Heaven's POV:
"Ikaw bata ka, kelan ka ba titino?"
"Ouch, mama!!"
Ano ba yan ang ingay naman. Umagang umaga naman. Sumilip ako sa sala at nakita ko si kuya at mama na nag aaway.
"Ma, ang aga naman nyan?" tanong ko.
"Etong kuya mo eh. Hay, maaga akong tatanda sa kanya."
"Ma naman eh, sorry na" sabi ni kuya.
"Kumain na nga lang tayo." Baka kung saan pa mauwi itong away na ito.
Gumayak na ako para pumasok sa school. First day of school year na pala. I'm studying at BB Academy, short for Beauty and Brains Academy. I'm a senior student. Graduating na ako huhu. Si kuya naman ay college na.
School....
Pumunta ako sa room namin. Section A po ako.
"Bruha ka! Heaven??"
"Ouch naman, Trish! Hindi Heaven! Ven ang itawag mo sa akin." Sya ang bestfriend ko. Si Trisha Yturalde.
"Opo! Tara na pala sa gymnasium at magsisimula na ang opening." sabi nya sabay hatak nya sakin. Di naman sya masyadong excited.
Naupo na kami sa bleachers. At nagsalita na ang president ng school. Lahat kami masaya. Wala kasing gagawin nagyong araw haha.
"Kyaaaa....."
"Ang pogi naman."
"Sana akin nalang sya."
"Akin siya no!"
Ganyan ang mga sigawan ng mga babae sa gym ngayon. Hay.. andyan na kasi si Mr. Dale Lagdameo. Gwapo. Mayaman. Sikat. Matalino at Taken. Ouch naman.
"Baka matunaw yan bez!"
"Trish naman eh, baka marinig ka niya." saway ko kay Trish. Pagkalingon ko sa gawi ni Dale ay nakatingin sya sakin.
Eye to eye kami ng biglang hinatak sya ni Yvie. Yung girlfriend nya. Maputi at maputi lang sya. Joke lang. Maganda naman sya at sikat din kaya nga perfect match daw.
Humarap sakin si Yvie at inirapan ako ng loka. Akala mong aagwain lagi ang boyfriend nya. Naku wala kasing tiwala sa sarili eh.
"Bez, Sarap tusukin ng mata nun ah?"
"Haha, apir tayo dyan bez." Tawa kami ng tawa ni bez.
Magiging akin ka rin Dale.
Itaga mo sa bato.
BINABASA MO ANG
I'm Single... He's taken..
Fiksi RemajaSiya si Heaven. Gagawin ang lahat para sa taong gusto nya. Kaya lang taken na ito. Pano niya ito makukuha?