Sophia's POV
"Pero Anak naman! Kailangan niyang makulong. Siya yung dahilan kung bakit ka nawala samin ng matagal. Masyadong naging panget ang ugali niya!"
Nagkatinginan kami ni Kuya sa sinagot ni Mommy.
"Mom alam ko po 'yon. Mom may mga taong handang magbago ang kailangan lang talaga nila is yung chance. Mom please! Masyado lang siyang nadala ng galit at inggit niya hindi niya 'yon nakontrol kaya nakagawa siya ng isang masamang bagay." Sagot ko.
"Anak! Hindi mo ba alam kung anong ginawa niya sa'yo? Anak naman wag mong ibigay ang tiwala mo sa kanila mahirap na! Hindi natin sila masyadong kilala sa ngayon. Malay mo pinapaikot ka lang nila" sagot naman ni Dadyy. Napapikit ako ng mariin hays!
"Dad don't judge them please? Oo nga nakagawa sila ng isang bagay na masama. Pero hindi natatapos ang araw marami pang chance na magbago sila. At nakikita kong sincere si Amanda sa lahat ng sinasabi niya. Daddy kung gusto niyong matapos 'to, lahat ng gulo na nangyari sa pamilya natin. Kailangan natin silang patawarin. everybody deserves a second chance Dad. You have to learn to forgive because EVERYBODY makes mistakes"
"Anak naiintindihan kita. Ang sakit lang kasi na sa dinami-dami ng tao bakit siya pa? Magkaibigan sila ng daddy mo noon tapos gan'to ang gagawin niya? Baka pag hindi pa natin siya pinakulong eh gumawa nanaman siya ng isang bagay sa'yo malay mo ilayo ka nanaman niya!" Si Mommy naman ngayon.
"Mommy promise! Hinding-hindi na 'ko mawawala ulit. Alam kong natatakot kayo pero Mom andito ako at hindi na 'ko mawawala ulit. Mom? Dad? Kasi ako? Pagod na pagod na eh. Pagod na'ko sa lahat ng nangyayare. Itigil na natin 'to please?"
"S-sige Anak papayag kami sa gusto mo pero pag may nangyari pang hindi maganda. Ipakukulong na natin siya" napangiti kami sa sinabi ni Mom.
"Anak bakit ang bilis mong magpatawad?" Tanong ni Daddy.
"Dad sabi nga ni Kuya kung gusto mong gumaan yung puso mo kailangan marunong kang magpatawad. Alam ko naman na dapat makulong ang tatay ni Amanda sa nagawa niya eh. Pero syempre kailangan din nating magtiwala kahit mahirap 'yon ibigay hindi nauubos ang araw Dad. At hindi pa huli ang lahat para magbago"
"Ang laki na ng baby namin." Natawa ako sa sinabi ni Dad.
"Sige Anak aayusin namin ang dapat ayusin okay? Pumapayag kami sa gusto mo. Kahit ganun yun si Greg kahit papaano ay may pinagsamahan din kami. Oh sige na anak Magingat kayo diyan ng Kuya mo ha."
"Okay dad"
Pagbaba ko ng phone ay parehas kaming napangiti ni Kuya.
Finally! Magiging maayos narin ang lahat.
"Happy?" Tanong ni Kuya.
"Super! Sana magtuloy-tuloy na na maging maayos"
"Don't worry Baby sis. Matatapos narin 'tong story na 'to este yung mga nangyayari hehe!"
"Hehe"
"Kain na tayo?"
"Sige kuya mauna ka ng bumaba"
"Okay"
Pagbaba ni Kuya binasa ko ang text ni Axel.
Wife? Kita tayo doon sa may park yung dati nating pinupuntahan remember? Hintayin ka namin. Loveyou!
Sino naman kasama nito? Hindi na ako nagtext at bumaba nalang ako para kumain.
"Kuya mamaya may pupuntahan ako ah?"
BINABASA MO ANG
THE POOR GIRL'S REVENGE
TienerfictieMy silence is not weakness but the beginning of my revenge. Start: Oct 21 2016 Completed :May 8 2017