Chapter 5

3 0 1
                                    

Vee's POV

Hala! Inabot na pala kami ng 5:30 dito sa DNM mall?

"uyy, Vee thank you dito ha!"
Sabi ni Denice

"Of course, No problem! Ano? Kain tayo merienda?"

"naku! Okay lang na i-treat mo kami basta wag lang dito!!!! Parang awa mo na Venus!" sabi ni Eunice

"bakit? E san tayo kakain?"

"KFC na lang or Jollibee, basta't wag lang talaga dito!"

"okay lang yan! Tara na lang ulit sa Miss D." hatak ko sa kanila

Kumain kami doon sa Miss D., ang value don ng pagkain ay nasa 80+ lang

Nga pala kumuha dito si Mommy ng store and YES binayaran din ni mommy yung space na gagamitin, PENSHOPPE lang naman hihi...

"guyys! Pupuntahan ko lang si tita dun sa third floor kakamustahin ko lang sya" pagtayo ko sa table namin

"sige basta saglit ka lang ha!" nag-okay sign na lang ako sa kanila at pumunta ng third floor

Si Tita Maxine kasi ang incharged dito, tapos yung isa pang kapatid ni Mommy na si Tita Ivy, di bale alternate silang nagtatrabaho..
Tapos nagha-hire na lang sila ng mga trabahador mga lima lang hinire nila: isang lalaking bagger, babaeng nagpoprovide ng stock, isang babaeng cashier at isang babaeng assistant ng mga customers

Nang makarating ako sa Store nakita ko si Tita Maxine na nagaasikaso ng mga stocks

"tita Maxine! Hello po" nagbeso kaming dalawa

"oh! Venus, kamusta ka na? Matagal din tayong di nagkita ha"

"opo nga tita eh, okay lang po ako kayo po?" niyakap ko sya

"okay din naman ako, kamusta school mo?" sabi ni Tita Maxine

"ah okay lang naman po yung school ko top 1 lagi" ngiti ko sa kanya

"bakit nga pala naparito ka? May kailangan ka ba?"

"may nag-inform po kasi sa kin na may photoshoot na gagawin bukas sa school namin, e ako po yung napiling maging partner nung magpapa-photoshoot" sabi ko sa kanya habang umupo kami sa office nya

"ahh... Anong pangalan ng partner mo? Lalaki ba?"

"lalaki po, Finnick po yung pangalan e ewan ko yung last name nya"

"eto ba sya?" may pinakitang nakadisplay na poster si Tita, Luh!? Sya nga

"luh? Bakit kayo may ganyan?"

"di mo ba alam na model sya?" napakamot ako sa ulo nun ah!

"ah.. Hindi po eh... Hehe!" di ko alam, sikat pala sya samantalang ako tamemeng Valedictorian!

"may bibilin kaba?" muling tanong ni tita Maxine

"ahmm.. Wala naman po, sige po tita aalis na po ako, napadaan lang naman po ako eh"

"ahh ganon ba, sige okay lang atleast nakamusta kita!" yumakap sa kin si tita Maxine

"sige po tita una na po ako" staka ko umalis at pumunta na sa mga kaibigan ko

"ano guys? Wala na kayong bibilin? Uuwi na tayo?" tanong ko sa kanila

"wala naman na, tara uwi na tayo!" sabi ni Eunice

Pumunta kami ng parking lot, sa likod sila EunDen, tss. Ayaw nila sa tabi ko, wahuhuwahu!!

"Denice san ka bababa?" tanong ko kay Denice

"ahh kahit dyan na lang sa kanto!" sabi niya huminto ako sa kanto ng street nila "thank Venus ha! Good luck sa photoshoot mo bukas!" staka sya bumaba

"sige your welcome!" nag-wave na lang din si Eunice

"uyy... Ano kasi.. Pwede bang?...uhmm" ewan ko kung anong sasabihin ni Eunice

"ano?" tanong ko sa kanya

"ICE CREAM!!!!!!" aray! Ang sakit sa tenga nun ah! "ayy! Sorry, Pwede mo kong bilan ng ICE CREAM don?" nakapiece sign sya sa kin

"ok!" pinark ko yung sasakyan sa tabi staka bumaba sa tapat ng ice cream stall

"kuya isang Rocky Road sa Large cup at isang (chocolate akin) staka isang Chocolate sa large cup din po" tapos nag-scoop na yung nagtitinda, hindi sya dirty ice cream kasi mukha naman imported yung mga tinda staka hindi sya ice cream cart, mukhang pwesto na nya talaga yun

"thank you Venus!" sabi ni Eunice sa kin

Pumunta ulit kami ng sasakyan, hmp! 7:00PM na pala!?.... Teka! May nakalimutan ako!

"Eunice! Wala pa kong make-up!" napatingin kami sa isa't isa! Gusto ko ng bagong make-up.. Hehe, kahit meron sa bahay ko, ayokong gamitin yon! Gusto ko ng bago!

To Be Continued.

PhotoshootTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon