Chapter 4

8 0 0
                                    

Pagpasok ko ng classroom natahimik silang lahat. Tumingin sa akin kaya napahinto naman ako. 

"Haharang ka na lang ba dyan?" 

Nagulat naman ako sa taong biglang nagsalita sa likuran ko. Akala ko naman kasi ako yung dahilan nangpagtahimik nila. 

Dalidali akong pumunta sa upuan ko na nasa bandang likuran. Dito na lang siguro ako uupo para iwas tingin sa mga mapanghusgang mata ng mga kaklase ko.

*basa basa* *flip the page* *basa basa*

"Sipag ah baka masuma cumlaude ka nyan."

Ganito ba talaga kamalas ang araw ko ngayon? Tss.

"Pwede ba Caleb?" 

ngumiti siya sa sinabi ko.

"Ngitingiti mo dyan? Para kang asong ulol!" 

"Wala lang. Ikaw lang naglakas loob na tawagin akong Caleb."

May topak siguro toh. 

"Ano naman ngayon? Calebration!"

yung ngiti niya kanina napalitan naman ng dismaya.

Bigla namang bumukas nang pagkalakas lakas ang pinto ng room and to find out. The 3 Devils.

"Oh~ andito pala si cinderella at ang kanyang knight in shining armor. Tabi tayong tatlo?"

tas umupo siya sa bakanteng upuan na nasa right side ko. Yes. Caleb, Me and Blake. 

hindi kami umimik ni Caleb at nagpatuloy na lang sa mga kanya kanyang gawain namin.

Dumating na yung new prof. namin at mawawala ba naman ang introduce yourself?

"Okay! Before we start the lesson.. introduce yourself first para naman makilala ko kayo.. alam niyo na bago lang ako dito. So let's start from... The Back!"

WTF!! Akala ko ba pag ganyang usapan yung nasa unahan ang kawawa?

"Bigyang naman natin ng konting pahinga ang nasa unahan kasi lage na lang sila nauuna. So ano? Walang gusto magpakilala sa inyo?"

TSK!! Pagminamalas ka nga naman. Tumayo na lang ako dahil for sure walang tatayo sa kanilang dalawa. Tumayo ako at nagpakilala.

"Hello. Alam ko kilala na ako sa class nato but as prof. said kaya magpakilala ako ulit. I'm Ash Michette Beauchene."

matapos nun ay umupo na ako. Pero tumawa naman si Caleb. Bakit kaya?

"Hahahaha. Calebration ah.. eh ABO ka naman pala!" 

tawa pa rin siya ng tawa. That is the reason kaya I hate introduction!

Siya naman ang tumayo at nagpakilala.

"Caleb Levi Choi."

tapos umupo na. Yun na yun?  May date lang? Nagmamadali? 

Tumayo naman ang demonyong nasa right side ko at nagpakilala.

"Hello! I'm Dustin Blake Lee. Nice meeting you all but i'm not interested to be your friend so don't dare too. Thanks."

Kahit kelan talaga bastos ang isang to! Sarap pektusan eh! Teka? Dustin? Parang..

"Hahahahahaha." 

tumingin naman sa akin yung dalawa na parang nagtataka.

"Napano ka?"

tanong sakin ni Caleb na halatang curious siya.

"Dustin? Alikabok!"

tumawa naman ng mahina si Caleb.

"Hey bi--"

hinampas ni Caleb ang table niya.

"Ituloy mo Blake"

natahimik na man lahat. Nagulat sila sa ingay na nasa likod. 

"Ahem. Is there any problem there Ms. Beauchene?"

"Ahmm.. no maam. Everything is alright."

Naging awkward ang buong paligid. Si Caleb na seryoso sa pakikinig at ewan ko sa isang nasa right side ko na kanina pa ata nakatitig sa akin. Ewan ko lang ah. Baka ako lang talaga assuming. 

Bad Boy TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon