Chapter One: When I Met Him

47 0 0
                                    

Chapter One

                Nagsimula ang lahat noong dumating ako rito. Isang mahabang bakasyon ang itatagal ko dito. Nagbakasyon ako dahil gusto kong lumayo sa isang lugar kung saan puno ng mga ala-ala ng nakalipas. First love never dies, pero pipilitin kong kalimutan siya.

                Unang araw ko palang dito alam kong wala akong magiging close friend dito. Alam ko kung anong ugali ko. Mahiyain. Unsociable person. Walang ibang magawa kundi mag-internet.

                Nakaupo ako noon sa bench sa may gilid ng park ng makarinig ako ng ugong ng motorsiklo mula sa kaharap nitong kanto. Busy ako sa phone ko pero ng lumingon ako nakita ko yong lalaking nagda-drive ng motorsiklo. Siguro mga ka-age ko lang siya. Sa look niya talagang nakakaiba siya. Side view palang niya iba na yong naramdaman ko ng makita ko siya. Hindi ko masyadong nakita yong mukha niya. Pero ang cute niya. Nakasuot siya ng violet tee-shirt, naka-black na short. Lumitaw yong fair-white skin complexion niya.

                Dumaan siya sa kanang kalsada papunta sa public market. Yong kulay ng motor na sinasakyan niya, tumatak talaga sa isipan ko. Isang white na motorsiklo na may blue sa harap.

                Simula noon iba na yong pakiramdam ko. Yon bang parang na-inlove ulit ako.

                Noong sumunod na araw, naglalakad ako mag-isa sa park. Wala akong ibang mapuntahan kundi park. Naisipan kong maupo at tinungo yong bench sa tabi. Bigla nalang tumunog yong cellphone ko. Pagtingin ko sa caller ID... pinsan ko palang si Llanie.

                "Hello?" sagot ko agad sa kanya.

                "Hoi, ano nang ginagawa mo?" sagot at tanong agad niya.

                "Eto naglalakad-lakad sa park." sagot ko ulit sa kanya.

                "Ahh. Well kamusta yong love-life mo?" tanong ulit niya.

                Nabigla naman ako sa tanong niya. Love-life agad? Eto nanaman po kami. Kwentuhan na naman tungkol sa Mr. Xbox na yon.

                "Walang love-life tong pinsan mo." sagot ko naman sa kanya.

                "Eh, nagmemessage pa ba sayo si Mr. Xbox?" tanong ulit niya.

                "Message? Ilang buwan na siyang di nagrereply. Hindi ko alam kung anong dahilan." sagot ko ulit kay Llanie.

                "Ha? Baka busy lang siya..." sagot ni Llanie.

                "Busy? For almost Two months? Busy? Kung sinabi niyang wala na siyang time para makausap ako. At kung di na niya gustong makachat pa ako maiintindihan ko. Busy? That's not an excuse couz. Kahit magmessage siya ng late okay lang." sagot ko kay Llanie.

Bakit Ba Crush Kita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon