Chapter Eleven
Biyernes ngayon at si Blake ay pumasok na sakanyang trabaho. Sa lunes pa ulit ako papasok sa opisana. Nakakahiya't siya pa ang nag luto ng breakfast naming dalawa. Tinanghali kasi ako ng gising sa kadahilanang late na rin ako nakatulog kagabi. Basta't pag gising ko ay wala na siya at may pag kain na sa lamesa at may sticky note pang kasama.
I pursed my lips while reading the sticky note he attached. "I didn't wake you up, you seemed too sleepy. Eat well."
Tinignan ko ang kanyang nilutong itlog, hotdog, bacon, may bread loaf at fried rice pa! Madali lang naman lutuin ang mga ito. Piniprito lang naman yan e. Kaya ko rin yan.
Pagka tapos kumain ay nag ligpit na ako at nag linis. Kahit na mukhang hindi na kailangan linisin ay nilinisan ko pa din. Wala naman akong gagawin. Binuhay ko ang TV habang nag mo-mop sa sala, para lamang kahit papano ay malibang libang ako sa ginagawa, nang matapos sa pag mo-mop doon ay umakyat ako sa second floor na may dalang walis at mop. And I started cleaning the floor of our room. Tinignan ko din ang ibang kwarto at tama nga siya dahil ni re-renovate pa ang mga iyon, kaya ang kwarto namin at ang family room na lang ang nilinis ko. I went to the third floor at muling nag linis, hindi naman ganon kadumi kaya't hindi ako nag tagal. Hindi ko na malayan ang oras nang makitang alas kuwatro na ng hapon nang matapos ako sa pag lilinis. Dali dali akong naligo at nag bihis.
Kailangan kong mag luto ng hapunan namin ni Blake. Ilang oras na lang at uuwi na iyon. Hindi ko na na tuyo ang aking buhok at agad na akong bumaba sa kusina, I need to make some calls. Tinawagan ko so Manang Fe, ang aming kasambahay sa bahay, siya na ata ang pinaka close ko sa lahat ng tao sa bahay namin noon.
"Hello Manang." wika ko ng sagutan na niya ang tawag.
"O' Rianne anak napatawag ka? Kailan ka ba bibisita dito sa bahay ninyo? Miss na kitang ipag luto" na rinig ko ang kanyang bahagyang pag tawa.
Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. "Hindi ka po alam pero promise po dadalawin ko po kayo dyan kapag hindi na po busy. Pero Manang napa tawag po ako kasi.. Mag papatulong po sana ako sainyo mag luto." napahawak ako sa aking batok. I can't believe I'm doing this.
"Para ba iyan kay Blake?"
"Opo." nahihiya kong tugon.
"Osige ano bang gusto mong lutuin?"
"Hmm.. Yung madali lang po sana. Adobo po."
Ni loud speaker ko ang aking cellphone para habang iniisa isa ni manang ang mga rekados ay sinusulat ko ito sa papel. Hiniwa ko ang bawang sibuyas kagaya nang sinabi ni Manang, natagalan lamang ako sa pag hiwa ng sibuyas dahil habang ginagawa ko iyon ay tumutulo ang luha ko. What the hell is this!
Sa malabong mata ay pinag patuloy ko ang pag hihiwa ngunit napa sigaw ako ng madaplisan ng kutsilyo ang aking daliri.
"Oh shit!" napamura ako nang makita ang pag agos ng dugo doon. Tinapat ko ang aking kamay sa gripo upang mawala ang dugo. Ngunit kapag inaalis ko sa tubig ang sugat ay dumudugo ulit iyon. Binuksan ko ang mga cabinet na naroon at hindi ako na bigo nang makita ang medicine kit doon. Kumuha ako ng bulak at dahan dahang diniin iyon sa aking sugat para mag tigil sa pag durugo, pagkatapos ay kumuha ako ng band aid at maingat ding nilagay iyon.
I let a long sigh at napatingin sa orasan na naka kabit sa pader. Mag aala cinco na!. Pinag patuloy ko ang pag luluto kahit na nahihirapan dahil sa aking daliri. Ang sabi ni Manang kapag na gisa ko na ang bawang sibuyas kasama ang manok ay lalagyan ko iyon ng toyo at hihintaying kumulo. Ngayong kumukulo na ay muli kong tinignan ang papel na pinag sulatan ko ng procedure at ingredients, I'm paranoid na baka kasi may nakalimutan akong ilagay o ano. Nang makitang wala naman at tama ang procedure na ginawa ko ay tinikman ko ang aking luto. Lasang adobo naman siya ngunit hindi ganon kasarap katulad nang natitiknam ko na luto ni Manang but not bad for my first try.