Chapter 1

19 0 0
                                    

"parang awa niyo na.. tigilan niyo na ako.. wala naman akong ginawa sa inyo diba?" habang umiiyak sa harapan ko. 

"Bakit naman kita titigilan? Kilala mo naman ako at ano ang kaya kong gawin pero sinusubukan mo talaga ako. Di ka ba nag-eenjoy?" sarkastiko kong sabi sa kanya.

Iyak lang siya ng iyak. Mga babae talaga. 

Yup. Babae nga siya. Di naman talaga ako pumapatol sa isang babae pero sumusobra na siya. Di naman siya ang pinagtitrippan ko. Pakialamera kasi. Feeling knight in shining armor ng mga student dito sa University.

One week ko nang di tinitigilan si Mark. Ginawa ko talagang impyerno ang buhay niya dito sa University. Nataponan niya ako ng juice yun ang dahilan. Alam ko na konting kasalanan lang yun pero anong magagawa ko? Eh ako ang batas dito. Ayaw niyang labhan ang damit ko kaya binigyan ko siya ng mas mahirap na trabaho. 

Ilang araw ko nang pinaparusahan ang lalaking yun pero bigla na lang umeksina ang babaeng ito at higit sa lahat .. pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao.

-flashback-

Nasa Cafeteria kami nun.Pinaghalo halo ko ang juice, pasta at chips sa iisang bowl at pilit na pipainom kay Mark. Maraming tao ang nanuod, di nman sila makakapalag sa ginagawa ko. Takot na lang nila saken.

"Bro.. ako sayo inumin mo na kung ayaw mong may mangyaring masama sayo mamaya" sabi ng barkada ko na si Ace.

"Oo nga.. pagod pa naman ako ngayon para manggulpi. tss" si Tyrell na nakaupo sa lamesa.

Nakatingin lang siya sa sahig at nakayuko. Umiiyak at nanginginig sa takot. Nakaupo ako sa vacant chair na nasa harap niya. 

"I only asked you one thing that day pero tumanggi ka tapos ngayon iiyak iyak ka? Iinumin mo yan o ako mismo magpapainom sayo?" with an evil smile. 

Hinawakan niya ang bowl at akmang iinumin na sana pero  may isang babaeng dumating.

Inagaw ang niya ang bowl kay Mark at..

Binuhos sa akin.

People gasp pati na rin ako.

Napatayo ako dahil sa pagbuhos niya sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa galit. 

"Hoy!" sigaw ni Ace sa babaeng yun. 

"Aba't ang tapang mo ah! Di mo ba kami kilala?!" singhal ni Tyrell.

"Bakit? Sino ba kayo? Di ba mga estudyante lang din kayo dito? Ang lupet niyo! Para kayong demonyo na tinakpan lang ng mga gwapong mukha na yan! Eh kung kayo painumin ko nito? Ha?! Ang kakapal niyo! Mahiya naman sana kayo kung hindi sa sarili niyo, mahiya kayo sa mga magulang niyo na siyang dapat na nagpapatino sa inyo!!" 

Sasampalin na sana siya ni Tyrell pero pinigilan ko. Tumingin sa akin na may pagtataka ang lahat habang palapit ako sa kinatatayuan ng babaeng ito.

"Well.. kahit demonyo tingin mo sa amin okay na rin sa akin at least gwapo pa rin. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung pakialamera at nagtatapang-tapangan. Hindi ako nanggugulpi ng babae pasalamat ka dun pero dahil sa ginawa mo.. para mo na ring pinalitan si Mark sa posisyon niya ngayon. If I were you.. I'll enjoy this day because starting tomorrow.. it will be your HELL day."

at umalis na ako sa lugar na yun kasama ang barkada ko.

-end of flashback-

basang basa siya ngayon ng cow's milk. sinet-up ko siya para mabuhusan siya ng cow's milk sa harap ng maraming tao. Andito kami ngayon sa hall way.

"Hindi. Ikaw lang ang nag-eenjoy sa ginagawa mo!" 

palaban talaga ang babaeng ito. Hindi man lang tinatablan ng takot o hiya.

"Tompak! I enjoy it a lot! Lalo na kung ikaw ang naghihirap. Kung nanahimik ka na lang kasi edi sana wala kang problema. Tss."

Iyak pa rin siya ng iyak. Akala niya madadala ako sa luhang yan?! 

"DUSTIN BLAKE LEE!"

umalingawngaw ang boses ng isang lalaki. Napalingon ang lahat sa lalaking tumawag sa akin. Lalaking di lang naging kaibigan ko noon. Lalaking mortal ko nang kaaway ngayon. Si CALEB LEVI CHOI.

Bad Boy TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon