Madeleine's POV
Maaga akong nagising. Syempre, photoshoot namin ngayon. Pinuntahan ko muna si Penelope sa kwarto niya bago ako pumunta sa kusina para pagisingin siya, I'm sure tulog pa yun. Summer ngayon kaya wala silang pasok.
Hindi na ako kumatok, pumasok nalang ako basta-basta.
"Penelope! Wake up! Photoshoot natin ngayon at bawal ang ma-late!" sigaw ko.
"Mmm..."
Nilapitan ko siya at niyugyog.
"Pennie!"
Bumangon naman siya. Nagkamot siya ng ulo.
"Ate, ang aga pa kaya. 8am naman ang photoshoot natin diba?" Humiga ulit siya at nagtalukbong.
Nagpamewang ako at umiling-iling.
"Penelope Macey! It's 6am and you need to get up para makapag-prepare pa tayo! Mabagal ka pa namang maligo!"
Marahan siyang bumangon at pumasok sa CR.
"After mong mag-shower, bumaba ka na para mag-breakfast."
"Yeah. yeah. I know." tinatamad niyang sagot habang naglalakad papasok sa loob ng CR.
Tumalikod na ako para lumabas ng kwarto niya. Nadatnan ko naman si mommy sa kusina, nagpe-prepare ng oatmeal.
"Morning, mommy." bati ko at nagbeso-beso.
Inilapag naman niya ang dalawang bowl ng oatmeal sa mesa.
"Mom, nag-abala ka pang gawan kami ng breakfast. Let the maids do it." sabi ko at naupo.
"Hayaan mo na. I made that for you two, special." Ngumiti siya.
"Nasaan na ba si Penelope?"
"Nagsho-shower pa. Kagigising lang kasi."
Umupo si mommy sa harap ko.
"Hija, may nasabi na ba si Penelope sa'yo kahapon?"
"Wala naman, mommy. Why?"
Magsasalita sana si mommy nang may magsalita.
"Good morning, mommy! Ate!" bati ni Penelope habang pababa ng hagdan.
"Good morning, hija." bati rin ni mommy at tsaka tumayo.
Umupo si Penelope sa harap ko at kinain ang oatmeal.
"Mag-almusal lang kayo diyan." sabi niya at umalis na.
- - - - -
Papunta na kami ngayon sa studio para sa photoshoot. I'm really excited kasi first time lang namin maga-appear sa billboard. Lalo na kaming sisikat! Makikilala na ang Stevenson sisters sa buong mundo!
"Huy! Ate! Para kang shunga diyan. May pangisi-ngisi ka pa diyan. Ano bang iniisip mo?"
Sumimangot naman ako.
"Anong shunga pinagsasabi mo diyan?! I'm not a shunga noh! Iniisip ko lang yung ikakabit sa billboard."
Inihinto ko ang sasakyan dahil umilaw ang traffic light.
"Tulad niyang billboard na iyan, mapapalitan na iyan ng maganda nating mukha!" sabi ko sabay turo sa isang malaking billboard malapit sa'min.
Pinaandar ko na ang sasakyan nang umilaw na ang 'Go' sign ng traffic light.
"By the way, ano ba yung sinasabi ni mommy sa'kin kanina? Kung may nasabi ka na daw ba?" tanong ko nang maalala ko ang sinabi ni mommy kanina.
"Ha? Ah-eh... mamaya nalang siguro after ng photoshoot? he-he."
BINABASA MO ANG
The Missing Sisters
أدب المراهقين| UNDER REVISION | Marangya at sagana ang buhay na kinalakihan ng magkapatid na Stevenson. Ngunit isang trahedya ang naganap at pinaghiwalay sila ng kapalaran. Mapapadpad sila sa isang isla na karamihan sa mga nakatira doon ay mahihirap. Kakayanin k...