Chapter One

534 18 5
                                    

Megaroom Gaming Incorporated, Fort Bonifacio

"Tangina paps and sakit ng ulo ko." Ani naman ni Ian ng daanan nito ang opisina ni RC.

"Hiyang hiya naman ako sayo. Ilang oras lang ang tulog ko and take note hindi ako late." Ani naman ni RC na inaasar ang kaibigan na late na dumating sa opisina.

"Eh di ikaw na magaling. Kaya ka napopromote." Ani naman ni Ian na tinatawanan ang kalokohan ng kaibigan.

Parehong Associate Manager ang magkaibigan sa kompanyang pinapasukan nila. Developer ng iba't ibang games ang Megaroom Gaming Incorporated. Ito ang developer ng mga larong kinalolokohan ng mga tao mula sa online games, PS, PC, xbox, mobile games at kung ano ano pa.

Si RC ang Associate Manager ng larong the Final Crusade na merong milyong milyong players sa iba't ibang panig ng mundo. Samantalang ang kaibigang si Ian naman ang humahawak sa larong Criminal Hunt.

"RC, Ian, pinapatawag kayo ni Boss Dean." Ani naman ni Roy na isa rin sa mga Associate Manager sa kompanya.

"Sige paps punta na kami." Sagot naman ni RC

"Ano na naman kaya ang kailangan ni Boss Dean? Ang sakit pa ng ulo ko paps." Ani naman ni Ian na napapahilot pa sa kanyang sintido.

"Tumayo ka na nga diyan. Let's go." Ani naman ni RC na napapailing na lang sa kaibigan.

"What?" ani naman ni Ian

"Wala. Kasi naman ang alam ko ako ang may problema kagabi pero wala pa yata sa kalahati ng nainom ko ang ininom mo." Ani naman ni RC na inaasar ang kaibigan.

"Ako na lang kasi ang nagluluksa para sa puso mong sugatan na naman. Kasi mabuti akong kaibigan." Ani naman ni Ian na bumabawi sa pang aasar.

"Sira ulo!" ani naman ni RC na binato ng kaha ng sigarilyo ang kaibigan na tawa ng tawa.

Agad rin naman silang nakarating sa opisina ng General Manager na mas kilala sa tawag na Boss Dean at agad naman silang pinapasok ng sekretarya nito.

"Morning Boss!" sabay pang bati ng nina RC at Ian

"Good morning to the two of you. Upo kayo. Kape gusto niyo? Mukhang may hangover pa kayong dalawa." Ani naman ni Boss Dean na natatawa sa itsura ng dalawa.

"Wala naman boss, medyo nakainom lang ng konti." Ani naman ni Ian na napakamot naman sa ulo.

"Oo na, naniniwala na ko kahit hindi. Anyway, I have something I want the two of you to handle." Ani naman ni Boss Dean.

"Sige boss." Ani naman ni RC.

"We need more people in production. We have a lot of backlog on our workload and main office is not happy about that. We need to make sure that we can get more people ready for production. We already sent out an advertisement. I guess it's safe to say that by Monday next week, we will start with the interview process. The two of you will handle the it." Ani naman ni Boss Dean.

"Alright. No problem Boss." Ani naman ni RC.

"Just make sure na hindi puro magaganda lang ang ipapasa niyong dalawa ha. Ok lang na may maganda sa opisina pera wag naman yung walang laman ang utak. Malilintikan kayo saking dalawa. Lalo ka na Ian." Ani naman ni Boss Dean na natatawa pa.

"Boss naman. Syempre kailangan ng maganda sa opisina para may inspiration. Siba RC?" tumatawang sagot naman ni Ian.

"Hindi ka pa rin nagbabago ian. Ayaw mong gunaya ditto kay RC. Mas gwapo naman sayo pero hindi babaero." Ani naman Boss Dean

Regrets and What IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon