Narration na po tayo.
--------------------
"J-James?" Nanginig ang aking mga labi.
Mabilis ang pagpintig ng aking puso. Parang gusto na nitong kumawala sa ribcage ko. Nanlalamig ang aking katawan. Ang mga kamay ko'y pinagpapawisan. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman sa mga oras na ito.
Hindi ako makapaniwala.
Gusto kong sampalin ang sarili. Gusto kong matulog na lang at magtago sa ilalim ng kumot. Sana bangungot na lang ito. Sana hindi siya ang nasa harapan ko. Ayaw ko sa kanya. Ayoko na sa kanya.
Hindi ito maaaring mangyari.
Ngumisi siya.
"How are you, Gyna?" Baritono ang kanyang boses.
Nagulat ako sa paglabas ng pangalan ko mula sa kanyang mga labi.
Napailing na lang ako at sumagot, "O-Okay lang. . ." Tumikhim ako at nag-iwas ng paningin.
"Hmmn. . ." Tumango-tango ito.
Nabalot kami sa malalim na katahimikan. Ang mga tao na nasa loob ng school ang tanging naririnig. Nasa loob kami ng gym. Tanging kami na lang dalawa.
Bitbit niya ang boquet ng roses. Nahuhulog na ang iba ngunit hindi na lang niya inintindi at parang may hinihintay.
Sino?
Is it the girl?
"Those roses. . .?" Bigla na lang iyon lumabas sa aking bibig.
Napatingin siya sa hawak at itinaas ito konti, "Ito?" Ay hindi! Ngumiti siya, "May pagbibigyan."
Muling bumilis ang tibok ng aking puso. Bwiset!
"That's why you're here?" I asked again.
He shrugs and smiled.
Katahimikan.
Hindi ko alam pero ngayon lang ulit kami nagkita ng lalaking ito. We're in the same school, year, but, I don't see him much anymore. Balit-balita lang na iba-iba ang mga babaeng kasama niya araw-araw.
Ugh. Typical playboy.
How I hate him.
I heard him took a deep breath, "You? What are you doing here?"
Hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa akin. He's looking deeply into my eyes.
"M-May hinihintay lang ako." Nautal na naman ako.
"May I know who?" He asks. Napalunok siya.
"Just someone." I answered.
Kumunot ang noo niya, "Someone? The Gyna the Great is waiting for someone? Anong meron?" Ngumisi siya.
"Wala ka na dun. Panget!"
"Ayun. Nagtaray din." Natawa siya. "That is really who you are, Gynaia. Masungit na nga pandak pa." Tumawa siya nang malakas.
"Heh! Shut up! Huwag mo nga akong insultuhin." I rolled my eyes para maipakitang hindi ako natatawa.
"I'm just kidding. You're too stiff. You're awkward when I'm around." Sabi niya.
"No."
"Siguro. . . May ano. . ." Tumaas-baba ang kanyang dalawang kilay. Nakakaloko.
My face heat up.
"No." I glared.
Tumawa siya ng malakas. As in.
Pero natigil lang 'yun nang may pumasok sa loob ng gym. A tall guy, pero mas matangkad pa rin ang katabi ko,with curly hair. Well fitted physique. His face screams perfection. Ang pogi niya!
Lumapit siya sa amin. Kitang-kita ko ang mala-colgate commercial niyang ngiti. Nakatingin siya sa akin. Those familiar blue eyes. . .
Peter!
Bumaling siya kay James at nakipag-apir. Ibinigay ni James ang mga bulaklak kay Peter sabay sabing, "Good luck, pare."
Tumango naman ang isa.
O-kay?
What is happening here?
Bakit parang may something?
Bumibilis na naman ang pinting ng puso ko. Why?
Umalis na si James at naiwan kami ni Peter.
Tumikhim si Peter, "Uhm. . . Gyna. . ." Kinakabahan siya.
"May aaminin sana ako sa'yo."
Napalunok ako. Kinakabahan sa mga salitang lumalabas sa kanyang labi.
"I like you."
And it hit me.
It was Peter all along. The letters. The secret admirer. It was him.
"P-P?"
He smiles.
I kinda cheated.
YOU ARE READING
G
RandomG, Would you mind if I tell you a secret? I like you. P. #264 in RANDOM (highest)
