Gumising ako ng maaga, syempre para pumasok. Kahit tinatamad ay pinilit ko parin,
Tamad kong kinuha ang twalya at bumaba ng hagdan naabutan ko naman si kuya na naglalaro ng Ps4 kaya napairap nalang ako psh.
'' Hey! Goodmorning, Bilisan mo kumilos. Ayoko ng nagaantay.'' napaharap ako sakanya at sumenyas ng 'okay fine' yun lang.
pagtapos kong mag ayos, ay hindi na ako kumain at dumiretso na kaagad sa labas, sinundan naman ako ni kuya na nag aayos ng buhok niya habang pinapaikot ikot ang susi sa daliri nya
'' Tara na? " Umiling ako at nilahad ang kamay ko sa harapn ko, senyas na ibigay saakin ung susi. Napa what sya pero wala din syang nagawa kundi ihagis saakin ang susi
'' I can drive don't worry. Babalik ko ang sasakyan mo ng wala ni isang scratch." kalmadong sabi ko, napailing naman siya saakin at tinitigan ako
'' Oy tanya! siguraduhin mo lang ah! tsch." Napa-oo nalang ako at binuksan na ang pintuan ng kotse saka pinaandar ito.
pagdating ko sa university siyempre ang daming lalaki na naglalaro ng soccer at ung iba la ay halos puro papogi lang at pa cute tsch.
'' Ah, ang daming pa pogi. Akala mo naman eh, hays. '' hindi ko nalang pinansin ang mga lalaki at dumiretso sa locker area, tamad kong kinuha ang mga libro ko saka dinikit ang nginunguya kong bubble gum sa locker, pagsara ko ng locker ay nagulat ako ng may lalaking nakatingin saakin at nasa tabi ko,
tinaasan ko ito ng kilay '' What? " mataray kong sambit dito at nilagpasan ito, dinig ko ang tawa nya kahit na nasa malayo na ako.
hinanap ko ang room na dapat saakin, tinignan ko ang papel at nakita ko un 'Section B' 404.
napalingon ako sa room na nasa harapan ko, at nakita ko na madaming estudyanteng nag uusap usap at nag tatawanan dun
iritable kong kinabit ang earphone ko saka kumuha nanaman ng bubble gum sa bulsa ng bag ko, Palagi akong may stock na bubble gum dito, dahil ito lang ang tanging nagagawa ko kapag boring ako
kumatok ako sa pintuan at lahat naman sila ay napatingin saakin, ang iba naman ay natahimik at nag umpisang mag bulungan
'' Is this class section b? '' tanong ko sakanila pero ni isa wala manlang sumagot, nanahimik nalang ako at bumulong
'' Okay fine, What ever. '' Pumasok ako sa room na yun at umupo sa isang bakanteng upuan na nakita kong available. Nakita kong nakatingin sila saakin at nag umpisang magbulungan
noisy bee's
nanahimik nalang ako ng biglang may pumasok sa room at nag umpisang ilapag ang gamit sa table, lahat sila ay nag simulang maupo sa mga upuan nila at hinarap naman ako ng isang babae at tumingin sa inuupuan ko
'' Ahm? excuse me? "Mataray nitong sambit saakin kaya agad naman akong napalingon sakanya saka tinaasan ko ng kilay, Nagulat siya sa inasal ko pero inirapan nya ako at nagsalita ulit
'' That chair is exclusive, hindi ka dapat umuupo sa upuang yan May naka reserved kasi dyan, dapat sayo dun ka sa pinakalikuran okay? " she smiled bitterly at me, at tumalikod din kaagad. Wow, just wow lang ha?
kinalabit ko siya at agad din naman syang lumikod
'' Bakit naman bawal upuan 'to? may mahalaga bang tao na uupo dito? kung meron man pakisabi. Sorry, wala nang reserve reserve naupuan kona eh.'' napa - uh nalang sya at tumingin narin ako sa harapan ko ng mag umpisang mag salita ang prof. namin
'' I heard that may bago kayong kaklase dito, may i know who is that girl? '' Agad na napatingin saakin ang mga kaklase ko kaya agad akong napatayo at nagpunta sa harap nakatingin naman ang professor namin saakin kaya nagumpisa na akong magsalita
'' My name is tanya sk--"
'' Omygosh! They're back na!"
'' waaaaah! "
napalingon ako sakanila na nag umpisang magsitayuan at lumabas ng room, nagkakagulo sila. Kaya napalingon ako dito at sumigaw naman ang prof namin
'' Class, Settle down! please!" Sigaw ni prof pero maski isa ay walang nakikinig sakanila.
'' Sorry hija, it's your first day pero gantong klase ang na encounter mo. it's just that.. the girls were going crazy after those boys. '' Boys? anong boys? nag tatakha man ay napa oo nalang ako at naiintindihan ko naman.
Pagtapos nung tilian ay agad agad din silang pumasok sa room at ang iba pa ay may nag aabang sa pinto ng may dalawang lalaki na pumasok sa room namin kaya agad na nangunot ang noo ko.
'' Okay, that's enough! Go back to your seats!"sigaw ulit ni prof kaya bumalik ang mga kaklase kong babae na kinikilig kilig, napatingin naman saakin ung dalawang lalaki kaya pasimple ko itong inirapan
psh. yan lang? yan na yun? ibang klase talaga.
pumunta yung dalawang lalaki sa tapat ng bag ko at ung isa naman ay hinawakan ito na para bang basura. At tinitigan ito ng matalim
may tinanong siya dun sa isang babae na nakatingin sakanya at bumulong naman ito, Kaya agad na napatingin saakin ung lalaki at nilapag ang bag ko sa sahig at saka umupo
HA? Tinikom ko ang bibig ko para magpigil pero.. Paano nya nagawa yun? alam kong baguhan lang ako dito pero, di naman nya pwedeng gawin saakin yun.
'' Go on Ms, wag kana magpakilala.. I'm very sorry, pagpasensyahan mo na. '' Umiiling sabi saakin, tumango nalang ako kahit na inis na inis na ako, pumunta ako sa tapat ng bag ko at dinampot ito
'' I told you, naka reserved ang upuang yan. That's what you get, when you don't know how to follow the rules. "
hindi ko ito pinansin at no choice akong pumunta sa pinakalikuran at inupuan ang sira sirang bankong natitira. Nakita kong napailing nalang ang professor dahil sa inasta ng mga estudyante pero maski sya ay wala nading masabi.
tinitigan ko ng maaigi ung lalaki at agad na nahagip ng lalaking katabi nya ang mga mata ko, Siya! siya ung lalaking nakita ko sa locker area kanina ah.
Bubuka na sana ang bibig ko ng agad na magsalita ang professor at nagsabi ng mga kelangan gawin ngayong araw,
makalipas ang ilang oras ay lumabas na din ako ng room, wala akong kaibigan dito sa paaralan na ito kasi bago palang ako, at wala akong pake kung wala man. Nandito ako para mag aral hindi para maghanap ng kaibigan
they say that they can't live without having friends, but for me? nah. Mas gugustuhin ko pang ako lang mag isa kay sa sa mag karoon ako ng kaibigan
Ayoko sa babae at mas lalo nang ayoko sa mga lalaki
i don't care, I'm not friendly i don't have any friends and mostly i don't have any guy friends i hate that. In short im a man HATER
YOU ARE READING
Ang Babaeng MAN HATER (Editing)
Novela JuvenilMeet Tanya, ang babaeng hate na hate ang mga boys in short A MAN HATER but when she met clifford tan? Magbabago kaya siya o mananatili nalang siyang ganun forever?