Chapter 1 (President)

3 0 1
                                    

-Isabella POV-

"Calling Ms. President Isabella Prisgrim. Mr. Principal would like to see you"

Haannnuubayan! kailangan bang iannounce pa? Hindi ba pwedeng patawag na lang ako dito sa office ko tsk

Ano na naman bang kailangan ni tanda?! Kaasar naman >_<

Tumayo na ko at naglakad patungong principal office.

Habang naglalakad ako may nakita akong dalawang studyanteng naglalampungan sa field mismo taena nitong mga to ah di na ginalang ang school rules.

Nilabas ko agad ang phone ko at dinayal si Gin...

*Calling...

"GIN NASAN KA? PUMUNTA KA AGAD SA FIELD AT SUWAYIN ANG DALWANG NAGLALAMPUNGAN DOON... ANO?..NGAYON NA.. KAKAUSAPIN KO PA SI TAN AY ESTE SI MR.  PRINCIPAL DALIAN MO"

Dali dali kong binaba ang phone at naglakad na.

Principal Office

"Oh! Apo nandyan ka na pala halika maupo ka rito" -lolo tanda

Nakalimutan ko palang sabihin sainyo na kami ang may ari ng kolehiyong ito at lolo ko ang principal dito kaya ako ang naging presidente.

"Bat nyo ko pinatawag lolo? " -ako

"Namiss lang kita Isabel apo ko.  Bakit masama ba? -lolo tanda

"Lolo ung totoo? " nakataas na ang kilay ko sa kanya alam ko naman kasi kung saan na naman patungo ang usapan namin

"Hay nako sige na nga.  Kailan mo ba balak magseryoso sa lahat ng bagay? 23 y/o kana di mo ba balak magtayo ng sariling companya? O patakbuhin ang sarili nating companya? Ni ayaw mong magseryoso sa pagaaral mo tapos ka na naman na sa isang course ah? Bat di na lang ikaw magfocus sa ikakaulad mo.  Ni boyfriend wala ka pa. " -lolo tanda

Sabi na nga ba.  Sa araw araw na ginawa ng Dyos eto lagi ang topic namin ni lolo nakakasawa na.

"Lo. Kahit ilang beses ko na tong pinaliwanag sayo. Ipapaliwanag ko pw rin ulit ngayon... Una. Ineenjoy ko pa ang college life ko na hindi ko naranasan dati. Pangalawa. Di naman ako ang may gusto ng course na kinuha ko noon kayo ang nagdesisyon nun kayo ni Mama. At pangatlo di ko kailangan ng boyfriend para mabuhay masyado na kong nadala.  Marami na kong natutunan about sa mga lalaki"

Ang haba ng explanation hahaha.. E ano lahat naman yan totoo noh

"O sya sya kung saan ka masaya apo. Sige na kumain ka na pinabili na kita ng cake kay Bruno"-lolo tanda

"Pahatid na lang kay Bruno sa office ko lolo.  May meeting pa kami"

"Sige apo"

At nagmano at umalis na ko.

Kahit ganun naman ang lolo para sakin sya na lang siguro ang natitirang matinong lalaki sa mundo.

President's Office

"GIN..  Kamusta ang pinapasaway ko sayo? " -ako

"Bel di naman pala naglalampungan ung dalawa nag hoholding hands lang habang naglalakad sa field ano ka ba naman. " -Gin

"Abaaaaa...  E ano ngayon? Labag pa rin sa rules yun public display of affection is not allowed in our school at kasama doon ang pakikipagholding hands alam mo ba yon?" -ako

"Ay ang bitter ni ateng oo na napagsabihan ko na. " -Gin

"Ok good" -ako

Bitter na kung bitter lam pake.

"Alam nyo ba kung bat ako nagpameeting? " -ako

At dahil wala na naman susagot saakin yess magwawarla na naman ang lola nyo

"MGA OFFICERS BA TALAGA KAYO DI NYO MAN LANG ALAM NA SA NEXT WEEK NA MAGOOPEN ANF KANYA KANYANG CLUBS PARA SA MGA NEW MEMBER?"

hayyst kaisstress talaga tong mga kasama kong officers kung ako lang talaga pumipili ng mga ksama ko di ko to mga pipiliin.

At agad naman sialng nagbulong bulongan

"Ay oo nga noh" "gosh sana makita ko ung cute na transferree" "hala may cute na trans--"

Tragis! Kakainit ulo

"Ano ba?!.. Magchichismisan na lang ba tau dito? "

"Ay sorry po ms. President" - bagong officer lang ata

*after 1 hour*

"Ok so napagplanuhan na ang lahat Drake and Gin magpameeting kayo sa lahat ng leader ng mga club"-ako

Nagbalot balot na ko ng gamit at sa wakas makakauwi na rin.  Isa isa naman silang nag paalam sakin dahil nga ako lang ang responsable sa lahat ng officers ako na ang naglinis at nagpatay ng ilaw.

Pababa na ko ng

*BOOGGSSHH*

"AY PUCHA NAMAN TUMINGIN KA NAMAN SA DINADAANAN MO" -ako

Badtrip talaga buti na lang di ako nalaglag. 
Tiningnan ko ung nakabangga sakin at yess wala na sya.

Hayop un pasalamat sya di ko sya nakita..

Pinulot ko lahat ng gamit ko sa sahig at umalis na baka mabangga na naman ako tsk

Changing Her Point of ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon