<<<< superstar 8 >>>>

140 8 0
                                    

Reminder: this is a boyxboy story, lalaki sa lalaki. Anuman ng pangyayari, lugar o pangalan na ginamit Kay gawa gawa lang ng walang magawang na author. Kung Hindi kayo ayon dito ay USO naman ang ( backspace ) . eto po ay likha lamang ng malik0t na imahinasyon ni author. Maraming salamat.

===================================================================

  
  "Let me act as if i hate you, as if i don't feel anything for you...."

Chapter 8

Lumilipas ang ang mga araw ngunit wala paring improvement ang status namin dito sa isla. Tila malayo ito sa kabihasnan at kung bakit hindi kami mahanap.

Kumuha ako ng sanga ng puno at isinulat yon sa buhangin. Speaking of mokong, kasalukuyan ito na nag iikot ikot kung may taong naninirahan dito sa isla. Pakielam ko naman sa kanya. 

Magtatanghali na ng maghanap ako ng makakain. Napagdesisyunan kong manghuli ng isda. Nagbabasakali lang na maka tyamba at makahuli.  Pumunta naman sa dereksyon ko si alden na may hawak na buko at ibang prutas. 

Dali dali naman akong pumunta sa kanya.  "Uy... Penge naman. " akmang kukuha ako ng itinago niya ito sa likod niya.  Pambihira. Ang damot.

"Kumuha ka ng sayo uy.. " binalatan pa nito amg saging at kinain ito.
"Bwisit ka talaga... "Pinaghahampas ko siya ng sanga at nakailag naman ito. Makikita mo!

Bumalik ako sa tubig upang manghuli ng isda.  Akala niya siya lang ang makakakain..bwisit ka alden. " natuwa ako ng may makita akong isda malapit sa bato. Mabilis ko yong pinalaso. Dali dali akong lumapit ng "shit! " sabay hampas ko sa tubig.  Napatigin ako sa mokong habang ningangasab ang mga prutas. 

Nagpanggap akong nanghuhuli ng makatapak ako ng sea urchin. "Aray.. Tullloooonnngg" namilipit ako sa sakit at napaupo. Tumakbo si mokong palapit sakin "oh.. Napano ka?  " tanong nito habang kumain ng mangga.  Buwisit!  Nakuha pa akong ingitin. 

"Gago!  Nakikita mo naman diba?  Aray! " nagulat nalang ako ng buhatin ako nito ng pangkasal.  Hindi nalang ako umimik at tumahimik na. Nanlalabo narin ang aking paningin.
"Shit!  Namumulta ka? " inihiga ako nito sa buhangin.  " anong masakit sa yo ha?ha?  "Pag aalala nito sakin.  Itinuro ko nalang yung talampakan ko. Shit!  Hindi ko talaga maigalaw yung katawan ko. Tila namanhid ito.  " shit!  Natusok ka nga ng sea urchin.. "

"Umayos ka ng higa. " utos nito sakin.  Pinandilatan ko nalang ito. Nakita niyang hindi na ko makagalw dito.  Binuhat nalang ako nito at inayos yung hihigaan ko. "Wala ng ibang paraan. " aniya nito habang binubuksan ang pantalon niya. Binuksan nitoa ng zipper at nilabas ang pagkalalaki niya. 

Dali dali naman akong Pumikit as if wala akong nakita. Naramdaman kong may mainit na likido na bumubuhos sa talampakan ko. Is that urine? . Unti unti nang nawawala ang pagkamanhid  ng binti ko at kamay.  Mayamaya ay naramdaman kong kinumutan niya ako ng dahon ng saging at yun na ang huli kong naalala..

Pagkagising ko ay mukha kaagad ni alden ang aking nakita. Nakatopless ito at nakatingin sakin. Lumihis naman kaagad ako ng tingin. Nakakailang titig niya. Akmang tatayo ako ng pinigilan niya "huwag ka munang gumalaw... Magpahinga ka muna dito. " kumuha siya ng buko at pina inom sakin ."o uminom ka..." tinanggap ko naman ito.

Dumaan ang mga araw ay nagiging komportable na ako sa kanya. Sa tingin ko naman ay nagbago na siya buhat noong binubully niya ako noong high school. Natatandaan ko pa yung pinahiya niya ako sa lahat ng estudyante.

Ng dahil ako ang paborito niyang target na bullyhin ay madalas akong  nagtatago sa kanya. Maging sa mga kaklase konay ay ilag din ako. Mabibilang mo lang yata sa daliri ang tunay na kaibigan ko dito sa school. Madalas sabihan ako ng pokerface dahil kahit binu bully nila ako ay hindi ako nagpakita ng pagkatalo. Hindi ko ipinakita sa kanila na mahina ako.. Dahil para sakin.. Hindi naman basehan ang lakas, para masabi kang malakas. Darating ang panahon na kakarmahin sila sa pinaggagawa nila sakin.

Hindi ko talaga inaasahan na magkikita muli kami. Inaamin ko. Nag sinungaling ako kay mich na di ko siya kilala. Dahil kapag sinabi ko ay hindi ako nito tatantanan.  Hindi ko rin inaasahan na iba na ang pag uugali niya buhat noong siya ay nag artista.  Napatawa ako ng tipid.  Alden collins... Maging apliyedo nito ay pinalitan niya rin. Alden servantes talaga ang pangalan nito.

"Uy....alen ligo tayo. Sakto. Hindi masyado malamig ang tubig.!" aya nito sakin. 

"Huwag na...tinatamad pa ako. " sigaw ko pagkat nasa malalim siya na parte.

"Sige na.. " aya nito sakin. Tinalikuran ko nalang ito at bumalik na sa tent namin.  Kamusta na kaya si papa,  tiyak ay nag aalala na ito sakin. Tiyak ay hindi na ako nito palalabasin dahil sa nangyari. Napa buntong hininga nalang ako.  "Alen halika dito bilis may nahuli ako!!! "

Dali dali akong napatakbo at pumunta sa kanya. "Saan, saan bilis para may pagkain tayo mamaya. " itinuro naman nito sa malalim na parte. Nakatayo ako sa mababa na bato.

"Lumapit ka kasi. " lumapit naman ako.  "San ba?..."

"Eto oh.. " sabay hila sakin  dahilan upang mahulog ako sa tubig. 'Takte!  Mabilis naman akong niyakap tila hindi na ako makakawala pa. Dama ko ang kanyang mainit na hininga na dumadampi sa aking pisngi.

"Isa... Bibitaw o bibitaw? "

Natawa naman ito at hinigpitan ang yakap sakin.  "Eh parehas lang naman yon eh... "

"Hmm..." bulong nito sa aking tenga na mag dulot sakin ng kiliti.  "Sarap mo.. " bulong nito sakin.  Mabilis naman akong nakawala sa kanya at akma kong susuntukin nang mahawakan niya kaagad ang kamao ko.

"Opps.. Duling ka na ata? " asar nito sakin.  Bagamat malabo ang aking paningin dahil hinubad ko ang glasses ko ay nasuntok ko parin siya sa panga.  Napa urong naman ito.  Akmang aalis ako ng hilahin ako nito pababa ng tubig.  Maging siya ay lumubog din. Shete! Di ako marunong lumangoy!  Sabi ko sa isip. 

Nagpupumiglas na ako sa kanya at naka ngiti lang ito na nakatigin sakin.  Naramdaman ko na kinakapos na ako ng paghinga. Naramdaman ko may lumapat na bagay na dumampi sa aking labi.  Sinakop nito ang aking labi na parang pagkain ito.  

Pinaglapit nito ang katawan namin na palalim na palalim... At wala na akong maalala pa.

To be continued........











Superstar Meets Pokerface (Boyxboy/m2m/bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon