Karylle's Spoken Poetry

40 2 0
                                    


Meron bang taong nagmahal ng mahal agad ng taong minamahal niya?
Maari ba yun? Yung mahalin agad-agad ng mahal mo?
Maari bang mahalin mo agad ako dahil mahal mo 'ko?
Maari bang hindi pilit yang pagmamahal mo?
Maari bang ikaw lang tapos ako?

A few years ago, nabuo ang love team na 'to. Both of us, we, never expect this to happen... Especially me. Sa sobrang pagpipilit, Habang tumatagal lalong lumalalim ang nararamdaman ko. Pinilit kong kalimutan ito dahil alam kong mababaliwala lang ang nararamdaman ko. Pero sa kabila ng lahat ng yun umaasa pa rin ako.. Na sana mapansin mo.

Kung pwede lang sana, walang 'SANA'?
Pwede bang true lang hindi fake?
Pwede bang love lang walang hate?
Pwede bang tayo na walang wait?
Pwede bang tayo na, tayo na, tayo nalang please?
Pwede bang sagutin mo 'ko ng 'OO' lang pero di ba may 'BAKET'?
At yun ang masakit... Yung 'BAKET'?

"K, iniiwasan mo ba ako? Huh? Bakit?"

Dahil sa pagpipigil, humantong na ako sa isang desisyong akala ko makakaiwas sa nararamdaman ko. Pero hindi pala. Mas lalo lang lumala. Sinanay mo ako sa mga lambing ng hawak mo, sa mga lambing ng pananalita mo.. Sa mga nakaw na halik mo.. Na sineryoso ng puso ko.

Masakit bang umamin sa mahal mo na mahal mo siya? O masarap?
Kaya mo ba talagang umamin?
Kasi kung kaya mo kahit alam mo ng mahal mo siya bakit di mo magawang umamin?
At dahil di mo maamin pati sarili mo nasasaktan na din at hinahayan mo lang rin
Nasasaktan ka ba talaga o nasasarapan?
Masakit bang umamin na lang o masarap?
Mukhang nahihirapan ka na kaya di mo magawang kumurap at makasagot man lang
Siguro nga kausapin ko na lang yung sarili ko baka sakaling masagot ko pa

"K! May kami na! Mahal na mahal ko siya. Siya lang ang buhay ko."

Aamin na sana ako sayo. Kaso naunahan mo 'ko.. Kayo na pala ng mahal mo. Ang sakit, para akong sinaksak ng paulit-ulit. Pero iwinaglit ko ito sa isip ko kasi mahal kita kaya gusto kong maging masaya ka.. At hayaan ka. Naunahan na rin ako ng takot. Kaya itinago ko na lang ulit ito sa puso ko.

Masakit bang umamin na lang o masarap?
Alam kong wala ka dito ngayon pero gusto kong malaman mo at makarating sayo lahat ng sasabihin ko
Pero siguro naman makakarating ito sa'yo sa dami ba naman ng tsismosa't tsismo at gusto ko lang malaman mong masakit, masakit, masakit Sobrang sakit
Ang hindi ka sa'kin ay yun ang nakakasakit sakin
Pero okay lang

"K! Super thank you talaga. Kundi dahil sa tulong mo hindi kami magkakabalikan."

Haaay. At sa paulit-ulit na pagkakataon sinaktan ko nanaman ang sarili ko. Pagkakataon ko na sana ito para umamin sayo. Pero sinayang ko. Nakita ko kasi sa mga mata mo kung gano mo kamahal ang taong 'yon. At kahit masakit sakin. Pinagbigyan kita sa hiling mo dahil kaligayahan mo lang ay masaya na din ako.

Alam mo kung baket?
Kasi galing sayo ang ganitong pakiramdam
Kung kaya't kahit paulit-ulit ikaw lang ang bibigyan ko ng karapatang sa'kin ay manakit
Dahil mahal kita, mahal kita, mahal kita kahit di ka akin
Oo mahal kita, mahal kita, mahal na mahal kita kahit ako lang ang nakakaalam
Dahil natatakot ako, natatakot akong pagmamahal ko sayo ay kanilang husgahan
Mahal kita, mahal kita, mahal na mahal kita dito sa mundong puno ng mapanghusga na parang pinaglayo ang maging tayong dalawa na ang ako at ikaw ay di pwedeng maging buo dahil sa kanila ang mahal kita'y hangin lang ang nkakaalam at nakakaringgan
Mahal kita, mahal kita, mahal na mahal kita
At di maaring mahal mo 'ko dahil di maaring maging tayong dalawa
Mahal kita tang ina nila mahal kita kahit sa dulo ang pagmamahal na 'toy walang kalaban-laban

"Alam mo K. Mahal kitaa.. Para na nga kitang kapatid di ba?! Wag ka lang mafa-fall ha!"

Kahit lasing ka, di mo kayang magsinungaling. Kahit lasing ka, sinasaktan mo parin ako. Akala ko mahal mo na talaga ako, sasagot na sana ako kaso biglang binawi mo at bilang kapatid lang ang pagmamahal mo, at isa pa.. Ayaw mong mahulog ako sayo.. Na noon ko pa ginawa bago pa manggaling sayo.

Sa bawat pelikula mo, sa bawat palabas ko gusto ko sana ako at ikaw ang magkasama
Sa bawat mall shows mo, sa bawat guestings mo gusto ko sana nandun ako hindi lang para magtago kundi para pumalakpak at sumigaw ng "ANG GALING-GALING MO! MAHAL KO YAN!"
Pero di ko magawa kasi natatakot akong tayo'y mahusgahan kaya kahit imposible patuloy ko paring nilalabanan

"Ayy K, nandito ka na pala. Sorry ha? Sinundo ko pa kasi siya."

Nung nakita kita sa malayuan, akala ko this time tayong dalawa lang ang manonood ng pelikula mo. Pero nagkamali ako, kasama mo pala ang mahal mo. Sa lahat kasi ng mall shows at guestings mo.. Aaminin ko lahat ng 'yon nandun ako. Pero di mo makita kasi siya lang ang lagi mong nakikita. Masakit, at dahil masaya ka.. Masaya na din akong makitang kasama mo siya.

- - -
Hi! At dahil may spoken poetry si mother horse.. Gumawa na ako ng version ni mommy kurbs. Haha! This is purely fiction. And, nakaka-inspire kasi gumawa ng poetry💓 part 2 will be post as soon as i've finished editing it. Keep reading babies💓

-J.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon