Chapter 4 : Saved

169 8 0
                                    

Third Person's POV

Dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Penelope. Napaubo siya at sinubukang tumayo. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Magtatakip-silim na at basang-basa siya kaya nakaramdam siya ng ginaw.

"T-tulong!" sigaw niya.

Naalala niya ang kanyang ate. Luminga-linga siya ngunit wala siyang nakita.

"Ate! Where are you?!" sigaw niyang muli at nag-umpisang maglakad.

"Ate!"

Hindi na niya napigilang maluha.

"Nasan ka na ba, ate?" bulong niya at yumuko.

Lakad lang siya ng lakad hanggang sa may makabungguan siyang babae. Nalaglag naman ang mga timba na bitbit ng kanyang nakabungguan.

"Sorry!" Agad namang tinulungan ni Penelope ang babae.

"Salamat." sabi nito at tumingin kay Penelope.

Tumayo nang maayos si Penelope nang matulungan niya ito.

"Bakit ka pa nandito? Maggagabi na ah? At tsaka, bakit basang-basa ka? Teka, ngayon lang kita nakita ah? Tagarito ka ba?" tuloy-tuloy nitong tanong.

Napakamot nalang ng ulo si Penelope dahil sa sunod-sunod nitong tanong.

"Nakasakay kami sa isang yacht nang biglang bumagyo. Kasama ko ang ate ko pero nawawala siya."

"Baka nalunod na iyon o baka napadpad lang sa ibang lugar. Sumama ka nalang muna sa'kin para may matuluyan ka."

"Talaga? Salamat!"

"Walang anuman. Ako nga pala si Sara."

"I'm Penelope." sabi nito sabay abot ng kanyang kamay upang makipag-kamayan.

Malugod naman itong tinanggap ni Sara.

"Sumunod ka sa'kin." Tumalikod siya para maglakad.

"Teka! Paano ang ate ko? Kailangan ko siyang mahanap."

Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Wag kang mag-alala, bukas tutulungan kitang hanapin ang ate mo. Magpapatulong tayo kay kuya. Sumama ka muna sa'kin para makapagpalit ka na"

Tumango siya at sumunod na sa kanya.

- - -

May dalawang mag-asawang naglalakad sa tabi ng dagat. May bitbit silang lambat at timba na may lamang mga alimango.

Natigil sila sa paglalakad nang may makita silang babaeng nakadapa sa tabi ng dagat. Agad silang tumakbo para lapitan ito.

Wala itong malay. Pinulsuhan nila ito upang malaman kung buhay pa ito.

"Buhay pa siya!" sabi noong medyo may edad na lalaki.

"Idala muna natin siya sa bahay!" sabi ng kanyang asawa.

"Mabuti pa nga." sabi nito at binuhat ito.

- - -

Nang makarating na ang mag-asawa sa kanilang bahay ay idinala nila ito sa silid.

Inilatag nila ang banig at unan, pagkatapos ay inihiga siya rito.

"Naku! Basang-basa siya."

"Sige, lalabas na muna ako para mabihisan mo siya." sabi nito at lumabas na ng silid.

Paglabas niya ay saktong pumasok ng bahay ang kanilang anak.

The Missing SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon