedeng mahalin mo ko
Hindi pwedeng halikan mo 'ko
Hindi mo 'ko pwedeng titigan
Hindi mo 'ko pwedeng lapitan
Hindi pwede! Ang lungkot naman, ang lungkot naman
Ang sakit naman!
Mas malaya pa 'kong mahalin ka dito sa loob ng aking utak

"K, napanood mo yung show ni Tito Boy kagabi? Inamin na niyang sila na eh!"

Bago ko pa mabalitaan sa iba, napanood ko na. Ang sakit, para akong sinaksak ng pauli-ulit. Pero dapat maging masaya ako para sainyo bilang kaibigan mo. Kahit dun man lang, pero tinatraydor ako ng puso't isip ko. Unti-unting bumigay ang mga mata ko, pero wala dapat ang makaalam! Wala dapat makahalata. Kaya dinahilan kong masama nalang ang pakiramdam ko.. Totoo dahil sa nalaman ko. Nakakawala ng pag-asang maging tayo pa. Nakakawala ng ganang umamin pa kasi baka pati pagkakaibigan natin mawala pa.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon