Listen to your intuition. It will tell you everything you need to know.
-Anthony J. D'Angelo
Chapter 6
Intuition
(HAHAH sungit mo talaga! Si Shton to :) )
loading
loading
loading
"OH MY GULAY!" O.O pakiramdam ko huminto ang lahat ng bagay sa mundo nang dahil sa nabasa ko. Pero gumalaw ulit ng may umi-echo na sigaw . . .
"GULAY! Ay gulay! Ano ba Fia? Bakit ka ba sumisigaw na lang jan bigla-bigla? Alam mo namang magugulatin ako diba!" umirap pa sakin.ENEBEYEN! Ang ganda na ng eksenang tumigil ang daigdig ang peg e. Panira moment!Nakalimutan kong may katabi pala akong speaker ang bunga-bunga dito. ASAR! Bakit ba kasi share pa kami sa iisang kwarto e. Pero keber! Di ko sya papasinin.
Pero focus muna sa pagrereply
(Hi good evening!Ikaw pala yan.) erase erase erase masyadong pormal
(myloves ko! ikaw na pala yung nagtxt akala ko naman kong sino hihih) very wrong masyado namang malandi.
"Dapat yung medyo sakto lang Fia. Kalma ka lang. Inhale. Exhale" feel na feel kong sabi.
"Sige Fia. Kausapin mo sarili mo hahaha maganda yan" pang asar na sabi ni Ate.
"(-.-) wag ka nga jan!"
(Sorry Shton. Di ko naman kasi alam na ikaw pa la yan, akala ko kung sinong jejemon na nangii-scam lang e.) eto push na to.
Sending
Sending
Sending
FAILED!
"Hala! Badtrip naman ngayon pa naubos yung load ko, wala man lang pakisama" dali dali nakong tumayo at lalabas na sana ng kwarto ng biglang may narinig akong masakit sa tenga.
WEWANG WEWANG WEWANG ♫
"ITO AY BARANGAY, 11:30 NA HO AT CURFEW NA. MARAPAT NA ANG MGA BATA EDAD 18 PABABA AY DI NA PWEDENG LUMABAS SA KANILANG MGA TAHANAN"
--KINABUKASAN--
"FIA GUMISING KANA! TANGHALI NA!" sigaw ni Ate Fane
"Hmmmm?" sabay ikot sa kama
"FIA ANO BA? HINDI KA BA TALAGA BABANGON?" patuloy niyang pagsigaw
"Ano ba yun Ate? Sunday naman ngayon e" sabay takip ko ng tenga.
"AYAW MONG TUMAYO? GUSTO MO BANG IBUKING KITA KELA MAMA NA MAY SINASABI KA KANINA HABANG TULOG KA?" pang-asar niyang sabi.
"HUH?" bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga ko
"Ano sinabi ko habang tulog ako?"dagdag ko.
"Ewww Fia! Wag ka ngang magsalita, bad breath ka pa!"
"HAAAAAAAH" paghinga ko sa kamay ko "Heheheh oo nga! Pero sabihin mo muna kasi Ate!" paglalambing ko sakanya.
"AYAW KO NGA!" sabay takbo niya at sinigaw lang naman nya ang mahiwagang salita "SABI MO I LOVE YOU SHTON!"
"ATEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE"gigil kong sigaw sakanya. Nako humanda ka sakin. Kaya hinabol ko sya pero sadyang kamag-anak ata talaga ni Ate si Road Runner dahil nandun na kagad sya sa lamesa. Andun na din sila Mama at Papa na mukang nagulat pa ata sakin.
BINABASA MO ANG
Almost There
Teen FictionPaano nga ba wakasan ang lahat ng nasimulan? Forewarning: Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa kayang tapusin ang kwentong eto.