Chapter 56

7K 223 9
                                    

Sophia's POV

Apat na  linggo na ang nakalipas at wala akong ginawa kundi ang pahirapan sila araw-araw ko silang pinapahirapan, sinasaktan.

Parang pakiramdaman ko ay kinain na 'ko ng galit ko. Wala akong pakialam kahit mamatay na sila sa bugbog o ano. Wala akong pakialam kahit mahirapan sila araw-araw.

Araw-araw kong tinawagan sila Simon para lang pahirapan sila. Hindi ko alam kung anong klase ang ginagawang pagpapahirap sa kanila nila Simon basta alam ko lang masakit,mahirap.

Anong nararamdaman ko? Masaya sobrang saya! Hindi ako  naawa sa kanila kasi hindi rin naman sila naawa sakin diba? Patas lang dude!

Tumayo ako sa kama ko at napatingin sa phone ko. 11:30 pm na pala. Wala akong ganang kumain pero bumaba ako para kumuha ng alak.

Pagbaba ko ay naabutan ko si Kuya nagiwasan lang kami ng tingin Tss. Galit parin ba siya?

Duh! Para sabihin ko sa kaniya nakainom ako nun at hindi ko alam ang sinasabi ko kay Simon!

"Iinom ka nanaman?!" Halatang inis siya dahil sa tono ng pananalita niya.

Umirap ako bago humarap sa kaniya.

"Duh! Halata naman na wag ka ng magtanong!" Sagot ko sa kaniya nagulat ako sa inasal ko at siya naman ay hindi makapaniwalang tumingin sakin.

"Damn Sophia! Ano bang nangyayari sa'yo?! You're being rude to me! Alam mo namang masama sa katawan yan diba?!" Sigaw niya.

"Kuya hindi naman siguro masama kung uminom ka minsan-minsan diba?!"

"Minsan?! Yan naba ang tawag mo sa gabi-gabi?!"

"Pwede ba Kuya?! Mind your own business!"

"Ano bang nangyayari Sophia?!"

"Pwede ba kuya? Wala okay?! Ang OA mo lang talaga! Kung galit ka parin dahil sa mga sinabi ko. Wala nakong magagawa!" Umakyat na 'ko sa kwarto ko pagtapos ay uminom.

Pumikit muna ako at bumuntong hininga bago dumilat ulit.

Ano nga bang nagyayari sakin? Bakit umiinom ako tuwing gabi?! Shit!

Basta ang alam ko lang naging ganto ako matapos ko silang makita nun. Napuno ako ng galit at dumating sa puntong sinabi ko kay Simon na patayin sila. Nahuli ako ni Kuya at doon kami nagaway mabilis niyang binawi ang mga sinabi ko kay Simon.

Pinunasan ko ang mga luha na tumulo. Bakit ganun? Gusto ko lang naman intindihan ang nararamdaman ko para Kay Axel pero hindi ko alam na aabot ako sa ganto masyado na kong galit!

Kahit ako ay hindi ko inaasahang masasabi ko yun.

"Ayaw mong sabihing Oo dahil ang nasa isip mo ay sinaktan ka niya. Pero mas mali yung sasabihin mong hindi kahit ang totoo ay mahal mo pa"

Naalala ko yung sinabi ni Kuya maaaring tama nga siya hays! Kinuha ko ang phone ko binura na ni Kuya ang number ni Simon tinawagan niya din si Mommy na wag nang ibibigay sakin ang Number ni Simon psh! Kaya eto wala akong matext ngayon.

THE POOR GIRL'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon