HAWDERDEM!!!

41 2 0
                                    

EMERALD'S POV

*yawn*

*unat*

*unat*

Gooood moooooorrrrning sa inyoooooooooo!! \(^___^)/

Hayyy, ang sarap ng tulog ko. Hindi na kasi kama gawa sa kawayan ang hinihigaan ko, ngayon water bed na!

Pumunta na ako sa kusina para kumain ng agahan. Andun na din sina mama at papa. I wonder san na tulog si mama, sa kwarto ni papa o sa ibang kwarto din? Naku naku baka masundan ako nito! Di pa ako prepared maging ate.

"hoy emerald! Lutang ka na naman anak." Natauhan ako sa tawag sa akin ni mama.

"upo ka na at kumain na tayo." Si papa yun.

"ok po." Yun nalang ang sinabi ko at umupo nalang.

Ganito ang set-up namin:

Si papa ang nasa gitna tapos ako sa may left side ni papa while si mama sa right.

Si mama, kumakain. Si papa, umiinum ng kape habang nagbabasa ng diyaryo. Nakuha agad ang attention ko sa headline ng newspaper hindi dahil sikat na artista ang na headline kundi ang picture ko! 

"waaaaahhhh, papa pahiram ng news paper!" hinablot ko agad kay papa iyon at binasa ang headline.

'PRINCE JINYOUNG FINALLY INTRODUCE HIS FUTURE WIFE'

F-FUTURE WIFE?! Teka! Bakit ? paano nanyari to? Una, inakala nila na ako ang GF ng prinsipe ngayon naman ay future wife na naman. At saang lupalop nila kinuha ang picture na ito. Bakit ang panget ko dito? Well alam ko na panget ko talaga pero may cute na angulo naman ako minsan pag nagpipicture ako. Sana dun nalang sila kumuha ng picture ko sa fb . naman.

***

JINYOUNG'S POV

*blaaaag*

Pinuwersa kong binuksan ang pintuan sa kwarto ng mahal na inang reyna a.k.a lola ko. kararating ko lang dito sa korea, kailangan ko kausapin ang mahal na reyna.

"ohhh apo, ang energetic natin ngayon ahh. Halos sirain muna ang pinto ng kwarto ko." inang reyna.

"lola naman, what's this?." Ipinakita ko sa kanya ang newspaper na hawak ko.

"ahhh, news paper apo." Napasampal nalang ako sa noo ko dahil sa sagot ni lola. Nakalimutan ko di matinong kausap ang mahal na reyna.

"lola naman, ano itong nasa headline? Hindi ko future wife ang babaing ito. Kita nyo naman sa mukhang ito na ang panget. Baka mahaluan ng panget ang lahi natin lola. Pumili ka lang ng iba wag lang ang babaing ito!" magsumasamo ko kay lola.

"apo, walang panget sa mundo, at kailan ka pa nagingmapanglait sa kapwa mo? Wala sa royal family ang ganyang ugali. Yung lola ng lolo mo nagpakasal sa asawa niya na pilay, yung lolo mo noong 1950's nagpakasal din siya sa asawa niyang pipi." Anong konek? Pilay at pipi lang naman yun yung issue ko ay mukha ang deperensya.

"apo, hindi ko babawiin ang ibinigay na statement ng palasyo. Simula ngayon, ituring mong kabiyak ang babaing iyan. Sa susunod na linggo ay pupunta ako sa pilipinas upang nakipag-usap sa pamilya ng mapapangasawa mo." Magsasalita sana ako ng may sinabi pa siya na...

"...and that's the order of the inang reyna and you cannot break it." So umuwi ako sa pilipinas na luhaan

***

EMERALD'S POV

Wala akong gana. Gusto ko ng magpakamatay! Anong kasalanan ko at ginaganito ako ng tadhana? Huhuhu. Alam nyo ba na pinagalitan ako ng mga magulang ko kasi maglihim daw ako sa kanila dahil may relasyon kami ng prinsepe. Aba, kahapon ko palang nakilala ang lalaking iyon. May dalang kamalasan ata ang pagmumukha ko.

Don't Mess with the Prince [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon