Vice Ganda's Spoken Poetry

42 3 0
                                    

"Meron bang nagmahal ng hindi nasaktan?
Pwede ba yun? Yung magmahal ng hindi nasasaktan?
Pwede bang magmahal ng walang sakit?
Pwede bang okay na tayo wala ng bakit?
Pwede bang start lang walang end?

"Meme, ano? Magmumukmok ka nalang ba diyan?"

Di 'ko pinansin yang pagtawag sakin ni Buern. Wala akong pake kahit 3 days na 'kong nagkukulong dito. Kahit na tatlong araw na 'kong di nagta-trabaho. Kahit na tatlong araw na akong nag-iisa.. Ikaw lang naman kasi ang gusto kong kasama.. Pero wala na. Ang sakit.

Kung kaya pa natin, baka naman pwedeng iextend
Pwede bang true lang walang fake?
Pwede bang heart lang walang break?
Pwede bang magpakatanga kahit sa huling saglit?
Pwede bang tayo at tayo nalang ulit?
Pwede bang ang sagot sa lahat ng tinanong ko ay oo pero diba hindi
At yun ang masakit

"KAYO ULIT? VICE HINDI KA BA NADADALA?"

Bakit ako madadala kung sa kabila ng pasakit at hirap.. Bandang huli ikaw ang kaharap?

Deadma ang mala-armalight na bunganga ni Anne dahil tayo na.. Ulit. Deadma ang lahat ng nangyaring pagdurusa. Deadma ang mga taong mapanghusga sating dalawa. Deadma lang kahit nakita ng dalawang mata ko ang ginawa niyong dalawa. Deadma ang paulit-ulit na hirap.. Kahit masakit na.

Masakit ba yung sakit o masarap?
Ayaw ba talaga nating masaktan?
Kasi kung ayaw natin bakit kahit alam na natin na masakit paulit-ulit parin nating binabalikan At dahil paulit-ulit, pati yung sakit nakasanayan
At hinanap-hanap nalang ng katawan
Nasasaktan ba talaga tayo o nasasarapan?
Masakit ba yung sakit o masarap?
Mukhang mahirap yung tanong ko kaya niisa sa inyo walang kumurap
At hindi nakaisip ng sagot sa isang liham
Kaya kakausapin ko nalang yung sarili ko, tutal ako naman ang nakaisip ng tanong na 'to

"Una't una, ikaw ang nagsimula! Kaya wag mo 'kong sisigawan!"

Ako ba talaga ang nagsimula? Nanunumbat na ba ako kung sagutin kitang ikaw talaga ang nagsimula? Kung hindi sige, ako ba talaga o ikaw? Sinong unang nagloko sa'ting dalawa?

Mahirap sabihan at ipagduldulang ikaw ang nagsimula kahit na alam mong hindi talaga. Mahirap isagot na hindi dahil baka HINDI na rin magtuloy ang inaasam na pangarap nating dalawa.. Kahit nagkakasakitan pa.

Masakit ba yung sakit o masarap?
Alam kong wala ka dito ngayon
Pero gusto kong malaman mo at makarating sayo lahat ng sasabihin ko Pero sigurado naman akong makakarating sayo, sa dami ba naman ngayon ng tsismosa at tsismoso At gusto kong malaman mo na masakit
Masakit, masakit yung sakit sobrang sakit
Hindi ko mawari yung sakit, sobrang sakit pero masarap

"Nahuhulog ka na daw sa kanya?"

Paano kung sabihin kong OO? Mamahalin mo parin kaya ako?

For the Fans lang lahat ng ganap nun alam kong naintindihan mo. For the Fans lang ang sana pagpapanggap lang na naging totohanan. For the Fans lang, pero ba't sa iba.. Iba ang kahulugan? For the Fans lang, pero ikaw parin ang nilalaman. For the Fans lang.. Alam kong naiintindihan mo.. Dahil ang sakit na.

Alam mo kung bakit?
Kasi ikaw nagbigay sakin ng ganitong pakiramdam
Kaya kahit paulit-ulit ikaw lang ang bibigyan ko ng karapatan na sa akin ay manakit Dahil mahal kita, mahal kita habambuhay at hindi lang isang saglit
Oo mahal kita, mahal kita mahal na mahal kita kahit tayo lang ang nakakaalam Dahil natatakot ka, natatakot ako, natatakot tayong dalawa na parehong mahusgahan mahal kita Mahal kita mahal na mahal kita dito sa mundo nating parang kulungan Isang bartolinang masikip, madilim at ang mahal mo ko ay pwede mo lang ibulong sa katahimikan na tayong dalawa lang ang nagkakarinigan Mahal kita, mahal kita mahal na mahal kita
At alam kong mahal mo ko kahit tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan Mahal kita tang ina nila mahal kita
Kahit sa dulo nito alam kong wala tayong laban

"Bestie, kalat na kalat ang picture niyong dalawa na magkasama."

Nang malaman ko 'to nagka-ideya na 'ko bakit nagalit ka. Nang malaman ko 'to alam kong malulusutan pa. Nang malaman ko 'to.. Natakot din ako para sa'ting dalawa. Nang malaman ko 'to winaksi ko sa isipan ko ang takot na nararamdaman ko, nangibabaw ang pagmamahal at alam kong ganun din sayo. Nang malaman ko 'to alam kong malulusutan pa natin ito.. Kahit na nasasaktan tayo.

Sa bawat pelikula ko, sa bawat palabas ko gusto sana natin magkasama tayong dalawa sa siksikan Sa bawat laro mo, sa bawat three points mo
Gusto ko sana nandun ako para manguna ko sa palakpakan
Gusto kong isigaw na "POTANG INA JOWA KO YAN!"
Pero hindi natin magawa kasi natatakot tayong parehong mapag-usapan Kaya kahit pareho tayong tagumpay
Pareho tayong nananatiling talunan

"Baby Girl ang ganda ng Movie mo. I'm really proud of you."

Nang marinig ko 'yan sayo kinilig ako. Nang marinig ko 'yan sayo lahat ng paghihirap naglaho. Nang marinig ko 'yan sayo.. Iniisip ko kung pano yan lumalabas sa bibig mo.. Kasabay ng ngiti mo at ng pagyapus mo.. Kaso sa telepono ko lang naririnig ang 'I'm so proud of you' mo.

- - -
This was all my imagination. Wag seryosohin ha! Hahaha. Btw may part 2 siya.

Vote and Comment? Share niyo na din😂 Lovelots

-J.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon