101st

10 3 0
                                    

Pagbukas na pagbukas pa lang locker ko, may nahulog na papel.

I read it:

Wanna go out after school?—P.

Naramdaman kong umakyat ang dugo sa mukha ko. O. M. G. He's asking me out!

Pagkatapos kasi ng pag-amin niya sa akin. Naging close na kami. Palagi kaming nagkikita kapag snacks, lunch, pati na rin siya ang naghahatid sa akin sa bahay. Pero syempre kasama ang ugok niyang kaibigan na nangungulit at nagtatanong ng kung ano-ano. Nakakabwisit at inaagawa niya ang quality time namin ni Peter. Pero okay lang kilog naman ako kay Peter.

Nagpaling-linga ang aking ulo. At doon, sa crowded locker, nakita ko siyang naglalakad na parang isang prince charming na papunta sa akin. Nai-imagine kong nakasuot siya ng mala-royalty na damit ng isang tunay na prinsipe habang nakahawak ng isang rosas. Nag-s-spark ang paligid, parang slow-mo ang nangyayari. . .

"Brad!" Sabi ng isang boses na nagmumula sa akong harapan.

Sumagi ang braso ng taong iyon sa akin.

Waaaaw! Husaaay. Ayun na, eh! Malapit na ulit akong  kiligin pero ano? Natapos lang nang dahil sa sa isang kumag na nagngangalang. . . James.

Shet.

Nag-apir silang dalawa sa sa harapan ko pagkatapos ay bumaling naman sa akin si Peter. Ang gwapo niya. Makinis ang mukha na parang hindi tinutubuan ng pimples, matangos ang ilong, may magagandang mga asul na mata, sa gilid ng kanyang pinkish na labi ay may dimples na nagpapa-cute pa sa kanya.

At sa hindi malamang dahilan ay napangiti rin ako. Yung kasi ngiti niya parang sinasabing ngumiti rin ako.

"Hi Gyna." Sabi nito.

"Hi."

Ini-angat nito ang rosas at ibinigay sa akin sabay sabing, "Para sa'yo pala."

Namumula ang mukhang kinuha ko iyon, "Thanks." Ngumiti ako.

"So. . ." Sambit nito at inginuso ang mga labi sa papel na hawak ko.

Mas lalong uminit ang aking mukha at tumango na lang. Kahiya!

His smile widens.

"See you later, then." He winks at me at naglakad na papalayo.

I cupped my face, both hands. Ang sarap magtitili. Gusto kong ilabas ang kilig ko. O. M. Geeeeee!

Tatalikod na sana ako nang may ngiti sa labi ng may nagsalita.

"Redface." That baritone voice.

I faced him. A smirking evil, heartless, playboy, jerk.

James.

Bwisit. Napasimangot ako at tiningnan siya nang masama. Wala na. Na-drain na lahat ng kilig sa katawan ko. Binabawi ko na! Hindi na ako kinikilig!

I slammed my locker and stomped my feet while walking. Nagsitinginan ang lahat ng estudyante sa ugok na tumatawa mag-isa. Nakakaasar!



GWhere stories live. Discover now