Prologue

50 12 7
                                    

Malungkot na tinitigan ko ang aking kulay berdeng kwaderno na kung saan nakasulat ang mga kwentong aking ginawa. Matagal ko na itong itinago. Matagal ko na rin pa lang tinalikuran ang pagsusulat.

"Nanghihinayang ka na ba? Naiinggit ka na ba sa mga kaibigan mo dahil may kanya-kanya na silang mga Libro? Samantalang ikaw... Heto't nagdaramdam pa rin sa nakaraan," nagulat ako ng makita si Kuya sa aking tabi habang seryosong nakatingin sa kwadernong hawak ko.

Napangiti ako ng mapait dito. "Bakit naman ako manghihinayang kung ito ang desisyon at ginusto ko? Oo, aaminin kong naiinggit ako dahil napag-iiwanan na nila ako, kasama ko lang silang mangarap dati pero heto ako't apektado pa rin sa nangyari noon. Kuya, nawalan na ako ng ganang magsulat,"

"Hindi ka naman talaga nawalan ng ganang magsulat. Natatakot ka lang ma-reject. Natatakot kang sumubok ulit. Kapatid, may mga bagay na kapag sinimulan mo kailangan mong tapusin," makahulugang sabi ni Kuya.

A Broken PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon