Nakasagupaan na namin ang mga punyaterang nilalang na ang tawag ay Zombies, kwinento ko rin kay Elisa ang mga nangyayari sakin, bago ako makapasok sa Mortis, cympre about kay ate Deadsky and her mga tropas of course! Prends na si Elisa at si ate Deadsky nang dahil sakin. Hart Hart. Dinescribe ko kasi ang MAGANDA kong BFF na ang pangalan ay Pretty Deadsky. HAHAH.
Nagulat nga siya eh, kasi 3 years ago nangyari 'yon sakanya, pero hindi niya nakita si Ate Deadsky sa panaginip niya, nakita niya rin yung doll sa panaginip ko. I mean yung Doll like Girl, yung mukhang manika na may hawak ng chainsaw?
Loko yung Deadsky na 'yon e, akala ko talaga, nag-cocosplay lang ang mga ugly evil things na yon eh. Bilib na nga ako eh, kinakareer kasi ang Halloween.
Naguguna si Elisa sa pag-lakbay namin sa school, siya kasi ang nakakaalam eh, well malamang, old student na siya eh! Tanga-tanga niya naman kung hindi!
Para kaming Dora the negrang lakwatsera dito, letche, minsan kasi may mga swiper-- este, zombies na sumusulpot dito eh, kalerky! Nakaka-stress ang pag-hahampas sa kanila! Intense! Mala-action star ang future ko! Hehe. ALAM NA DIS. HAHAH! Magugulat nalang kayo, "Andrea Sy, Ang bagong, Female Action Star ang henerasyon!" Charot, ang daming pangarap eh!
"Malapit na tayo," sabi niya, ramdam ko rin na natatakot siya sa mga nangyayari samin, kasi naman, nagiginig yung kamay niya, tas pag-lumalabas ang mga swiper, todo-tili siya, well, maski rin naman ako natatakot eh, pero hindi ako para-tili. Alam ko na ring nag-aalala siya kay Drake, well cympre, crush niya yon eh, tas childhood friend pa niya ito, sino pa bang tao ang hindi mag-aalala di ba? Lalo nang crush mo siya.
Nag-patuloy kami sa paglalakad, wala nang zombies, pamunta dito, that's weird, pero okay na rin yon, kasi atleast wala na kaming pro-problemahin. Hayy buhay.
Ilang saglit pa, ay kita ko nanaman ang kapwa naming estudyante, na nakadress. I mean yung pang doll na dress. Well ganun din yung hitsura niya sa panaginip ko. Pero hindi ko pa alam kung anong meron dyan sa babaeng naka doll na suot.
Naglalakad siya, dahan-dahan lang ang lakad niya, tas may pag-kaelegante pa ang dating, wala rin mashadong footsteps na naririnig, wow ha, kinakareer ang pagiging doll ni ate! Ewan ko pero parang gusto siyang sundan ng paa ko, pero sabi nang-utak ko wag daw. Korni no? Bat di nalang lumayas yung paa ko tas balik na lang siya pag-napagod na siyang sundan yung doll?
Pero nagwagi ang utak ko, ayoko ngang iwang ng mag-isa yang si Elisa, baka mapano ang mangyari sakanya eh, tas ayoko ring tumalak yung Moron niyang crush! I hate noisy people kaya! Plus ayoko rin mawalan ng kaibigan.
Nandito na raw kami sa tapat ng pinto ng library, Damn it! May mga footprints ng dugo! Yak! Ang they look so fresh! Eww! Kadiri, siguro may zombies sa loob? Bwiset! Dinikit ko yung tenga ko sa wall ng Library, aba't ang tahimik ah! Weh, baka naman sinusunod ng mga zombies yung rule na "Observe Silence" packin' tape talaga oh!
"Ano sa tingin mo Elisa, May zombies o Wala?" tanong ko kay Elisa na nasa opposite side ng pinto at nakadikit rin sa wall ang tenga niya para malaman kung mga ingay o wala.
"Satingin ko meron eh.. Pero, medyo tahimik lang silang mag-lakad," HANU RAW?! So tama nga ako may mga zombies na naglalakad sa loob? Ano yon? Nag-momoon walk sila sa loob ng library? What da heck!
"Dahan-dahan lang ang lakad niya, tas may pag-kaelegante pa ang dating, wala rin mashadong footsteps na naririnig"
Dolls?
Yung babae kanina?
Kung Doll siya edi sana maliit siya.
Ano 'yon Human size na manika?
BINABASA MO ANG
The Cursed Academy 【ON GOING!】
Mistério / SuspenseAng akala nating normal na eskwelahan, puno pala ng mga kababalaghan. Handa ba silang isakripisyo ang buhay nila? Para sa iba? Makakaya ba nila maalis ang sumpa sa eskwelahan nila? Makakaya ba nilang manatiling buhay hanggang sa huli?