3rd Person's POV
"OMG! Sis! Tignan mo 'tong magazine! We look so gorgeous here!" bulalas ni Madeleine na hawak ang isang magazine.
Nasa isang parlor shop sila. Nagpapa-hot oil sila para manatiling maganda ang kanilang buhok.
Si Madeleine Joyce Stevenson ay isang modelo. Kagagraduate lang niya ng college habang ang kanyang kapatid na si Penelope Macey Stevenson ay isang 4th year college student.
Hindi model si Penelope, sinasali lang siya ng kanyang ate kapag may photo shoot ito.
Napatingin din si Penelope sa magazine na hawak ni Madeleine.
"Oo nga noh?" anito habang nakangiti.
"Ms. Madeleine at Ms. Penelope, tapos na po ang pagpapahot-oil nyo." sabi ng baklang nag-aayos sa kanila.
Tumayo na sila at binayaran ito.
Paglabas nila ng parlor shop, pinagtinginan na sila ng mga tao.
"Uy! Nandito ang Stevenson sisters!" sabi ng isang teenager.
Sikat ang magkapatid lalong lalo na si Madeleine dahil sa pagmomodel.
Lumapit sila para magpa-autograph ngunit kumunot lang ang noo ni Madeleine.
"Sorry, I have no time signing your stupid scratch paper." pagtataray niya.
Nangunot ang noo ni Penelope. Sa kanilang magkapatid, sya ang mabait.
"Ate!? Have some manners!" anito at kinuha ang mga notebook ng mga nagpapa-autograph para siya nalang ang mag-sign.
"Thank you Ms. Penelope!"
Napairap nalang si Madeleine at hinila na si Penelope papasok sa kanilang sasakyan.
Agad na pinaharurot ni Madeleine ang sasakyan.
"Ate, why are being like this?" tanong ni Penelope habang nakahalukipkip.
"What do you mean?" tanong pabalik ni Madeleine nang hindi tumitingin sa kapatid dahil nagda-drive ito.
"You're acting like a brat and you're rude with people, specially with the poor ones."
"Bakit mo ba tinatanong yan? I'm a brat since birth, alam mo yan."
"It's not what I meant. Hindi ka naman talaga ganyan ka-rude dati before mo nakilala si-"
"Oh shut up! Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan niya!"
Napangiti si Penelope, isang pilyong ngiti.
"Ronaldo"
Inihinto ni Madeleine ang sasakyan at tsaka tinignan ng masama si Penelope. Natawa nalang si Penelope sa reaksyon ng kanyang ate.
"Diba sabi ko, huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan niya!?"
"Why ate? Mahal mo pa siya noh?" tanong nito.
"No. Yung hampas lupang 'yon?! Mamahalin ko?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/12138867-288-k526101.jpg)
BINABASA MO ANG
The Missing Sisters
Teen Fiction| UNDER REVISION | Marangya at sagana ang buhay na kinalakihan ng magkapatid na Stevenson. Ngunit isang trahedya ang naganap at pinaghiwalay sila ng kapalaran. Mapapadpad sila sa isang isla na karamihan sa mga nakatira doon ay mahihirap. Kakayanin k...