Madeleine's POV
"Madeleine, natapos ko nang labhan ang damit mo. Tuyo na ito at maaari mo na itong isuot muli."
Buti naman at nalabhan na ang damit ko para mapalitan ko na itong suot ko. Ayoko talaga nitong suot ko.
"Nasan na yung damit ko?"
"Ay, sandali kukunin ko lang sa aking silid." Pumasok siya sa loob ng kwarto nila.
"Oh, heto na." Iniabot na niya sa'kin ang damit kong nilabahan niya.
Tumayo ako sa kinauupuan kong kawayang upuan. Umalis naman siya.
Papasok na sana ako sa kwarto para magpalit nang may magsalita.
"Hindi ka man lang marunong magpasalamat."
Uminit bigla ang ulo ko.
Nakakainis na ha!
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"Eh bakit ba?! Wala ka nang pake!" sabi ko at inirapan siya.
"Meron akong pake. Magulang ko sila." cold niyang sabi.
Hindi na ako nagsalita at pumasok nalang sa loob ng kwarto para magbihis.
Baka kasi magtalo pa kami at makalimutan kong hanapin si Penelope ngayon.
- - -
Nang makapagbihis na ako, lumabas na ako sa kwarto.
Wala na si Leo sa kinatatayuan niya kanina. Buti naman. Naiinis lang ako kapag nakikita ko ang pagmumukha niya!
"Hija, maiwan ka na namin dito. Maglalako pa kasi ako sa palengke at mangingisda naman ang asawa ko."
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.
"Wag kang mag-alala, hahanapin namin ang kapatid mo. O siya, aalis na kami. Kung may kailangan ka, nandiyan lang si Leo." Pagkatapos niya itong sabihin ay umalis na ito.
Naiwan na akong mag-isa dito sa kubo.
Saan ko kaya pwedeng hanapin si Penelope?
Naupo ako sa kawayang upuan at nag-isip.
Hmm.. magtanong-tanong nalang kaya ako?
Tumayo ako at lalabas na sana ng kubo nang may magsalita mula sa likuran ko.
Boses niya palang, kumukulo na kaagad ang dugo ko!
"Hoy. Saan ka pupunta?" mahinahon ngunit cold niyang pagkakasabi.
"Pake mo ba?" sagot ko nang hindi lumilingon.
"Ipinagbilin ka sa'kin ni nanang. Hindi ka pwedeng lumabas dito hangga't hindi kita pinahihintulutan."
BINABASA MO ANG
The Missing Sisters
Novela Juvenil| UNDER REVISION | Marangya at sagana ang buhay na kinalakihan ng magkapatid na Stevenson. Ngunit isang trahedya ang naganap at pinaghiwalay sila ng kapalaran. Mapapadpad sila sa isang isla na karamihan sa mga nakatira doon ay mahihirap. Kakayanin k...