Chapter 43

7K 224 10
                                    

Axel's POV

It's all my fault! Sana pala hindi ko na muna siya pinakilala kay Mommy kung magiging ganun lang ang pagkikita nila!

"Masyadong nasaktan yun si Kyla" sabi ni Ash.

"I know" Maikli kong sagot.

"Buti nalang andun din ako kahapon sa park kaya medyo nadamayan ko siya" sabi ni Keith.

Nasa bahay kami ngayon at maaga sila pumunta dito para sabay-sabay na kaming pumasok. Gusto rin naman nilang malaman kung ano ang nangyari kahapon kila mommy and Kyla.

"Damn! Kasalanan ko 'to eh!" Inis kong sabi!

"Bro. Hindi mo naman alam na ganun ang mangyayari diba? Wag mong sisihin ang sarili mo" Sabi ni Ash.

"Yeah. At hindi mo rin naman alam na ganun ang mga sasabihin ni Tita" Sambit rin ni Keith.

"Sir may naghahanap po sa inyo" Sabi ni Yaya Remy.

"Sino---"

"Papasukin mo" Maikli kong sabi. Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Keith kala mo naman siya ang hinahanap.

"Hey"

Napatingin kami sa nagsalita. Kita ang gulat sa mga mukha naming tatlo.

Anong ginagawa niya dito?

Kyla's POV

Mabagal akong naglalakad sa hallway ngayon.

Hindi ko parin kasi matanggap yung nangyari kahapon ang sakit kaya pagsabihan ng mga ganung salita!

Ng makarating ako sa room ay agad akong umupo.

Tumingin muna ako sa bintana. Ako pa lang kasi yung tao.

Naramdaman ko nalang na may umupo sa tabi ko.

Diretso lang siyang nakatingin sa harap na para bang hindi ako nakita.

Mukha ba akong hangin para hindi mapansin? O mukhang multo na parang hindi maramdaman na andito ako?!

Kasunod niya sila Keith na parang ang seseryoso ng mukha.

Natapos ang dalawang subject ay ganun parin. Wala parin kaming pansinan. Dahil ba sa nangyari kahapon? Eh dapat nga magsorry pa yung Mommy niya dahil sa sinabi sakin eh.

Lunch na pero mas nauna na siyang umalis kaya kaming tatlo nalang ang natira nila Keith at Ash.

Nakatingin sila sakin ng seryoso na para bang may gustong sabihin.

Tinawag ng prof si Ash kasi may pinautos kaya kami nalang ni Keith.

"K-k-keith" tawag ko dito bakit ba kasi nauutal ako!

"K-kyla" tawag niya rin. Para kaming tanga dito na hindi alam kung paano magsisimulang magsalita.

"S-si A-axel galit b-ba siya?" Nauutal talaga ako letse!

"H-hindi." Maikling niyang sagot.

"Ah S-sige pala" nilagpasan ko na siya. Kasi naman parang hindi niya gustong magkausap kami eh.

THE POOR GIRL'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon