"Please! I wanna go home na!"
"Takbo!"
"Nandyan sila! Mag-sitago na kayo, BILIS!"
"Mommy.. Daddy!"
"KYAAAAAAAHHHHHHH!!!!"
Nagising nalang ako bigla na pawis na pawis, nananaginip nanaman ata ako, ewan ko kung bakit e. Pero parang sa school nangyayari. Madilim, malamig, maraming mga patay sa estudyante sa hallway, yung iba nga tangal ang ulo, tangal eyeballs o di kaya chop-chop. Ang weird. Super weird.
Ewan ko lang ha. Pero kasi nung sinabi nila mama at papa na uuwi kami sa Pardoval, at sinabing mag-aaral ako sa Mortis Academy... Ewan ko kung maniniwala kayo ha?.... Uhm, Dun yung time na kung saan nag-start akong magka-nightmare. Hmm, Let me guess kung anong nasa isip niyo. "Anong Connect nun?", Aiishh~ ewan ko. Basta yun ung nangyari sakin eh. May ma-gagawa pa ba tayo?
"Nak, May problema ba?" tanong sakin ni mama. "Anong nangyari sayo?" tanong niya ulit habang linalagay ang kamay niya sa noo kong pawis na pawis.
"Nananaginip ka nanaman ba Andrea?" Nag-tanong si Papa, habang sumisilip sa salamin ng kotse.
"Naku Ma'am Andrea, Gutom lang yan." sabi ni Manong. Aish 'to talaga si Manong, basta sa pag-kain, game!
"Haha. Si Manong talaga oh!" tumawa nalang ako. "Oh! Malapit na pala tayo eh!" Sabi ni Papa.
"Basta Andrea, mag-papakabait ka habang wala pa kami ng Papa mo" sabi ni Mama, habang sinusuklayan ako. Si Mama talaga, lagi akong bine-baby.
"Opo Mama." Kasi naman eh. Bat ba nila kailangang umalis? Bat di nalang ako sumama sakanila? Sina Aling Feya nanaman ang kasama ko.
Mabait naman si Aling Feya pero iba parin pag-kasama ko sina Mama at Papa, yung tipong lagi kang masaya? Lagi kang nakangiti.
Pero teka lang.. Di niyo papala ako kilala no?
I'm Andrea Sy. Panganay na anak nila Victoria and Andrew Sy, dalawa kaming mag-kapatid, pero namatay na ang baby brother ko, This is life eh. It's reality, kailangan tanggapin. I'm 17 year old. Laki ako sa Manila, kaya may pagka-sosyal ako. Hee Hee. Chakaness.
Back to the present. Charot.
Ang Ganda ng bahay nila Mama at Papa dito sa Pardoval. Parang pang-normal na pang-pamilya lang. Di kagaya nung bahay namin sa Manila, parang mala-palasyo eh. Kaya mas Bet ko ang bahay namin dito sa Pardoval.
Bumaba na ko sa kotse at pinag-masdan ang bahay namin dito.
"Do you like it anak?" Tanong ni Papa umaakbay kay mama at sakin.
"I don't like it.." bulung ko, at mukhang narinig naman nila, nakita ko silang sumimagot pero.. "I LOVE IT!" sabi ko baka kasi mali ang nasa isip nila eh. Bigla na lang silang ngumiti at yinakap ako.
"Behave ka anak ha?" sabi ni Mama, tas sumigit si Papa "Babalik din agad kami ng Mama mo, dito ka muna kay Aling Feya ha?" ginulo ni Papa yung buhok ko.
Si Aling Feya naman sinamahan ako habang papasok na sila sa kotse, parang second Grandma ko na si Aling Feya so yaaeeeh.
Nakakalungkot man pero, okay lang, three weeks lang namn sila mawawala eh.
"Hija, ayos na ang kwarto mo sa taas, bukas nalang namin aayusin ang mga bagahe mo, natulog ka na, maaga ka pa bukas eh." sabi ni Aling Feya.
~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~
BINABASA MO ANG
The Cursed Academy 【ON GOING!】
Misterio / SuspensoAng akala nating normal na eskwelahan, puno pala ng mga kababalaghan. Handa ba silang isakripisyo ang buhay nila? Para sa iba? Makakaya ba nila maalis ang sumpa sa eskwelahan nila? Makakaya ba nilang manatiling buhay hanggang sa huli?