Life is one grand, sweet song, so start the music.
- Ronald Reagan
Chapter 5
SHTON'S POV
Habang naglalakad
"Ayy! Sorry po Miss. Di ko po napansing . . . "
"tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Natapon tuloy yung pizza ko "
"Fia?/Shton?" Halos sabay naming bigkas ng mga pangalan namen
"Sorry" sabay ulit naming sabi
"Tara na nga, bibilhan na lang kita uket ng pizza"
"d-di, o-okay lang"
"sus! nahiya ka pa. matapos mo akong lokohin kanina ngayon ka pa mahihiya"
di na sya nakatanggi ng hilahin ko sya sa canteen at binilhan ko na din sya ng pizza, pati ako bumili na din. Napansin ko ding tahimik lang siya habang bumibili kami
"bat ang tahimik mo?
"e kasi. . ." sabay tumingin sya sa kamay namen. Oo nga pala, hinila ko sya kanina kaya hanggang ngayon hawak ko pa rin ang kamay niya
"Ay sorry!"
"Di okay lang. Ay este! A-ano b-bakit ka kasi n-nang hahawak ng kamay. Oo, tama! bakit ka nang hahawak ng kamay?"
"Sus! Ano naman? Big deal ba sayo yun?" mapang asar kong sabi sa kanya.
"Oo! big deal kaya yun sakin"
"samahan mo na nga lang ako."
----
Sa park
FIA'S POV
Niyaya akong umupo ni Shton Myloves sa park ng school. Tatanggi pa ba ako e? HIHI ♥
nung nakaupo na kami. . .
"Diba matagal na tayong schoolmate?" pag basag ni Shton sa katahimikan namen.
"Oo nung highschool pa tayo schoolmate" sagot ko (napapansin nya din kaya ako dati? @.@)
"Ang epic no? Ang tagal na nating nasa isang circle pero ngayon lang nagkaroon ng gantong chance para magkakilala tayo at magkausap ng maayos."
"Oo nga e. Dati hanggang tingin lang ako sayo pero ngayon magkatabi na tayo at magkausap hihi ☺ para pa tayong nagdadate."
"huh? Date? (@.@!)"
"ah da-date, oo anung date nga pala ngayon?" nako. isip-isip din ng palusot.
"8 ata?"
"tatandaan ko to"
"bakit anong meron?"
"wala naman hihi ♥.♥'
TA TADAH TA TADAH TA TADAH (cellphone ringing)
*caller id Ate FANE
"Shton, uhm wait lang ah?"
at tumango sya atsaka sinagot ko yung tawag
"Bakit Ate Fane?! PAnira ka naman ng moment e T.T" halos bulong kong sabi kasi magkatabi lang kami ni Shton.
"UMUWI KANA DAW SABI NI MAMA!" sigaw ni ate kaya napalayo yung hawak ko ng phone sa tenga ko. Jusme! Baka masira yung eardrums ko at di ko na marinig ang magandang boses ng aking MYLOVES
"Oo na. Tss kaasar to!"
kahit kelan talaga tong ate ko built in na yung megaphone sa lalamunan nya.
pagtingin ko sa katabi ko, nakatulala sya. Napatingin din tuloy ako sa muka nya at mas napansin ko kung gaano sya kagwapo. Yung ilong nyang matangos, yung pisnge nyang parang ang sarap kurutin, mga pilik mata nyang mahahaba at ang mga mata nyang singkit. pero bakit parang may nababakas na lungkot?
"baka matunaw hehehe'
"huh? anung matunaw? Kapal a?"
"gwapo ko nu? ahah"
"oo na lang. Uy nga pala, una na ako. Hinahanap na kasi ako ni mama e. Salamat sa pizza :)"
"wala yun. Wait! Pwede ko bang mahingi number mo?
"HUUU ♥.♥"
"a ano kasi para kung malalate ulet ako, edi ittxt na lang kita para di kana mag antay :)" sabi nya habang kamot sa ulo.
"Sige Sige" tsk. Hopia alert!
-------
11 pm
Grabe hanggang ngayon di ako makaget over sa kilig habang nakaupo kami ni Shton at mag kausap. Imagine! parang panaginip at imagination lang lahat ng yun dati
pero nangyari kanina. Parang nagdadate kami at kulang na lang ang fireworks at roses. Pero kahit wala munang ganun. Choosy pa ba ako? HIHIH nakakakilig talaga lalo na yung hiningi nya yung number ko.
Kahit para yun sa foundation week, push na. Di ba sa textmate naman nag uumpisa ang lahat? BWAHAHAH
Ilalagay ko to sa memo ko sa phone yiie ♥♥♥
habang nagttype. . .
1 Message received
(Mama naaksidente po ako. Tulungan nyo po ako. Nakitext lang ako dito sa number na to. Pwede nyo po bang paloadan ito ng 200 pesos. )
"Aba! Ako pa isscam neto a? Mareplyan nga!"
( Load? Loadan mo muka mo!)
1 Message received
(sige na loadan mo na! Ang kuripot mo naman!)
(Bwisit! eto piso maghanap ka ng kausap mo!)
(sige nga, amin na piso mo? baka bigyan pa kita ng lima e)
(tss. mayaman ka pala e. E bat ka pa nanghihingi ng load? Kotongan kita e)
(bat ang siga mo? Limang piso lang sabi ko mayaman na agad?)
(magbanat ka ng buto mo tsong! di yung nanghihingi ka ng load)
(nababanat ba ang buto?)
"siraulo to a? pinatulan ko na nga, pinatulan din ako T.@"
(tanong mo sa buwan kung baka sumagot ang araw!)
(sumasagot ba ang buwan pag tinanung ko sya?)
(peste ka! mamatay ka ng hinayupak ka!)
(mamatay kanarin!)
(nauna ako! akin period. Lunok susi AHHHM!)
(HAHAH sungit mo talaga! Si Shton to :) )
"WUHHHHHAAAAT?!"
Author's Note :
Sobrang sorry po dahil sa sobrang tagal bago po ako nakapag-update ng story. Naging busy po kasi sa school at sa panunuod ng volleyball. Pero po ngayon magcoconcentrate na po ako sa pag-update ng story. Sure na yan! :) Sana supportahan at basahin nyo parin po yung Almost There :)) Thank you po and Godbless everyone :))
BINABASA MO ANG
Almost There
Teen FictionPaano nga ba wakasan ang lahat ng nasimulan? Forewarning: Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa kayang tapusin ang kwentong eto.