OMG7-Backout

1.8K 46 0
                                    

Willson's POV

Napabalikwas ako ng may tumamang ilaw sa mga mata ko. Shit umaga na anong nangyari kagabi? nasaan ang mga gago? Sino naguwi sakin? Nasaan ako? napangiwi ako ng kumirot ng matindi yung ulo ko.

"Shet gaano ba karami ang nainom ko kagabi?". Tinignan ko napatigil ako ng mapansin iba na ang suot ko. Fuck sino nagbihis sakin?! Agad akong napatayo at napaupo uli. Shit nahihilo ako this is not good. Masiyado ako maraming nainom. Huminga ako ng malalim tumayo ako sa bintana. Nagulat ako ng makita ko yung mga babaeng kasama namin kagabi natutulog sa labas.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan, Nakita ko namans ila Javed na nakahiga sa sofa. Shit ano ba talaga nangyari kagabi? Bakit hindi ko matandaan.

"Gising kana pala mahal na hari". Napakunot ang noo ko.

"Oh hindi mo na ako kilala ganon? Bilis naman pagkatapos mo ako sukahan! at. . never mind". tinalikuran niya ako at nagpunta sa kusina.

"What your name again?". He asked.

"Wow ha? Alam ko ang lasing. . lasing lang at hindi nagkakamnesia kapag nagising". Pairap na sabi nito sakaniya. Geez siya ang amo pero kung irapan siya nito akala mo ito ang amo niya.

"Bakit ba ang taray mo?". Naiinis na tanong niya. Lalo atang sasakit ang ulo niya sa katarayan at kasungitan nito.

"Ikaw nga sukahan! Ikaw paglinis tapos nagpapunta ka pa ng mga ahas dito". Nagulat siya inaasta nito kung makaasta ito daig pa girlfriend and worst asawa.

"Bakit ganyan ka magsalita ano kaba dito?". Humarap ito sakaniya.

"Katulong malamang! sabay padabog ni binaba nito ang mainit na kape at biogesic. Nilingon niya ito pero hindi ito tumitingin sakaniya.

"Salamat". He said pero inismiran lang siya nito.

Pepper's POV

Naiinis ako sa mga babae niya, naiinis ako sa mga kaibigan niya. Ang bad influence ganyan ba talaga sila at ito naman mga babae nito napakalalandi. Dapat lang talaga sila sa labas sila matulog. Alam ko naman hindi dapat ako umasta ng ganito pero nakakainis talaga eh!

"Miss nasa langit na ba ako?". Sabi nung isang gwapo, lumapit nama ako sakaniya.

"Mukha bang langit ito?". Nakataas na kilay na tanong ko sakaniya.

"Hindi. . pero may anghel kasi akong nakikita eh". he smiled. Grabe ang gwapo niya ngumiti. Ano kaya pangalan niya?

"Ivan miss, ikaw?". He smiled again. Waaah pagpalit ko na kaya si Willson dito. 

"Backoff Ivan!". Sigaw naman ni willson, Bakit ang epal niya? Nakakainis ah.

"Pepper. ." Matamis akong ngumiti.

"Nice to meet you my angel". Napangiti naman ako ng sobrang luwang.

"I said backoff Ivan. . " sabi ni willson habang tumabi sa gitna namin.

"Pare ang luwag oh, hindi mo sinasabi may tinatago ka pa lang anghel dito". Napangiti naman ako kinikilig kasi ako.

"Sinong anghel?". Nanlaki yung mata ko ng makita ko yung isa pang gwapo ng nagkukuskos ng mata. Grabe napapaligiran ata ako ng gwapo ngayon.

"Baka anghel? Anghel na may buntot". sabi naman ni willson. Ganda ko naman sigurong may buntot no?

"Hi Angel". Nakangiti naman kaway sakin ni kuyang maycleft chin. *U* Grabe pala yung mga kaibigan ni willson kahit siya boyfriend mo magkakasala at magkakasala ka dahil sa mga kaibigan niya.

"Hi ano pangalan mo?". Nakangiti kong sabi.

"Hoy pepper umalis ka nga diyan dun ka sa kusina!". Akala ko masungit lang siya, pero mabait ngayon ko lang napagtanto masama pala ugali niya sobrang sama!

"Angel my name is Javed". Kinindatan niya ako.Tumango lang ako at nagsimulang lumakad pabalik sa kusina. Akala ko mabait siya yun pala ang sama ng ugali niya! Ang sama!sama! Bakit ba kasi ako nainlove sakaniya gusto ko tuloy magisis nakakabwisit!

"Hoy!". Napasimangot ako. Konti na lang sa 100 percent ko na pagmamahal sakaniya naging 50 percent na lang.

"Hoy karin!". Naiinis na sagot ko sakaniya.

"Wag ka ngang flirt! Baliw ka wala ka pang utak". Naiinis na ako sakaniya. Hindi siya yung lalaking minahal ko! Hindi na siya.

"De ikaw na may utak katalino mo eh, hiyang-hiyang ako sayo". Nainis na tinalikuran ko siya, umakyat ako sa kwarto mageempake na ako ng damit. Mali ako ng akala maling-mali. Nakakainis talaga alam ko naman hindi ako ganun katalino matatanggap ko pero pagsabihan niya ako ng flirt. Tengene niya!

Inilgay ko sa maleta lahat, wala akong pakialam kahit hindi siya maayos ng tupi. Ano ngayon kung hindi na kami magkatuluyan sabi ko nga prinsesa ako hindi sundalo! Nakakabwisit lang talaga isipin pagkatapos niya ako halikan tapos ganyan siya.

"Angel saan ka pupunta?". Tanong ni Javed i think yung may cleftchin.

"Sa malayo sa kaibigan niyo, nagkamali kasi ako eh". Nakangising sabi ko, kahit na ang totoo inis na inis ako.

"Saan ka pupunta Miss reyes?". Naniningkit ang mata ko.

"Magreresign ho sir!".

"No! hindi pwede!". Naningkit lalo yung mata ko ng one inch.

"Bakit hindi pwede?! Aber anong karapatan mong sabihin sakin yan?!" nangigil talaga ako.

"Dahil hinalikan mo ako! Yes hinalikan mo ako kapag umalis ka sasabihin ko pinagsamantalahan mo ako! pagnangyari yun sasampahan ka ng kaso, makukulong ka. . mabubulok sa kulungan". Napatanga ako oh geez dahil lang sa isang halik makukulong ako?

"Hindi! hindi totoo yan!". palipat-lipat sila samin ng tingin.

"Hinalikan  mo siya angel?". nakangisi sabi ni Ivan. Shet namumula na ata ako.

"Siya naman nauna eh! Hinalikan niya rin ako!". naiinis na bulyaw ko. Nagulat ako ng tumawa sila at natahimik naman si willson.

"Sabi ni garlic wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sayo! dapat nga ikaw ang sampahan ko ng kaso eh!". Naiinis na bulyaw niya dito.

"Ikaw pala nanghalik pare!". ngisi naman na sabi ni Ivan.

"Ginahas niya ako mga pare! Kailangan niya ako panagutan!". seryosong sabi ni willson napakunot ang noo ko to the kunot ever!

"Hala ka angel. . pakakasalan mo siya!". Napangiwi ako.

"Ayoko. . sige hindi na ako aalis pero hindi ako magpapakasal sayo".

"Ayoko rin naman eh". Parang may sumundot sa puso ko. Fine trabaho na lang to! Hindi na talaga kasama ang puso ko.

"You will work for me pepper! babayaran kita!". He said.

"Mabuti!". I said at  binagga siya habang iaakyat ko ulit ng gamit ko. Isinara ko yung pinto. What's happening hindi naman siya ganito kahapon bakit sumama bigla yung ugali niya? Nakakainis lang dapat maturnoff ako at mawala ako pagkagusto at pagmamahal ko sakaniya. Hindi ako naturnoff nasaktan lang ako haaay. Heart hinay-hinay lang ikaw rin ang kawawa.

♥♥♥♥♥♥

A/n Vote & Comment Thanks. <3

Mrs.M

Oh My Guy!(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon