102nd

11 3 1
                                    

I can't believe what I'm seeing right now.

"Okay lang naman sa'yo hindi ba?" Peter smiled at me.

Wala akong nagawa kundi ang tumango habang tulalang nakatingin sa dalawang lalaking nasa harapan ko. Nakangisi ang isa nang nakakaloko at sa hindi ko maintindihang dahilan, nairita ako.

Wait, I know why?

Because he's just James, ang dakilang third party.

Gusto kong mag-iiyak at pilitin si Peter na huwag na lang isama ang ugok. Iwanan siya dahil date namin ito, namin. As in dalawa lang kami ni Peter. Kaya nga date diba? Ang date para sa dalawang taong may gusto sa isa't-isa at hundi kasama ang third party.

Wala kasing kasama si James sa bahay nila kaya nang napag-alaman ni Peter, inaya niya ito pinaki-usapan ako. And I am really disappointed pero hindi ko iyon ipapakita sa kanya, dapat good impression.

"Huwag na lang pala. Kayo na lang. Para kasing ayaw ni Gyna." Ngumuso ito na parang nagpapaawa.

Mabilis kong iniling ang ulo ko. Ang walanghiywng 'to nagdrama pa!

"Okay lang. Mas maganda kapag marami. Kaya okay lang kahit tatlo tayo." Emphasized: Tatlo.

Tumingin si Peter kay James.

"Talaga?" Sabi ng ugok.

Tumingin si Peter sa akin.

"Hmmn." Tumango ako.

Tumingin si Peter kay James.

"Weeh?"

Bumaling ulit sa akin.

"Oo nga."

Tapos kay ugok.

"Di nga?"

Tapos sa akin.

"Oo." Crap. Timpi pa bes. Ngumiti ka lang.

Kawawa naman ang leeg ni Peter.

"Okay." Bwisit! Bwisit kasi 'tong ugok na'to

"Great! Finally! Sa carnival na tayo!" Peter says in relief at pumasok na sa loob ng pulang kotse niya.

Tumingin si James sa akin at ngumisi. I glared. His smirk gets wider.

"Redface." He winks.

Ang galing talagang asarin ako nun. And what's with redface?

Sumunod kami ng lalaking walang ibang ginawa kundi iniisin ang buong buhay ko. Sapakin kaya kita riyan nang makatikim ka?! Ugh.

Nagsimula nang magmaneho si Peter. Nasa passenger seat ako at ang isa sa mga kalahi ng unggoy nasa likod. Walang umiimik sa aming tatlo. Tanging nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse.

Napatingin na lang ako sa labas. Matatanaw mo ang ganda ng kalikasan, nadadaanan namin ang mga puno, ang asul na langit, pati na rin ang mainit na sikat ng araw. I sighed. Sana ganun din ang kwento ko, maganda, walang komplikasyon, or even a heartbreak. Ayaw ko nang makaranas ulit ng isa.

Naramdaman ko na lang ang malambot na kamay na humawak sa aking kamay. Namayani muli ang init sa aking mukha nang ma-realize kong si Peter, hawak ang kamay ko habang nagmamaneho.

"Anong iniisip mo?" Kita ko ulit ang malalim nitong dimples. Shet. Bakit ganito siya ka-cute?

"W-Wala." Nahihya ang aking boses.

"Can I hold it for a while?" Nakangit pa rin siya.

Tumango na lang akong namumula na talaga ang mukha ko. Naramdam ko ulit ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Napalunok ako nang hindi pa rin bumibitaw si Peter sa pagtingin sa akin kaya nalunod ako sa mga mata niya. Tila hindi ko kayang umahon dahil sa malalim naming titigan. Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang paghawak sa aking kamay.

Shet. Bakit parang unti-unting nag-zo-zoom ang mukha niya palapit sa akin. Napapikit ako.

Pero. . .

"Music, please."

Bigla na lang may kamay na bumakod sa space namin ni Peter, kaya nasagi ang mga kamay naming magkahawak kanina, pero naghiwalay rin.

Napatingin kami sa lalaking akala ko ay patay na. I glared at that smirking jerk.

Umalingawngaw ang malakas na tugtog ng 'Teenagers' by Chemical Romance. Sumandal ang ugok sa likod at ng air guitar habang kumakanta. Wala kaming nagawa ni Peter kundi ang ibalik sa pwesto ang mga kamay at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam, pero feeling ko ako lang awkward. Nakikisabay na rin kasi si Peter kay James at parang wala lang ang nagyari kanina.

Lord, pwede po bang sapakin ko itong taong nasa likod?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GWhere stories live. Discover now