Chapter 5: She's Angry

1K 36 1
                                    


Abby's PoV

Grabe, di talaga ako makapaniwala na kasali sa Blue Scorpion Gang ang Demon Prince namin sa Black Demon Gang.

Bigla kasi siyang nawala na parang bula at hindi namin alam kung saan siya pumunta. Yun pala nakisali sa Blue Scorpion Gang

Kapatid niya si Crystal. Pero ang pinagtataka ko lang ay hindi apektado sa mga nangyayare ngayon si Crystal. Lalo na't tungkol pa sa pagsama ni Carlo sa BSG

Matanong na nga lang mamaya si Crystal. Baka kasi may alam siya na hindi namin alam. Alam mo yun, mapaglihim na tao si Crystal eh. Sinasarili lahat ng problema niya

Simula ng pumasok na kami sa room, lutang na kaagad ako kakaisip sa sitwasyon ngayon. Alam kong ganun din sila Shane, Sophia at Sarrah. Haysss

Actually kaya ganito ako kaapektado kasi gusto ko si Carlo. Siya ang first love ko at siya ang magiging last man ng buhay ko

Mas lalo siyang gumwapo kanina nung ngumiti siya ng sobrang lapad habang nakatingin kay Crystal kanina. Ngumiti din naman non si Crystal

Mas lalo tuloy ako nagkakagusto kay Carlo ng sobra. Ipinagkakait niya kasi yung tawa at ngiti niya eh. Yung totoo talaga

Ang alam ko lang kay Crystal niya lang napapakita ang totoong ugali niya eh.

Dati kasi masayahin yang dalawang mag kapatid na yan. Kaso nung namatay na ang true mother nila, dun na nagsimula ang pagkacold nila. Emotionless, PokerFace, blank expression at masungit.

Hindi pa nga namin alam ang dahilan ng pagkamatay ng mommy nila Crystal eh. Sabi kasi ng iba na naplane crash daw yung sinasakyan noon ng mommy nila

Pero buti na lang at may stepmother na sila at tanggap naman nila ito dahil sa nangungulila na kasi sila sa isang Nanay eh

Di ko namalayan na uwian na pala. Halos wala akong natutunan ngayon dahil nga diba lutang yung isip ko. Parang tuloy akong takas sa mental na nakatulala kanina

Lumapit na kami kay Crystal na sarap na sarap sa pagtulog. Ang amo ng mukha niya pag tulog pero pag gising akala mo nakalunok ng yelo kapag may kasalamuhang iba eh

Hinintay lang muna namin siyang magising kasi baka makatikim pa kami ng sapak niyan. Ayaw na ayaw niya talaga may gumigising sa kanya kaya hinayaan na lang namin siya na matulog hanggang sa siya mismo ang gumising

Nakakaisang oras na kaming nakapalibot sa kanya at pinagmamasdan siya pero tahimik lang kami.

Hanggang sa may kumalabog sa pintuan ng sobrang lakas kaya napatingin kaming lahat doon. I wonder kung magigising si Crystal dahil don, kasi kapag hindi, magpapasalamat kami sa panginoon.

Tinignan namin kung sino may gawa nun at yung mga BSG pala. Akala mo kung sino dito sa school nato eh heartthrob lang naman sila dito. Kung alam lang nila na kay Crystal tong school na to talsik na sila dito

"What do you think your doing? Huh?!" iritang sabi ni Sophia sa kanila

"Sorry naman po sa inyo. Kukunin lang po kasi namin yung bag namin" sarkastikong sabi nung Grey kay Sophia

"Kailangan bang ikalabog yang pinto ha?! Akala niyo naman kung sino kayong may ari ng paaralan na to ah!" inis na sigaw ni Shane

"Hoy! Wala kang karapatan na sigawan kaming mga Campus Heartthrob! At sino ka ba para umasta na parang mas mataas ang posisyon niyo eh mga basurang transferee lang naman kayo dito lalo na yung kasama niyong pangit na nerd!" bulyaw nung Kurt sa amin

Nag init naman ang ulo ko dahil sa pang iinsulto niya sa Demon Princess namin

Nagulat na lang kami ng may humampas ng malakas sa mesa. Pagtingin namin ay Crystal pala na parang nababalutan na ng maitim na aura. Paktay kayo mga hayop! Ginalit niyo ang Prinsesa namin!

Halata rin naman sa kanila na nagulat pero si Carlo ay nakangisi lang. Alam na alam niya talaga ang ugali ng ate niya

Naglakad papunta sa amin si Crystal na walang emosyon. Hinarap niya si Kurt na pacool lang.

"Don't you dare to insult us because you don't know everything. Don't judge the other people like me in just physical appearance. You kno what? I think you don't have the position to say those nonsense words to us." mariin niyang sabi ka Kurt

"You don't have also a position to say that to us because we are the Campus Prince and all of you is just a pest of this school" sumbat naman ni Kurt

"Kung alam niyo lang kung sino ang kinakalaban mo." sabi naman ni Crystal ng sobrang lamig ng boses kaya nangilabot naman kami dito pati na sin sila.

"Ano naman malalaman namin?" singit ni Gelic sa maangas na tono

Ngumiti ng pagkatamis tamis si Crystal sa kanila at kami naman napadevil smile. Si Carlo naman napangisi na talaga ng sobrang lawak

"It's for us to know and it's for you to find out" sabi uli ni Crystal

Paalis na sana kami ng magulat kaming lahat nang magyakapan yung magkapatid na sina Carlo at Crystal

Parang may binubulong si Crystal kay Carlo pero nevermind na lang

Kumalas na sila sa pagkakayakap at nagngitian sa isa't isa, yung totoong ngiti

Kiniss naman ni Crystal si Carlo sa chics at ganun din si Carlo kay Crystal

Goodbye kiss kasi nila yun as a sibling.

Bago kami umalis ay nagwave pa kami ng kamay ng nakakaasar sa kanila pero si Carlo naman ay napa iling na lang

Bumalik naman sa pagkacold si Crystal nung nakalayo na kami

Haysss...  Kapagod ngayong araw ah. May itatanong pa sana kami kay Crystal kaso bukas na lang. Pagod na rin kasi kami eh

Agad naman kami pumuntang parking lot then sumakay na sa sari sarili naming kotse. Then pahuhurot na namin papunta sa sari sarili naming mansion hehe. Pero may hide out kaming lima

Pagkadating ko sa bahay ay pinark ko na ang ktse ko sa parking lot. Alangan naman a loob ng bahay diba? Shunga shunga tss.

Pagkapark ko ay pumasok na ako deretso sa kwarto at sumalampak na ako sa kama. Hayys kapagod ngayong araw ah. Phew!

Ano kaya yung binulong ni Crystal kay Carlo? Curious kasi ako eh bakit ba? Hahaha

Geh, tulog na ako, kita na lang tayo a next chap hahaha














The Unexpected Nerd Is A GangsterWhere stories live. Discover now