Chapter 2 (In my dreams)

180 12 9
                                    

You have to dream in order to make your dreams come true

- Abdul Kalam 

Kanina pa ako lakad ng lakad sa kawalan ng may biglang humila sakin sa dulo ng mundo,de charot lang sa isang madilim na eskinita ng isang lalaking di ko kilala.Dahil di ko makita ang muka niya sa sobrang dilim. At wala syang pakundangang tinulak ako sa pader.

"AAAAAAAAAAH! Rapist! Rapist! Tulungan niyo ako!"

sigaw ko habang nangangatog ang mga tuhod ko.Halos makita na ang ngala ngala, balun balunan at atay ko sa laki ng bunganga ko maisigaw ko lang ng full force at nang marining ako ng sino man. 

"Parang awa mo na wag nyo po akong irape. Ibibigay ko na lang po itong 3310 ko :( huhuhu Matagal ko na pong iniingatan yan. Sa katunayan nga po pina upgrade ko pa po yan para makapag facebook , wattpad at instagram ako. Selfie lord po kasi ako e, kayo rin po ba? :) pero wag na po kayong choosy kasi kasing gand salkjdfjhdnsajdfjsadhfiuhi "

tinakpan na nung lalaki yung bubunga ko. nainis ata sa kadaldalan ko :( huhu. Kung eto manang katapusan ng buhay ko, paki lagyan na lang ng sisiw yung kabaong ko,para sa hustisya. Tapos bahala na kayo sa kape, biskwit, gusto nyo pa ba ng lugaw o sopas? Nga pala dapat maganda ako sa make up huh? Para kung sakaling dumalaw man sa lamay si Shton Myloves e dyosa parin ako. Ano ba yan mamatay na lang ako si Shton Myloves parin ang iniisip ko. Ay basta bahala na kayo sa lamay ko HUHU :(

"Ang ingay mong babae ka!Hold up to hindi rape! Masyado ka ring feeler inday! Di ka maganda lalong di karin sexy para pag diskitahan kitang irape no! Echosera! Mas maganda pa ako sayo!Di tayo talo. Hmp!Di ko rin kailangan ng 3310 mo, ang cheap mo day Samsung galaxy s4 ang akin. Kailangan ko lang ng cash para ibigay sa jowa ko nu?"

aba sumusobra na tong baklita na to a, di na kaya ng powers ko ang pang aalipusta nya kaya kinagat ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. 

"Araaaay!"

"Abay lelang mong panot!Sakin ka pa ng hold up para ibigay jan sa jowa mo e 3310 nga lang ang cellphone ko! Hiyang-hiya naman ako sa Samsung Galaxy S4 mo te, bakit di mo itry isangla para may pang sustento ka sa jowa mo di ba? And for your information, mas maganda ako ng isang sundot ng kulangot sayo! Impaktita ka!"

Halos umuusok na ang ilong kong sinasabi ko sa kanya.Iniimberna ako! Pero akmang sasabunutan nya ako ng may sumigaw na lalaki with matching spotlight lang. oh di ba? Parang teleserye lang ang peg.

"itigil mo yan! wag na wag mong ilalapat yang mga kamay mo sa myloves ko kung hindi lalagutan ka ng hininga!"

"GEEEZ! ang Papable naman neto!" sabi nung ateng holdaper.

"TRUE! Ang hot pa!UTANG NA LOOB bakla akin na yan. Wag ka ng mang agaw! Teka, magugunaw na ba ang mundo? My night and shining armor!" 

At agad akong tumakbo kay Shton Myloves para yakapin sya. 

"ANG NIGHT AND SHINING ARMOR KOOOOOOOO!" sigaw ko habang tumatakbo papalapit kay Shton. Pero teka teka, bakit parang lumilindol? 

"Ay Shemaylooo!" napabulong na lang ako sa kahihiyan.Hindi pala lumilindol, inuuga lang pala ako ni Liza dahil nakatulog ako sa klase.Pag gising ko, nag-around the world ang mga mata ko ng mapansing lahat ay nakatingin sakin.

*KRUUU KRUUU KRUUU KRUUU (KATAHIMIKAN)

huhuhu :( pakain nyo na po ako sa lupa. Ang ganda ko di madaling maubos, pero ang kahihiyan ko ubos na ubos na!Mag eemote na sana ako sa kahihiyan ng magsalita si Miss Shocking. Actually hindi talaga shocking ang apelyido niya, mahilig lang talaga sya magsabi ng "shocking!"

"O sige Ms. Yah, ikaw."

"huh? ano daw? Ako? Anong ako?" tanong ko kay Liza.

"Oo Ms. Yah, ikaw nga. Ikaw ang representative ng Course na to para sa darating na foundation week ng Chuchu University"

Nang biglang tumunog ang bell "KRING KRING KRING"

"Okay class, let's continue our topic on next meeting. And Ms. Yah come with me, we're gonna talk."

"Yes Ma'am" nanlulumo kong sagot. 

-end of chapter 2

Author's Note :

Super thank you po sa lahat ng nag read. Super appreciated po talaga :) Please continue supporting :) Sorry din po kung medyo maiksi yung update bawi ako sa Chapter 3. LOVELOTS :*

Almost ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon