CHAPTER 23: The first kiss

472 20 1
                                    

[Clifford's POV]

Whatever hustle you do to me I will not flee and leave you tanya because I love you and I will do everything for you..

Paulit ulit tumatakbo sa akin yan sa isip ko hindi niya ako pinapansin o kahit ano ni hindi man lang nya ako batiin o ngitian pero kahit ganun hinding hindi ako lalayo sakanya..
Tulala akong nakaupo dito sa classroom habang nakatingin sa kawalan hindi pa kami nag uumpisa pero ang sakit na pala

"Pre, ayos ka lang?"
Tanong ni Louis
tumango lang ako sakanya at tumingin ulit sa labas nang bintana

"Okay lang ako"
seryosong sabi ko ngumiti naman siya at umalis na dahil wala pa si prof. lumabas muna ako ng classroom at nag libot libot sa corridor

[play Sayo -silent sanctuary for better reading :) ]

nakita ko si tanya na nakikipag tawanan sa mga kaklase niya..
hindi ko alam pero onti onti akong nanghihina pag naikita ko siya laging nangingilid ang mga luha sa mga mata ko pag nakikita ko siya

Alam kong nasasaktan siya sa bawat pag tawa at ngiti niya alam kong may halong kalungkutan ang mga iyon..

nakatayo lang ako dito sa malayo at pinagmamasdan siya nakita kong nagtama na ang mga mata namin ni tanya napatingin siya ng diretso at nag laho ang mga ngiti niya gusto ko siyang lapitan ,yakapin pero hindi ko magawa

nagbabadya na ang mga luha ni tanya sa kanyang mga mata pakiramdam ko nawala ang mga tao sa paligid namin at kaming dalawa lang ang natira
hindi ko alam kung anong nangyayare saakin pero yung mga paa ko ay palapit na palapit sakanya
kung pwede ko lang isigaw ang nararamdaman ko ngayon ay nagawa ko na pero hindi, hindi yun ganon kadali

sobrang lapit na namin ni tanya ngayon sa isa't isa nakikita ko ang mga mata niya kumikinang dahil sa mga luha niya
ang lapit namin ngayon sa isa't isa pero para kaming may harang sa gitnang dalawa

"Ta-Tanya"
pagbabanggit ko nang pangalan niya
pero hindi nagsasalita si tanya tulala lang siyang nakatingin saakin

hahawakan ko na sana siya kaso..
may humila sakanyang lalaki

"Tanya tara na"
sabi nang lalaki at agad na hinila si tanya nakatingin ako sakanya habang naglalakad siya papalayo..
parang isang daang kutsilyo ang tumusok sa puso ko ngayon naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko sa aking pisngi..

Walang kami pero nagseselos ako..
nagseselos ako pero wala naman akong karapatan..

nakatingin lang ako sakanya habang tuluyan nang naglalakad palayo..
napayukom nalang ang kamao ko at tuluyan nang naglakad at umalis na sa puwestong iyon pumunta ako sa ilalim ng puno at sinuntok iyon..

"Sht!"
sigaw ko at napasabunot sa buhok ko wala akong pake kung dumudugo na ang kamay ko...

napaupo nalang ako sa ilalim ng pumo at umiyak habang ginugulo ang buhok ko..

"Sht! tanya ang hirap"
bulong ko habang patuloy na bumabagsak ang luha sa mata ko..
para akong baliw ngayon dahil bawat salitang binibitawan ko ay natatawa ako pero naiiyak parin talaga ako..

yung titig niya kanina
yung mata niyang naguguluhan..
gustong gusto ko talaga siyang yakapin ngayon..

pretending to be happy when you're in PAIN
is just an example of how STRONG you are

Umiyak ako nang umiyak ngayon habang nararamdaman kong bumabagsak na ang mga ulan..
itulak mo man ako palayo hinding hindi ako lalayo sayo..
magmukha man akong tanga dahil pinipilit ko ang sarili ko sayo
wala akong pakielam mahal kita kaya ako nagkakaganito

hindi ko alam pero ang lakas nang tama ko sakanya..
TANYA EMERALD SKYWARDS
mahal na mahal kita

napapikit ako at sumandal sa puno habang hinahayaan kong tumulo ang nga patak ng ulan sa akin

dinilat ko ang mata ko at nakita ko si tanya na nasa harap ko at may hawak na payong

napatayo ako at hinarap siya

"Tanya"
diretso kong sabi

"Bakit ka nag papaulan?"
diretsong tanong niya hindi ko alam kung anong nangyayare saakin pero kusa akong napangiti at tumulo nanaman ang mga luha ko

"Tanya.. Miss na kita"
Tugon ko pero napayuko lang siya

" Hindi ka dapat nag papaulan paano kung magka--"
hindi ko siya pinatapos magsalita at niyakap na agad siya

"Shh wala akong pake kung mag karoon ako nang sakit tanya mayakap ka lang ngayon ayos na ako"
Sambit ko

"Miss na miss na kita tanya "
dugtong ko kumalas na ako ng pagkakayakao sa kanya pero nakatitig siya saakin gamit ang mga mata niyang punong puno ng kaguluhan

"Kunin mo tong payong clifford ang lakas lakas nang ulan nandito ka"
sabi niya at binigay saakin ang isang payong
namiss ko na talaga tong babaeng toh kahit minsan ay napakasungit
sabay kaming naglakad ni tanya sa gitna nang ulan

"Tanya"
pagbabanggit ko ulit nang pangalan niya

"Pwede bang masolo ko muna ang kamay mo ngayon?"
tanong ko at napatingin siya saakin

"Kahit ngayon lang kahit saglit lang.. please,"
dugtong ko humarap ako sakanya at hinawakan ang kamay niya nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko hindi ko iyon pinansin at hinayaan ko lang mahawakan ang kamay niya..

I miss you so damn much!

"Clifford"
agad akong napatingin sakanya

"hmm?"

"Akala ko ba lalayuan mo na ako"
sambit niya at napaiwas nang tingin hinawakan ko ang baba niya at itinaas iyon para mag pantay ang tingin namin..

"sinubukan kong gawin iyon tanya pero hindi ko talaga magawa pag nakikita kita gustong gusto na talaga kitang yakapin,kausapin pero hindi ko magawa dahil ikaw ang tumutulak saakin palayo"

"Pero kahit ganon hindi ko nagawang pag sawaan at sumuko, wala pang tayo pero pinapangako ko pag dumating ang araw na iyon"

"Sayo lang ako, Sayo lang ang puso ko"
sambit ko at hinawakan ko ang pisngi ni tanya hindi ko alam pero nawawala na ako sa sarili ko siguro ay namiss ko talaga siya nang sobra

"Cli-Clifford"
tugon ni tanya at nabagsak ang payong nya dahil

bigla ko na siyang hinalikan sa labi
basang basa na kami pero wala akong pake...

Aalagaan kita ng mabuti tanya pag dumating ang araw na iyon
hinding hindi kita sasaktan  PANGAKO

Ang Babaeng MAN HATER (Editing)Where stories live. Discover now