OMG29-EntireWorld.

4.1K 63 1
                                    

Pepper’s POV

Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo, hindi ko alam kung nasaan ako. Ang natatandaan ko lang kahapon ay may inabot akong sobre kay willson, sobre yun ng mga pangalan ng baby namin at mga ninong at ninang.

Kaya lang medyo malabo yung sagot niya sakin eh. Teka iisipin ko.

“Hindi ko pipiramahan to pepper! I will never let you go”

Medyo malabo kasi eh, hindi ko talaga naitindihan eh. Hays hindi ko din alam kung nasaan ako. Napatingin ako sa tiyan ko. Medyo malaki na siya. Bumukas ang pinto at inilabas ang haggard kong mister anong problema ng isang to.

“Pepper. . sorry pero hindi ko talaga kaya” Nagtataka akong napatingin sakaniya. Anong sinasabi nito? Akala ko nga nung nagpunta siya sa shop okay na kami eh. Miss ko na siya tska gusto ko na umuwi.

“Alin ba iyon?” I asked him innocently. Kasi nga wala talaga ako alam eh? Parang ang hirap intindihin ng sitwasyon namin.

“Diba may inabot kasing envelop diba ang laman nun annulment?” Seryosong sabi niya, pwede bang pangatawan ko kunwari yung inisiip niya.

“Oo, hindi na kita mahal eh” nakatitig lang siya sakin. Bigla parang gusto ko bawiin yung sinabi ko. May namumuong luha sa mata ng mahal ko!

“Bakit? Hindi kapadin ba naniniwala na hindi ako yung nakabuntis sakaniya? Na walang nanagyari samin? Kung akin man iyon aaminin ko agad-agad sayo, tatanggapin ko yung galit mo lahat basta mananatili ka sa tabi ko” Hinawakan ko yung pisngi niya.

“Ikaw ang iyakin eh”

“Hindi kaba maiiyak kapag sinasabi sayo ng buhay mo na hindi ka niya mahal? Sa akin kasi nung sinabi mo iyon para mo narin akong pinagkaitan mo na akong mabuhay pa” He smiled. Go why I’m so luck to have this man?

“Kasi naman nagcoconclude ka agad!” Pinanlakihan ko siya ng mata.

“Kasi naman sobrang mahal kita eh” Pinaliwanag ko sakaniya yung laman ng envelop, natawa pa siya.

“Bakit ba pagdating sayo duwag na duwag ako?” He said. Tahimik lang ako tinitignan siya. Ang gwapo ng mahal ko god he had a perfect nose hindi tulad ng akin pango azar!

“Kasi mahal mo ako?” Nakangiting sagot ko.

“Mali ka by!” Nanlaki yung mata ko. mali yung sagot ko? So hindi niya ako mahal ganon? Tumalikod ako sakaniya kainis!

“Kasi mahal na mahal kita” Napangiti ako, napakagaling mabola ng lalaki ito.

“By may naisip ka na bang pangalan ng baby natin?” Tumingin naman ako sakaniya. Hindi niya talaga binuksan yung envelop?

“Nasaan yung envelop?”

“Tinapon ko na by” nanlaki yung mata ko. Seryoso ba siya tinapon niya?!

“Oops wag na magalit lumalaki butas ng ilong, gagawa na lang tayo ulit” He said habang nilalaro yung buhok ko.

Willson’s POV

Mali pala yung iniisip ko, natatawa din ako kapag naalala ko yung mga kalokohan ko. God kaya lang naman ako ganon kasi sobrang mahal ko yung buntis na nasa tabi ko hindi ba?

“By may naisip ka na bang pangalan ng baby natin?”

“Nasaan yung envelop?”

“Tinapon ko na by”

“Oops wag na magalit lumalaki butas ng ilong, gagawa na lang tayo ulit”

“Nakakainis ka, pinaghirapan ko kaya yun” I kissed her ang ingay-ingay naman kasi ng misis ko e.

Oh My Guy!(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon