Totoo namang mahina ako. Wala akong lakas ng loob na sumubok ulit. Mas pinili ko kasing tumigil muna sa pagsusulat para ilayo ang sarili ko sa stress at sa dissapointments.
Nasaktan ako sa ilang ulit na rejection na natanggap ko kaya hindi niyo rin ako masisisi kung bakit ako ganito.
Hindi lahat ng nadadapa kayang tumayo sa sarili nila, minsan kailangan namin ng taong susuporta sa amin upang kami'y makatayong muli.
Sa kaso ko nakita ko agad ang taong iyon.
At alam kong alam niyo na kung sino ang tinutukoy ko. Si kuya. Ang kuya kong laging nasa tabi ko at lagi akong pinangangaralan.
Bigla ko tuloy na miss si kuya ilang araw ko na rin pala siyang iniiwasan. Lumalayo ako sa tuwing lalapit siya. Hindi ko kasing kayang kausapin siya dahil napagtanto kong tama ang lahat ng mga sinasabi niya.
Naalala ko tuloy yung madalas kong pangungulit sa kanya na basahin niya yung mga kwentong ginagawa ko. Binabasa niya naman agad ito kahit na nagrereview siya. Ganun ako kalakas kay kuya.
Siya ang gusto ko laging unang makakabasa ng gawa ko. Hindi man maganda ang mga sinasabi niya minsan sa gawa ko hindi sumasama ang loob ko sa kanya dahil tinutulungan niya ako minsan mas pagandahin pa ang gawa ko.
Naalala ko rin yung minsang inaway ko si kuya dahil nasa kanya pala yung paborito kong ballpen, yung ginagamit ko sa pagsusulat. Ilang araw ko rin siyang hindi pinansin. Alam kong napakaliit na bagay nito pero may sentimental value sa akin ang ballpen na 'yon.
Sa tuwing ginagamit ko kasi ang ballpen na iyon ginaganahan akong magsulat.
Sa katunayan marami na rin akong kwentong natapos gamit ang paborito kong ballpen at ang kulay berde kong kwaderno. Dito ko isinusulat ang mga kwentong nabubuo sa aking isipan.
Dati kontento na akong si kuya at ako lang ang nagbabasa ng gawa ko hanggang isang araw may natuklasan akong App na pwede kang magsulat ng mga kwento. Marami raw makakabasa ng gawa mo sa app na iyon base sa pananaliksik ko at posible rin maisalibro ang iyong gawa once na maraming reads at votes ang iyong gawa.
Gawa ng kuryosidad nag download ako ng nasabing app.
Sa una natatakot akong gumamit nito dahil iniisip kong walang magbabasa ng gawa ko masasayang lang yung effort ko.
Hindi muna agad ako nagsulat dito. Nag chat ako ng ramdom people upang kaibiganin. Hindi ko gawain ang ganito, kinapalan ko lang talaga ang mukha ko para kahit papaano ay magkaroon ako ng bagong kaibigan.
Hiningian ko ng mga tips ang mga bagong kakilala ko rito. Dahil alam kong marami pa akong hindi alam sa wattpad.
Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ng isa kong nakilala sa wattpad. Huwag kang maiinggit sa iba kung marami ng reads and votes ang kanilang gawa. Hindi ka naman yayaman sa ganun dear. Ang intindihin mo ay mahal at gusto mo ang iyong ginagawa, ang mahalaga ay may mga taong nagtitiwala sa iyong gawa. Don't worry dear I am always here to support you. Ano pang inaantay mo? Sulat na. Huwag mong isipin kung may magbabasa ba o wala ng iyong gawa ang mahalaga ay nagawa mo ang iyong gusto.
Yung mga panahon na iyon inalis ko sa isip ko yung pangamba. Pangambang walang magbabasa ng aking gawa.
Sinimulan ko ng magsulat sa wattpad.
Wala na akong pakialam kung langawin yung gawa ko ang mahalaga'y nagsusulat ako hindi para sa iba kundi para sa aking sarili. Kaunti lang ang nagbabasa ng gawa ko hanggang sa tinulungan ako ng mga nakilala ko sa wattpad. Pinabasa nila sa mga kaibigan nila yung gawa ko kaya naman hanggang sa dumami na yung nagbabasa ng gawa ko.
Na inspire akong magsulat dahil sa kanila.
Inanyayahan din nila akong sumali sa mga groups na kinabibilangan nila. Pwede ko raw ipromote dun yung gawa ko sa wattpad.
Sumali ako. Nagtataka ako kung bakit kakaiba ang apelyido nila. Magkakapareho. Sabi nila dummy account daw ang gamit nila. Ginagamit daw nila ito for wattpad purposes. At para na rin daw makipagkilala sa iba dahil boring sa Real account nila. Masaya raw sa Dummy world kasi dito raw malaya sila.
Ang dami ko pa ngang hindi alam. Tulad nila gumawa rin ako ng Dummy account ko.
Tama nga sila masaya sa Dummy world. Marami akong nakilala dito. Sumali ako sa iba't ibang klase ng wattpad groups. Promote dito promote dun. Iyan ang lagi kong ginagawa sa tuwing gamit ko ang dummy account ko.
Dumami nang dumami yung nagbabasa sa gawa ko. Kaya mas lalo akong ginanahang magsulat. Halos linggo linggo ako kung mag update noon.
Sinubukan ko rin sumali sa mga pa contest ng mga wattpad groups na kinabibilangan ko. Hindi ako nananalo pero masaya na ako sa mga komento ng mga taong nakabasa ng gawa ko.
Lalo pang dumami ang naging kaibigan ko sa dummy world dahil sa pagsali ko sa mga Wricon. Ang iba sa kanila ay naging kapareha ko sa pagbuo ng isang nobela. Ang iba naman sa kanila ay naging mentor ko sa larangan ng pagsusulat.
Dati si kuya lang ang nagbabasa ng gawa ko ngayon nadagdagan na. Iba pala ang feeling kapag may iba pang tao ang bumabasa ng gawa mo. Pero hindi lahat ng mga nagbabasa ng gawa ko ay natutuwa sa mga kwentong isinusulat ko. Ang ilan sa mga ito nilalait ang mga gawa ko. Masasakit ang mga salitang ibinabato nila sa akin. Pero nanatiling tikom ang aking bibig.
Pero hindi ako nagpapaapekto sa kanila. Dahil alam ko namang may mga taong sumusuporta sa akin. Alam ko rin namang hindi lahat ng tao ay kaya nating iplease. Hindi naman ako nagsusulat para lang magpaapekto sa masasakit na salita nila.
Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat hanggang sa hindi ko namamalayang kaya ko palang gumawa pa ng mas marami pang kwento upang ipabasa sa iba. Kaya naman nangarap ako.
Nangarap ako na sana isang araw maisalibro ang mga kwentong isinusulat ko para naman may maipagmalaki ako at matuwa sa akin sila mama. Kontento naman na ako sa kung anong meron ako pero darating talaga tayo sa puntong maiinggit tayo sa natatamasa ng ibang tao.
Bilib ako sa mga kaibigan ko online dahil unti-unti ng natutupad ang kanilang mga pangarap. Naisalibro na ang ilan sa mga gawa nila, masaya ako para sa kanila at alam ko sa tamang panahon magtatagumpay din ako kagaya nila. Kaya naman mas sinipagan kong magsulat.
Hindi pala lahat ng nakaraan ay may masasakit na alaala. Meron din pala itong masasayang alaala na nakakalimutan natin dahil nakafocus tayo sa mga alaalang pilit nating binubura sa ating isipan.
Kakausapin ko na si kuya upang humingi ng tawad at magsimulang muli. Magsisimula ulit ako sa umpisa at gagawin kong aral ang aking nakaraan.
Ang nakaraan kong naging dahilan kung bakit mas pinili kong talikuran ang pagsusulat.
BINABASA MO ANG
A Broken Pen
Short StoryIto ay kwento ng isang manunulat na minsan ng nadapa ngunit muling bumangon upang pangarap niya'y kanyang makamtan.