OMG20-Pretend

1.8K 44 0
                                    

Pepper's POV

Hindi naman sa malandi ako, pero kasi ito lang din yung paraan para makita kong sumaya ako kahit papaano. Hindi naman porket sumama ako sakaniya iiwan ka na si willson. Kaya ako sumama sakaniya kasi kailan ko ng break,pahinga,space. 

"Okay ka lang Pepper?" I smiled to him okay lang ako. Kahit papaano gumaan na yung pakiramdam ko.

Ring~

Ring~

Ring~

"His calling again? Hindi kaya nagsasawa yan?" Sabi ni Lenard habang tumatawa. Gusto ko siya sagutin na magsasawa din yan. Hintay ka lang. Huminga na lang ako ng malalim wala naman kami paguusapan ngayon eh?

"Isang pang tawag niya sagutin mo na" Napatingin ako kay Lenard. Tumango ako inabot niya naman yung kamay niya sakin. Humawak ako roon para bang nakakita ako ng isang kuya at tagapagligtas sa katauhan ni Lenard. Hays

Naglibot kami kung saan-saan siguro kahit papaano nakalimutan ko siya. Pero mawala lang ako sa sarili ko saglit naalala ko nanaman siya. Naalala ko yung sakit. Gusto ko matawa sa nararamdaman ko. Nasasaktan nanaman kasi ako.

Ano kayang ginagawa nila?

Masaya kaya siya sa piling ng iba?

Siya na kaya ang pinili niya?

Talo na ba ako?

Papalayain ko na ba siya?

"Mukhang hindi naman ako nagtagumpay pepper" Napatingin ako kay Lenard, bumuntong hininga ako at ngumiti.

"Sorry Lenard, ayoko naman to eh, Ayoko siya isipin pero kapag nagiisa na ako, kapag nagsimula na ako pumikit, Naalala ko siya tapos nararamdaman ko rin yung sakit" Naramdaman ko na lang mahigpit na pagyakap sakin ni Lenard.

"Sana kaya kong pawiin yung sakit" Umiling ako, walang makakagawa nun, kahit sino maliban sa isang tao. Ngumiti ako at nagpaalam na ako kay Lenard. Habang naglalakad ako pabalik sa room namin gusto ko nanaman tuloy tumakbo pabalik kay Lenard.

Kasi yung lalaking may dahilan ng lahat kaharap ko kasama yung babaeng mahal niya. Ngumiti ako ng matamis pakiramdam ko may suot akong maskara na hindi ko pwede ipakita sakaniya, sakanila na nasasaktan ako, na namamatay ako sa loob ko.

"Pepper" Nanlaki yung mata niya habang nakatitig sakin. Shit bakit ang sakit? Hinila niya kasama yung babaeng mahal niya papalapit sakin.

"Saan ka nagpunta? Okay ka lang? Hindi ka ba nagkasakit?" Sunod-sunod na tanong niya, Gusto ko maniwala na nagaalala siya sakin. Pero pagod na kasi ako.

"Isa-isa lang, Okay lang ako" Kahit na pakiramdam ko mamatay na ako ano mang oras sa sakin na nararamdaman ng puso ko. Namamanhid na yung puso ko sa puro sakit na pinaparanas mo.

"Honey sino siya?" Tangina honey daw? Eh ako pa ang kirida sa lagay na ito ngayon. Pakiramdam ko ako ba yung sagabal sa pagmamahalan nilang dalawa. Tumingin naman sakin si Willson, para akong sinampal sa gusto niya iparating sakin.

"Kaibigan niya ako" Kahit kailan hindi ko naging forte ang pagarte pero nagagawa ko ngayon.

"Hi nice to meet you i'm Rhianne" She smiled.

"Pepper Anne" Inabot ko yung kamay niya.

"Your married oh my god! who's the lucky guy" Napangiti ako ng mapait. Gusto ko isagot kay Rhianne na yung katabi mo siya yung asawa ko eh.

"Pepper!" Napalingon ako it was Lenard.

"He? Omygod ang gwapo niya bagay kayo" I smiled.

Bagay kami? Yung katabi mo ba hindi kami bagay? Siya kasi yung asawa ko eh.

"Ah oo, Lenard baby meet Rhianne girlfriend ni Willson" ng asawa ko. Nakita ko yung panlalaki ng mata ni Lenard hinawakan ko yung kamay niya para sabihing ayos lang ako.

"Dinner tayo! Okay lang ba makasama namin kayo Lenard?" Rhianne said. Kaya ko ba makita silang makasama? Sobrang martir ko na ba? Bakit hindi ako nakakaramdam ng sakit? Manhid na ba ako?

"Okay lang din ba Pepper?" Tumango naman ako. Hinawakan ako ng mahigpit ni Lenard gustong-gusto ko na umiyak.

"Kita na lang tayo sa Maru's Resto ha?" Nakangiting sabi ni Rhianne. Ngumiti naman ako at tumango nagwaved pa ako. Pero pagkatalikod na pagkatalikod nila napaupo na lang ako. Nakatingin lang ako sakanila. Tapos tumutulo yung luha ko.

"Pepper"

"Masakit eh, Ako yung asawa eh. Ako yun Lenard eh, Ako eh! Pero bakit ganon? Ang labas ako yung kabit?"

"Tama na" Niyakap niya ako pero pakiramdam ko kahit yakapin ako ni Lenard hinding-hindi ako magiging okay.

"Ang sakit-sakit Lenard, ang sakit-sakit na ipinapamukha niya sakin na kahit kailan hindi ako pwedeng mahalin niya, Bakit niya ba ako pinakasalan? Para sa virginity ko? Kung yun lang sakaniyang-sakaniya na" Hindi ako tumitigil sa pagiyak hanggang sa naramdaman ko umaangat ako.

"Pagod na pagod na ako Lenard ayoko na magpanggap"

Willson's POV

Hindi ko gusto yung nakikita ko pero wala akong lakas na loob na sabihin kay Rhianne na ako yung asawa ng babaeng nasa harapan namin kanina, wala akong nagawa kundi sumangayon na iba yung humawak ng kamay niya tangina! Habang paakayat kami nakita ko yung lalaki na buhat-buhat yung asawa ko.

Pepper

Nakatitig lang ako sakanila, habang nakasandig si pepper sa dibdib nung lalaki na dapat sana ako yung gumagawa non, na dapat ako yung may buhat sakaniya, na dapat ako yung nakakarinig ng mga sinasabi niya pero nasaan ako nasa kamay ng iba!

Bumitaw ako sa kamay ni Rhianne napatingin naman siya sakin na tila nagtataka.

"Willson may problema ba?" I closed my eyes huminga ako ng malalim.

"Mauna kana may nakalimutan lang ako" Shit.

"Ano nakalimutan mo?"

Andun yung asawa ko naiwan sa iba!

"Basta, i'll be back" Hinalikan ko siya sa noo. Mabilis ako naglakad pabalik kung saan ko sila nakita kanina nakita ko silang nakaupo sa isang sulok at tumatawa. Bakit hindi ko siya napapatawa ng ganito? Sa tuwing kasama ko siya kundi galit, naiinis naman siya sakin. Bakit kahit kailan hindi ko siya nakitang tumatawa sa piling ko?

Bakit nasasaktan ako?

Ano ba nararamdaman ko?

Bakit naiinggit ako?

Bakit kinakain ako ng selos?

Mahal ko na ba siya?

Mahal na ba kita Pepper?

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Eh kung sampalin ko kaya ng sampung beses left and right si Willson? Grabe nalulungkot ako habang tinatype ko to. Hahahah salamat daw kay bebs habang nagdadarama ako pinapakinggan ako ng bruho.

OT :Nice Guy

Happyreading! Vote & Comment. :)

Oh My Guy!(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon