Chapter Six
Pulang pula na ang mukha ko dahil sa kahihiyan na natatamo ko ngayon. Hindi ko malunok ang kinakain ko dahil may mga tao pa rin na tumitingin sa gawi namin. Habang siya ay kumakain ng matiwasay with still have the hint of amusement in his eyes. Tuwang tuwa talaga siya sa nangyayari sakin ngayon.
"I want to hug you tight 'til you choked to death." I whispered while I harshly slicing my steak. Imagining it was Blake's neck. Napatigil ako sa paghiwa sa leeg niya este sa karne sa plato ko ng marinig ang mahinang tawa niya. Yung tawang nakakakiliti sa tenga. A sexy laugh na muling nakaagaw ng atensyon ng iba. Ang babaeng nasa kalapit na lamesa sa amin ay manghang manghang nakatingin kay Blake kasama na rin ang dalawa niya pang kaibigan
He cleared his throat na kunwariy walang nangyari. Matalim ang tingin ko sakanya at ng mapansin ang titig ko ay tumingin siya pabalik."Is there a problem?" Kumunot ang noo niya para pigilan ang paniguradong bagong tawa.
Tinusok ko ang nahiwa ko ng steak at tsaka sinubo ito. Inirapan ko siya at ininom ang ice tea sa harap. Hindi ko siya pinansin at kumain na lang ng matiwasay ngunit ang isip ko ay lumilipad kung paano ko siya magagantihan.
Naubos ko ang steak at kasalukuyang kumakain ng dessert. Hindi ko kinain ang pasta kahit na paulit ulit niyang pinaliwanag sakin na hindi naman ako tataba agad doon. Sinabi niya rin ang calories na makukuha ko doon ngunit hindi ko pa rin siya pinakinggan kaya sa huli ay sya din ang kumain. Kahit manlang doon ay makaganti ako sakanya.
Ilang subo lang kinain kong ice cream dahil mahihirapan akong iburn ang calories noon. May gym room naman ang hotel kaya mamaya ay pupunta ako doon.
Matapos ang pinaka nakakainis kong lunch kasama siya ay bumalik na muli kami sa aming suite. Nasa sala ako habang nanonood ng TV sa isang cartoons na paulit ulit na pinapalabas. Saktong pagpunta ni Blake sa sala ay siyang pag katok ng kung sino sa labas.
Nagkatinginan kaming dalawa. Tumayo ako at dumiretso sa pintuan at bumungad saakin ang babaeng staff ng hotel. May hawak siyang dalawang malaking box. Lumaki ang ngisi niya na aabot na sa tenga niya. Naramdaman ko ang presensya ni Blake saaking likod ang kanang braso niya ay naka lagay sa pintuan na kaonti lang ang bukas at ang kabila ay nasa dingding kaya hindi na ako nag taka kung bakit ganon makaasta ang babae sa harap ko.
"Good day, Sir!" Maarteng bati niya na parang hindi manlang nakita na ako ang nasa harap niya. Sarap pilipitin yung dila ng umunat.
"Uh.. Ma'am! Good day din po." Nagulat pa niyang bati."P—Pinabibigay po ni Mister Alford." Nautal pa niyang sabi habang nakatingin kay Blake. Kitang kita ko dito kung paano pumula ang kanyang pisngi. Hindi ba siya nahihiya sakin? For god sake nakatayo sa harap niya ang fiancee ng lalaking hinaharot niya.
Tumingin ako kay Blake at nakita ko ang kawalang gana ng kanyang tingin. Like his usual 'wala akong pake look'
"Is this all?" Inistretch niya ang kanyang makisig na braso at inabot ang box sa babae never minding that I am in front of him. Sana'y ako na lang ang pinaabot niya. Bahagya pa akong napaabante dahil tumama ang likod ko sakanyang dibdib. Nasa ganitong posisyon na naman kaming dalawa katulad noong pag unlock niya ng pintuan kagabi. Ngunit ang kaibahan lang ay may audience kami ngayon.
Nakita ko ang pagbabago ng itsura ng babae sa harap ko parang nawalan siya ng pag asa sa kung ano. So she's hoping to Blake? Ang galing din naman talaga ng lalaking ito ano? He effortlessly get the attention of the girls and they easily hope for something uncertain and also he effortlessly breaking their heart so fast. Just wow!