Alam kong marami sa inyo ang napapaisip kung ano nga bang meron sa nakaraan ko.
Siguro para sa inyo wala lang yun, kapag nalaman niyo ang dahilan ng lahat ng ito'y iisipin niyo na napakababaw ko para dumating pa ako sa puntong magsusulat ng ganito na halos ikwento ko na yung talambuhay ko.
Pangarap ko kasi ang nasira. Sino ang may kasalanan? Sila. Ay mali ako pala. Ako, kasi masyado kong dinamdam yung nangyari. Napakahina ko. Hindi naman kasi ako kasing tatag ng iba. Hindi ko kayang magpanggap na ok lang ako, hindi ako magaling sa ganun.
Kaya kahit sariwa pa rin yung sakit ng nakaraan----
Handa na ang manununulat na ito upang ipaalam sa inyo ang lahat.
Masaya ako noon kasi lalong nadadagdagan yung mga reads ng mga kwentong isinusulat ko sa wattpad.
Mas ginaganahan ako sumali sa iba't ibang klase ng writing contest. Minsan panalo pero kadalasan ay talo.
Hindi ko tinigilan ang pagsusulat feeling ko kasi malapit ko ng makamit yung isa sa mga pangarap ko yung magkaroon ako ng sarili kong libro, yung pangalan ko yung nakalagay doon.
Kung tutuusin nakakapagod din ang magsulat, mag isip ng pang-update, masakit sa kamay yung pagta-type. Pero sa tuwing nababasa ko yung mga magagandang comments ng readers ko sa kwentong isinusulat ko ginaganahan akong magsulat. Dedma na lang ako sa masasakit na salita ng iba pang nagbabasa ng gawa ko. Sa totoo lang wala naman akong kinikita sa pagsusulat. Dito lang talaga ako sumasaya.
Hindi ko na nga matandaan kung saan at kung bakit ko nga ba nakahiligan ang pagsusulat. Dati naman kontento na ako sa pagbabasa ng mga pocket books ng kaibigan ko.
Sa pagsusulat kasi feeling ko malaya ako. Nakakagawa ako ng sarili kong mundo. Yung mga problema't hinanakit ko sa mundo natatakasan ko sa tuwing nagsusulat ako, doon ko ibinubuhos ang lahat.
Iilan lang din ang nakakaalam na nagsusulat ako, ayaw kong ipaalam sa iba dahil nahihiya ako. Ayaw kong mabasa nila yung mga isinusulat ko. Feeling ko kasi pagtatawanan nila ako kapag nalaman nilang nagsusulat ako.
Isang araw kinausap ko si kuya. Sinabi ko sa kanyang balak kong ipasa yung ibang mga isinulat ko sa mga publishing house. Magbabakasakali lang ako na baka magustuhan nila yung gawa ko.
Kaya naman inedit ko agad yung mga kwentong ipapasa ko. Inabot din ako ng ilang araw sa pag eedit. Minsan nga pinapagalitan na ako ni kuya ipagpabukas ko na raw iyong ginagawa ko. Sinasagot ko naman siya ng, "Bakit ko pa ipagpapabukas kung kaya naman ngayon?" kapag ganun bigla na lang umaalis si kuya. Siguro ayaw niya na lang makipagtalo sa akin dahil alam niyang hindi ako magpapaawat.
May isang beses namang nakatulugan ko yung pagta-type sa kasamaang palad hindi ko na save yung naedit ko na. Kaya dala ng inis napasigaw ako. Nagulat na lang ako ng makita kong iniluwa ng pinto ko ang kuya kong mukhang nag aalala.
"Bakit ganyan ang itsura mo kuya?" Tanong ko dito.
"Ano bang nangyari sa 'yo? Bakit ka sumigaw? Nagmamadali akong pumunta dito kasi baka napaano ka na," nag aalalang sambit nito.
Ang bait naman ng kuya ko concern sa akin. "Yung inedit ko kasi hindi ko na save. Nakatulugan ko pala." Malungkot kong tugon dito.
Biglang nagbago ang itsura ni kuya. Nagulat na lang ako ng bigla ako nitong binatukan.
"Aray. Bakit ka naman bigla biglang nambabatok?" Nakalabing sabi ko dito.
"Baliw ka kasi. Kung makasigaw ka akala ko naman kung napaano ka na. Istorbo sa pagtulog." Iritang sabi nito sabay walkout.
BINABASA MO ANG
A Broken Pen
Short StoryIto ay kwento ng isang manunulat na minsan ng nadapa ngunit muling bumangon upang pangarap niya'y kanyang makamtan.